Kabanata 29

2.4K 44 4
                                    

SOFIA

"Sofia?"

Rinig ko sa pangalan ko. Lumingon ako at tiningnan kung sino ang nagsalita. Si Trixie kasama ang mga ibang kaibigan ko.

Tumakbo silang apat at niyakap ako. "Hindi mo kami inabisuhan na uuwi ka? " Wika ni Trixie.

Nagkwentuhan kami sa mga sandaling iyon at nagkaliwanagan. Humingi rin ako ng pasensya sa kanila, ang hindi pagsabi kung nasaan ako noon.

"Basta huwag mo ng uulitin iyon huh?" Wika nito.

Nagyakapan muli kaming apat. Ilang sandali ay tumunog ang cellphone ko. Humiwalay ako sa kanila at sinagot ko ito.

"Ma'am, si Mason po ay hinimatay at itinakbo sa hospital ng isang lalaki. Sa tingin ko ay hindi niya nakayanan ang init ng panahon." Rinig ko sa kabilang linya.

Bigla akong kinabahan at nakaramdam ng takot. "Sige manong. I-text mo sa akin ang lokasyon ng hospital at pupunta na ako." Wika ko.

"Bakit anong nangyari?" Tanong ng isa kong kaibigan.

"Kailangan ko lang puntahan ang bagong kaibigan ko, nahimatay raw dahil sa init ng panahon. Huwag na huwag ninyong ipagsasabi sa kanyang narito ako." Palusot ko at pinagsabihan din sila.

Hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang tungkol sa mga bata kaya nagsinungaling ako. Nagpaalam ako sa kanila at naintindihan naman nila.

Nagtungo ako sa parking lot at minaneho ang sasakyan. Nagmadali akong pumunta sa hospital at laking pasalamat ko dahil hindi na ma-traffic ang daan.

"Mason Maximus?" Agad kong tanong sa front desk.

"Room 143, ma'am." Tugon nito at agad akong nagtungo roon.

Kahit na hindi kami kasal ay apelyedo ni Drake ang inilagay ko. 

Ayokong walang makilalang ama ang mga bata. Hindi ko nais na maranasan nila ang matukso o tuksuhin ng mga ibang bata dahil lang sa wala silang tatay.

Pumasok ako sa kwarto at naabutan ko sina manong at Madison na nakaupo sa sofa. "Mommy." Bigkas ng anak ko at lumapit sa akin.

Binuhat ko ito at nilapitan ko ang anak kong si Mason na tulog at nagpapahinga. "Maayos na ang lagay niya ma'am, sabi ng doctor makakaalis na siya kung gumising ito. Kailangan niya lang ng sapat na pahinga." Wika ni Manong.

Tumango naman ako. "Nasaan po ang nagdala sa kanya rito at nais ko po siyang pasalamatan." Wika ko.

"Kakaalis lang nila ma'am. Hihintayin ka sana ngunit nagmamadali sila." Wika nito.

DRAKE

SINAMAHAN namin sandali ang mga bata habang ang driver ay hinihintay ang mama nila ngunit biglang may tumawag sa cellphone ko.

"Your meeting with Mr. Garcia this 1 pm, sir." Wika ni Trixie. Naririnig kong maingay ang paligid nito.

"Where are you?" Tanong ko.

"I asked for the help of my friends sir at narito kami sa mall bumibili ng gagamitin bukas para sa anniversary ng kompanya." Tugon niya.

"Okay! Take care." Wika ko at pinatay ang tawag.

70 years na ang kompanya bukas at hindi ako makapaniwalang ganoon ito katanda. I instructed my secretary to handle everything, so we'll celebrate the anniversary tomorrow.

"Let's go, mom. I have to attend a meeting." Wika ko kay mama at tumango naman ito.

"Mauuna na kami, manong. Hindi na namin mahintay ang mama nila dahil nagmamadali kami." Wika ko.

"Sige po, sir. Maraming salamat ulit." Tugon niya.

"Goodbye, baby girl." Paalam ko sa batang kay lawak ang ngiti. Niyakap ako nito at tsaka nagmano kay mama.

"I salute her mother for teaching this kid to have respect for elders." Wika ni mama. And she's right; I didn't expect this kid to do that.

"You look so happy." Wika ni mama habang nasakay kami sa sasakyan. 

Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon. "Is it because of those two kids? It reminds me you and Sofia." Sabi niya.

I'm so speechless.

I missed her a lot.

"Yeah! Ang gaan ng loob ko sa kanilang dalawa. I never felt this before, mom. I don't know how to explain my feelings right now." Wika ko.

"I knew those feelings, son. That's what I felt too when you were born." Wika ni mama.

Tumahimik ako sandali bago nagsalita. "Manong, idaan ni'yo ako sa kompanya at magpapasundo na lang ako sa inyo mamayang hapon." Wika ko sa driver.

"Opo, sir." Tugon nito.

Pagkalipas ng sampung minuto ay narito na ako sa kompanya. "Goodbye, mom." Sabi ko kay mama at binigyan ng halik sa pisnge.

"Take care, son."

SOFIA

"Mommy?" Nagising ako sa nagsalita. Hindi ko namalayanG nakatulog pala ako rito sa sofa. Pinatulog ko ang anak kong babae kanina sa isang sofa dahil inaantok.

Tumayo ako at agad na nagtungo kay Mason ."How's my, baby boy?" Tanong ko.

"I'm good now, mommy. Thank you to Mr. Chocolate." Wika ng anak ko.

"Mr. Chocolate?" Naguluhan kong tanong.

"The one who brought me here, mom. We were hungry earlier, and we saw them in traffic too. He offered us chocolate, and we got it." Sabi ng anak ko.

"Did you thank him when you received that chocolate?" Tanong ko.

"Yes, mom. He's so handsome, like me. Also, he's so kind." Wika ng anak ko.

Natawa na lamang ako sa sinabi ng anak ko.

I'm really curious who that man was. Hindi ko man lang siya naabutan upang makapagpasalamat.

"Did he say his name?" Tanong ko sa anak ko.

"No, mom. I forgot to ask! I fainted and did not ask that question." Tugon ng anak ko.

He's really talking like a mature person. I'm so blessed to have kids like this na matatalino at mababait.

Kanino pa ba magmamana?

"Mommy." Rinig kong tawag sa akin ng anak ko sa sofa. Kagigising nito at umupo.

"You're awake na kuya?" Tanong ni bunso ko nang makita ang kuya niyang gising.

"I'm still sleeping." Tugon ng kapatid niya na siyang ikinatuwa namin pareho.

"Kuya is bad, mom." Maktol ni Madison.

Tumawa ako at tsaka siya pinapunta sa amin. Pinaupo ko ito sa kama kaharap ko at hinarap namin ang kuya niya.

"Be better soon and we're going to mall, kuya." Wika ni Madison.

"Can we go right now, mom?" Tanong ng anak ko.

"The doctor says you need to rest. Gusto mo ba ulit bumalik dito?" Tanong ko.

"No, mom. Okay, I will take a rest." Sabi ng anak ko.I'm really thankful because he understands that he's not like other kids na ipipilit ang gusto nila.

"I love you, my angels." Wika ko at sabay naman silang sumagot.

"We love you too, mom."

-

A/N

Please don't forget to support me by voting, commenting and following me. Thank you 😉 God bless 🙏

Fragility Unveiled: A Husband's Protective Domination [Completed]✓Where stories live. Discover now