DRAKE
KINAKAHABAN ako rito sa tagal na naghihintay. Gusto kong pasukin kaagad sa loob ngunit iyon ay hindi magandang plano.
Ang plano, kapag ang dalawang bata ay napalaya tsaka nakalabas at doon agad kami susugod.
"I hope nothing will happen to them." Wika ni tita.
"I'm so nervous, balae." Sabi naman ni mama.
"Can you please both stop so we can think clearly." Sabi ni papa at sumang-ayon naman si tito.
Narito kaming lahat. Gusto naming maiwan sila kanina ngunit hindi sila nagpatinag at pumayag.
Tumahimik ang mga ito at hinihintay pa rin kung ano ang susunod na mangyayari.
I'll really kill that bitch with my own hands, kung may mangyaring hindi maganda sa pamilya ko.
SOFIA
NAGISING ako sa malakas na iyak at sigaw ng mga anak ko. Gayundin ang malamig na tubig na ibinuhos nila sa akin.
"Bangon." Tadyak ni Jenny sa likod ko. Pinilit kong bumangon at i-ika-ikang lumapit sa mga anak ko.
"Now, you chose ang mga anak mo o ang sarili mo?" Tanong nito sa akin.
"Demonyo ka." Wika ko.
"Yes." Pagsang-ayon nito at tumawa nang malakas.
"Spare my kids, ako na lang." Pagmamakaawa ko.
I will sacrifice myself!
"Mommy, noooo." Sigaw ni Mason habang umiiyak.
"Listen to mommy, okay? Take care always of your sister and always be good to Daddy." Paliwanag ko sa anak ko.
"What a drama." Rinig kong sabi ni Jenny.
Kaagad kong tinanggal ang bomba sa katawan nila at isinuot ko.
"Go baby. Take your sister." Ani ko kay Mason para lumabas.
Ilang sandali ang nakalipas ngunit ayaw pa rin nila hanggang sa sinigawan ko ang mga ito tsaka lumabas. Iyon lamang ang paraan para makaligtas silang pareho.
Masaya na akong makita ko silang nakalabas. Ang babaeng na sa harap ko ay hawak-hawak ang isang golf club.
"Sa akala mo maiiisahan mo ako? Alam kong may kasama kang nasa labas. Tama ba ako?" Sabi niya.
Hindi ako sumagot at kinakabahan pa rin. "Huwag kang mag-alala ikaw lang naman talaga ang kailangan ko. Kapag naging kami na ulit ni Drake, pahihirapan at pahihirapan ko ang mga anak mo." Wika nito.
"Sa tingin mo mamahalin ka pa ni Drake pagkatapos nito?"
"Tumahimik ka. I have my own plans. Magdasal ka na." Sabi nito at unti-unting lumalayo para pintudin ang bomba sa labas ng isang pintuan malayo sa akin.
Maaari niyang pindutin ang hawak niya at sasabog kaagad gayundin kung tanggalin ko ito.
"Bitch." Rinig kong sigaw niya tsaka muli akong hinampas. Ito ang pangalawang pagkakataon na muli akong kinain ng dilim.
Paalam.
DRAKE
Tumakbo ako sa mga anak kong lumbas at saktong nakahanda naman ang mga kasamahan namin lalo na ang mga sampung taong sniper. Mabilis nilang nalipol ang mga kasamahan ni Jenny.
I brought my kids to my parents para sila muna ang bahala sa kanila. Ngayon ang oras para harapin ko si Jenny.
Kasama ko ngayon sila tito at daddy. Nang malapit na kami sa loob ay narinig namin ang malakas na pagsabog.
"SOFIAAAAAAAAAAAA!!!!!!" Sigaw ko nang malakas.
"HINDI!" Sigaw ni tito.
Tatakbo na sana ako sa loob nang bigla akong hawakan sa magkabilang braso. "Nahihibang ka na ba? Gusto mong ikaw ang sumunod?" Sigaw sa akin ni daddy.
Nagpupumiglas ako habang hinahawakan nila ako ng maigi. Hindi ako makapaniwalang ganito ang kahihinatnan nito.
Napaluhod na lang ako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwalang wala na ang fiancée ko.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. "Sofia." Bulalas ko habang umiiyak.
Ubos na lahat ng kalaban at ilang sandali ay naramdaman ko ang pagyakap ng dalawa kong anak sa akin habang umiiyak ako.
"Daddyyy." Sabi ni Madison habang umiiyak din.
"Mommyyyyy." Sigaw naman ni Mason.
Niyakap ko ang dalawa kong anak habang pinapanood ang abandonadong nasusunog.
I'll find that bitch and I will show her no mercy.
SOFIA'S MOM
PINALAKI ko ng ilang taon ang anak ko at papatayin lang ng walang hiyang babaeng iyon. Halos humiga na ako sa daan dahil sa narinig kong malakas na pagsabog.
Hindi ako makapaniwalang wala na ang anak ko. "Sofia." Sigaw ko habang umiiyak.
Masakit para sa isang inang nakikitang nasasaktan ang anak. At mas masakit makita ang anak na namatay sa hindi makatarungang pangyayari.
Kahit anong sigaw ko rito hindi ko na maibabalik ang buhay ng anak ko. Ngunit masakit isipin at masakit sa damdamin ang aking nararanasan sa ngayon.
Saktong dumating ang bombero ngunit mga buto lang ng anak ko ang naiwan. Umuwi kaming lahat na luhaan. Iniisip na panaginip lang ang mga ito.
Gagawin ko ang lahat para lang mahanap ang babaeng iyon. Magbabayad siya!
SOFIA'S DAD
I have never cried in my whole life ngunit ang pagkawala ng nag-iisang anak ko ang siyang nagdulot ng labis na sakit sa aking puso.
Hindi ako makakain at hindi ako makapagsalita. Para akong nawalan ng boses sa pangyayaring ito. Bukas na bukas din ay ililibing namin siya.
Ang kasal na kasiyahan dapat ang idudulot ay nauwi sa pagkasawi at pagkalungkot.
Ang kasiyahan talaga ay palaging may kaakibat na kalungkutan. "Anak kooooo." Bigla kong pagsigaw at dali-daling lumapit ang asawa ko sabay yakap sa akin.
Wala kang maririnig sa mga sandaling ito sa bahay namin kundi iyak lamang. Halos lahat ay hindi makapaniwala sa nangyari.
"Ganyan talaga ang buhay." Sabi ng asawa ko habang umiiyak.
"Sabihin mong nananaginip lang ako." Sabi ko sa asawa ko.
"Wala tayong magagawa kundi tanggapin ang pangyayaring ito." Sabi ng asawa ko at muling tumulo ang mga luha ko.
DRAKE
ANG bata pa ng mga anak ko para mawalan ng ina. Sobra silang naapektuhan sa nangyari at ayaw nilang kumain kagaya ko.
Hindi ko gusto ang nangyayari sa kanila. Muli kong naalala ang huling sinabi niya sa akin.
Bakit siya nagpaalam sa sandaling iyon?
Kailangan kong gumawa ng paraan para maayos pa rin ang kalagayan ng mga anak ko.
I promised you, Sofia, that I'd take care of them.
Sadyang mapaglaro ang kapalaran at hindi mo alam ang mangyayari kinabukasan o sa isang sandali.
Ang mga pangarap ko kasama siya at ng mga bata ay isang pangarap na lang na hindi kailanman matutupad.
Sayang lang at hindi ko na siya makakasama na palakihin ang mga anak namin. Hanggang doon na lamang ang pagtatapos ng aming kabanata.
Vengeance is mine.
-
A/N
Please don't forget to support me by voting, commenting and following me. Thank you 😉 God bless 🙏

YOU ARE READING
Fragility Unveiled: A Husband's Protective Domination [Completed]✓
RomanceA TAGALOG-ENGLISH STORY Sofia is an uncomplicated young woman who has turned down many men. Although she reassures herself that she does not dislike men, she simply does not feel any romantic attraction towards them. For nearly a decade, Sofia has b...