DRAKE
MAY meeting ako ngayon pero hindi ako makapag-concentrate. Tulala ako habang hinihintay namin ang CEO nila. Inaalala ko pa rin si Sofia. Nagtatampo ako sa kanya dahil kahit anong pilit kong sabihing sumama ito ngunit ayaw niya.
Wala akong tiwala sa mga lalaki sa kompanya. Pansin kong marami rin ang nagnanasa sa kanya roon.
They try to steal her, or else...
I am getting paranoid.
"Good morning, ladies and gentlemen, from our CEO, Miss. Spy." Pakilala ng kasamahan namin at laking gulat ko sa nakita ko.
Jenny?
I thought si Veronica ang makakasama namin?
I feel like a statue in my seat. Bumalik lahat ng mga ala-ala ko sa kanya.
It's been three years, and now here she is.
"Mr. Maximus?"
Kanina pa pala ako tinatawag ngunit tulala ako.
"Are you alright?" Tanong niya.
Wtf.
"Yes." Matikas kong tugon.
"Okay, let's start." Simula niya.
Nagsimula siyang magpaliwanag sa endorsement niya ngunit hindi ito pumapasok sa isipan ko. Tulala ako sa mga oras na ito hanggang matapos ang meeting.
Hanggang sa nakikipalakpak na lang ako na hindi ko naman alam kung ano ang mga sinabi niya.
What's wrong with me?
Isa pa ay hindi ako interesadong pakinggan ang mga sinasabi niya.
Nagsitayuan na ang lahat at ako ay nakaupo pa rin sa conference room.
"Hey." Pukaw nito sa pansin ko. Tumingin ako sa paligid at dalawa na lang kaming natira.
"I knew you hadn't listened to my presentation." Sabi nito.
"So what?" I said sarcastically.
"Are you not going to accept my proposal?" Tanong nito.
"NO!" Mabilis kong tugon.
"I heard your company doesn't have this. Are you sure about it?" Sabi nito sa nang-aakit na boses.
Natahimik ako sa sinabi niya. Sa totoo lang ay itong kompanya na ito ang pasok sa kailangan ko. Ngunit hindi ko inaasahang siya pala ang nagmamay-ari.
It's like I have no choice.
"Fine!" Sabi ko.
Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Nagsisimula na akong umapoy sa galit.
"WHY?!" Madiin at pasigaw kong tanong.
-
Past...
JENNY
"I'll wait for you there; see you soon." Ang natanggap kong mensahe mula sa boyfriend kong si Drake.
Malapit na ang gabi at alas-otso ang usapan naming magkikita kami sa dating tagpuan. Binilisan kong nag-ayos para on time rin akong makakarating doon.
Pababa ako ng hagdan nang makita ko sina Mama at Papa sa sofa. Nakatingin silang pareho sa akin. Lumapit ako sa kanila upang makapagpaalam.
"I'm going to meet Drake tonight, Mom, Dad." Ani ko sa kanila.
"No! Walang lalabas." Mariing sabi ni Papa.
"But why? I'm old enough." Maktol ko sa kanila.
"I said NO." Paglakas nito ng boses.
"Mom?" Baling ko sa Mama ko.
"Just follow him!" Pagsang-ayon naman nito sa sinabi ni Papa.
"Basta aalis ako." Sabi ko at akmang lalakad nang mabilis ngunit hinablot ni Papa ang kamay ko.
"Dad, nasasaktan ako." Sabi ko dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Mas masasaktan ka pa kung ipagpipilitan mo ang gusto mo." Anito tsaka kinaladkad ako pabalik sa kwarto ko.
"VERONICA, THE KEY!!" sigaw ni Papa sa labas ng kwarto ko.
"Dad, anong ginagawa mo? Huwag mo akong ikulong dito." Sabi ko.
"Kung ayaw mong sundin ang mga sinabi ko, walang boyfriend at walang Drake." Sabi niya bago umalis.
Wala akong nagawa kundi umiyak. Mom and Dad, wanted me to study abroad para sa ipapamana nilang kompanya sa akin. Gusto nilang hawakan ko ito as soon as possible.
Ilang araw akong nakakulong sa kwarto at paulit-ulit ang tanong nila kung papayag na ba ako sa gusto nila ngunit panay ang tanggi ko.
Kinagabihan noon ay napag-isip-isip kong hindi ko na muling makakasama si Drake kung hindi ako papayag sa gusto nila.
Kaya nang tanungin muli ako kinaumagahan ay pumayag ako.
Ang galit na mukha ni papa ay nawala.Sinabi kong magpapaalam lang ako kay Drake ngunit hindi siya pumayag.
"If he really loves you, hihintayin ka niya." Sabi niya.
Ginising nila ako kinaumagahan at pinagbihis. Ang araw na kung saan ang byahe namin papuntang Madrid.
Nag-aalala na ako kay Drake. Tiyak akong galit ito dahil ilang araw na at hindi ako nagparamdam sa kanya. Kinuha kasi ni Papa ang mga gamit kong maaaring gamiting makipag-usap sa kanya.
Lungkot at galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito habang pasakay kami ng eroplano. Gusto kong tumakas ngunit hindi ko magawa.
-
TATLONG taon na ang nakalipas at labis ang tuwa ng mga magulang ko sa akin dahil sa sunod-sunod na tagumpay sa aking ginagawa.
Halos tatlong taon kong kinukulit kung maaaring makaharap si Drake ngunit ayaw pa rin nila. Para akong nakakulong sa hawla na walang pag-asang makalabas.
Kaya nang sabihin nilang imamanipula ko na ang kompanya nila rito sa Pilipinas, labis ang tuwa ko dahil nagbabakasakaling muling mag-cross ang landas namin.
Pinuntahan ko siya noon sa dati nilang bahay at dati nilang kompanya at wala na sila roon. Binenta nila ang mga ito at walang nakakaalam kung nasaan sila. Parang guguho ang mundo ko noong mga panahong iyon dahil nawawalan na ako ng pag-asang makita siyang muli.
Present...
NGUNIT laking gulat ko nang makita ko siyang muli dito sa aking kompanya. Saktong kalilipat ko lang sa araw na ito at sila Mom and Dad ang dapat makikipag-usap sa mga investors nila.
Labis ang tuwa ko nang muli ko siyang masilayan. Napansin kong hindi rin ito nakikinig habang nagpapaliwanag ako. Sa kanya rin lang ang attention ko sa mga oras na ito.
"I knew you hadn't listened to my presentation." Sabi ko
"So what?" He said sarcastically.
"Are you not going to accept my proposal?" Tanong ko.
"NO!" Mabilis nitong tugon.
"I heard your company doesn't have this. Are you sure about it?"Sabi ko sa nang-aakit na boses at alam kong kailangan nila talaga ang proposal ko.
Sa huli ay pumayag din ito. Wala na kasi siyang ibang mapupuntahan kung hindi rito lang. He can assure quality and good performance.
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa at nagulat ako sa ginawa niya ng sumigaw ito.
"WHY?!" Madiing sigaw na tanong niya. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya kaya kinakailangan kong magpaliwanag.
I hope he still love me.
-
A/N
Please don't forget to support me by voting, commenting and following me. Thank you 😉 God bless 🙏
YOU ARE READING
Fragility Unveiled: A Husband's Protective Domination [Completed]✓
RomansA TAGALOG-ENGLISH STORY Sofia is an uncomplicated young woman who has turned down many men. Although she reassures herself that she does not dislike men, she simply does not feel any romantic attraction towards them. For nearly a decade, Sofia has b...