One year later....
DRAKE
It's been a year now since she passed away ngunit hindi ko pa nabibigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay. Galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi ko siya nagawang iligtas noon.
We are all here today at her grave to visit and to commemorate her death.
"Mommy, I hope masaya ka na sa piling ni Papa Jesus." Wika ni Mason.
"I miss you so much, mommy. " Wika naman ni Madison.
Nakakalungkot tingnan ang mga anak kong nagkakaganito. Hindi ko kailanman muling nasilayan ang mga ngiti nila maging ang mga magulang ni Sofia.
Palaging tahimik ang opisina at maging sa bahay. Sariwa pa rin sa puso't diwa namin ang pagkamatay niya. Parang kahapon lang nangyari.
Ginawa na namin ang lahat ngunit walang makapagturo o nakakaalam kung nasaan si Jenny.
Maging ang mga magulang nito ay hindi alam kung nasaan siya. Ngunit hindi pa rin ako sumusuko na mahanap siya sa gayon ay mabigyan ng hustisya at matahimik ang kaluluwa ni Sofia.
Inilapag namin ng mga anak ko ang kumot na dala namin at naupo sa tabi ng kanyang puntod.
SOFIA'S DAD
PARA akong nawalan ng buhay ng mawala ang aking anak. I still can't believe that this happened. Palagi kong iniisip na hindi ito totoo at hindi ito nangyari.
Palagi kong napapanaginapan ang anak ko. Sa panaginip lang kami nagiging masaya. Kapag nagigising ako ay muling lungkot at pighati ang mararamdaman.
Nakalimutan ko ng ngumiti at nakalimutan na rin ang salitang saya. Para kaming walang boses sa isang taon. Hindi pa rin kami makakahinga ng maayos hanggang hindi siya nabibigyan ng hustisya.
Nilapag ko ang bulaklak sa puntod niya at nakiupo sa mga apo ko. Gayunding pinanood ang asawa kong umiiyak na palapit sa puntod ng anak ko.
SOFIA'S MOM
LABIS pa rin ang aking dalamhati sa pagkawala ng anak ko. Wala akong ibang magawa kundi titigan ang apo kong si Madison sapagkat palagi kong nakikita sa kanya ang mukha ni Sofia.
"I hope and wish you happiness, wherever you are. Huwag kang mag-alala tutulungan namin ang fiancé mong magpalaki sa mga anak mo. I missed you so much, anak." Sabi sa aking isipan habang nakatingin sa puntod niya.
Hindi ko namalayan na tumulo na naman ang mga luha ko. Ilang sandali at naramdaman ko ang kamay ng asawa kong humawak sa akin.
"Bakit kailangan mangyari sa kanya ito?" Tanong ko sa asawa ko.
"God has plans for her. Alam kong masaya na siya kung nasaan siya ngayon." Tugon nito.
"Palagi kong iniisip na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito. I still don't want to believe na wala na siya." Ani ko.
"Ikaw ang nagsabi sa akin noon na kailangan natin tanggapin ang kapalaran niya. Marahil hanggang dito lang ang kabanata ng kanyang buhay. Alam kong hindi niya tayo pababayaan." Wika ng asawa ko.
Hindi na ako sumagot ngunit patuloy pa rin ako sa tahimik na pag-iyak.
DRAKE
PINAGMAMASDAN ko sina tito at tita na hanggang ngayon ay wala kang makikitang saya sa kanilang mga labi o mukha. Hindi na rin kami nagdiriwang ng mga masasayang araw katulad na lamang ng mga kaarawan ng mga bata.
I'm so thankful at pareho silang maunawain at hindi nagrereklamo. Palagi kong katabi ang mga bata sa pagtulog at doon na rin kami sa bahay ng lola at lolo nila naninirahan.
YOU ARE READING
Fragility Unveiled: A Husband's Protective Domination [Completed]✓
RomanceA TAGALOG-ENGLISH STORY Sofia is an uncomplicated young woman who has turned down many men. Although she reassures herself that she does not dislike men, she simply does not feel any romantic attraction towards them. For nearly a decade, Sofia has b...