Kabanata 14

3.1K 45 0
                                    

DRAKE

Sa tingin ko ay alam niya ang tinatanong ko. Tumikhim siya bago nagsalita."I knew you wanted to know what happened three years ago..."

"Direct to the point!" I interrupted.

"The day na makikipagkita sana ako sayo ay iyon ang araw na ikinulong ako ng magulang ko sa kwarto. They didn't want me to see you. Ang gusto nila ay ako ang magtutuloy at magpapatakbo sa kompanya nila..."

"You know, I hate excuses." I interrupted.

"I know. Kinuha rin nila ang cellphone ko sa araw na iyon..."

"Think of it.... 3 years.... 3 fuckin years Jenny, hindi ka man lang nagkaroon ng sarili mong desisyon? Hindi mo ako ipinaglaban." I interrupted again.

I don't want to hear her excuses anymore.

"Do you still love me?" She asks na lalong nag pakulo ng dugo ko.

"Seriously? Are you crazy? You abandoned me for 3 years, and you expect me to say that I still love you?" Wika ko sa kanya.

"I didn't entertain those men na nanliligaw sa akin dahil umaasa akong balang araw ay magtatagpo tayong muli."

"That's not my fault anymore! You have no idea how painful it will be for me the day you're gone. How I suffer when I'm longing for you. I just realized I've wasted my love. You're such a selfish person!"

"Please love me again. I will make it all up to you. I'm begging you." Pagmamakaawa niya.

"Don't touch me!" Ani ko tsaka ako tumayo. "I'm just here for business, not for your love. Just so you know, I already had a girlfriend who was about to become my wife." Sabi ko bago ako umalis.

Pansin ko ang galit sa mukha niya at wala akong pakialam. "You can't escape from me. Aagawin kita." Sabi niya habang palabas ako. Hindi ko na ito pinansin dahil wala rin lang patutunguhan. 

I'm done of her!

SOFIA

NAG-AABANG ako ng reply ni Drake ngunit wala pa rin siyang tugon. I kept on apologizing to him and trying to explain my side. 

I hope he's not really mad.

Itinabi ko ang aking ginagawa bago pumunta sa canteen para mananghalian. Pinauna ko ang aking mga kaibigan dahil aayusin ko pa ang mga gamit ko.

Habang nag-aayos ako, biglang tumunog ang cellphone ko. 

It must be him. 

Nagmadali akong binuksan ang cellphone ko at kinakabahan. I'm expecting of his reply pero iba ang natanggap ko.

A photo from a conference room. Isang babae at isang lalaking magkatabi. 

They look so serious.

Ang lalaki ay si Drake at hindi ko kilala ang babae. 

Kumulo ang dugo ko sa nakita ko. Akala ko ba business? So is this his business?

Mas nanghina ang tuhod ko sa sumunod na natanggap ko. Magkahalikan sila sa parking lot. 

Wtf

"Huwag mong hayaang lokohin ka ng lalaking ito, bes." Text ni Clara sa akin. 

Kaagad kong tinawagan ang number niya ngunit nakapatay na ito.

Naiinis ako.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. 

Nagkamali ba ako na pinagkatiwalaan ko siya?

CLARA

NGAYON ang araw na bibisitahin ko ang isa kong kaibigan na si Jenny. Narito ako ngayon sa kompanya niya at hinihintay siya dahil may meeting pa ito. Tiyak na marami kaming pagkukwentuhan, sa tagal ba naming hindi nagkita.

Nakilala ko siya sa Madrid nang pinag-aral din ako roon ng magulang ko habang sila ay nasa Canada. Siya lang kasi ang kapwa ko Pinoy na nakilala ko roon. Ngunit paglipas ng isang taon at tumigil ako sa pag-aaral dahil hindi naman pumapasok sa isipan ko ang mga tinuturo nila.

Ewan ko ba.

Doon ko rin nakilala ang naging boyfriend ko na asawa ko na ngayon.

Masikap akong naghintay sa kanya ngunit wala pang lumalabas sa conference room.

Nakita kong nakalabas na lahat ng investors ngunit siya ay wala pa. Kaya naisip kong puntahan na lang ito roon marahil ay nag-aayos pa.

Pansin kong nakaawang ang pinto at sumilip muna ako bago sana pumasok at gulatin siya. Ngunit ako ang nagulat sa nakita ko. Parang kilala ko ang lalaking kasama niya. Sandali akong nag-isip nang maalala ko na siya ang boyfriend ni Sofia.

Kaagad ko silang kinuhanan ng litrato at ipinasa agad kay Sofia. Kinakailangan niyang malaman. Alam kong masama ang kutob ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na gawin.

Hindi ko gaanong marinig ang usapan nila ngunit nag-aaway sila. Nakita kong tumayo ang lalaki palabas. Kaagad akong lumayo sa pinto at nagpanggap na parang walang nangyari.

Ilang sandali ay sumunod na lumabas si Jenny. Hindi niya ako napansin dahil sa pagmamadali niyang hinahabol ang lalaki. Nakatingin lahat ng empleyado sa kanila ngunit wala silang pakialam.

Sinundan ko sila hanggang sa parking lot. Nakita kong hinalikan ni Jenny ang lalaki. Ako naman ay handa at agad ko itong kinuhanan ng litrato at ipinasa muli kay Sofia.

"Huwag mong hayaang lokohin ka ng lalaking ito, bes." Sabi ko kay Sofia at sakto namang namatay ang battery ng cellphone ko.

Kainis.

SOFIA

"Bakit ka umiiyak?" Rinig kong tanong sa pintuan, si Stephanie. Pinunasan ko ang mga luha ko at nagpalusot sa kanya. "Hindi napuling lang ako." 

"Hindi ako tanga, Sofia. Halika na at pag-usapan natin iyan sa canteen naghihintay na sina Trina, Lanie at Trixie." Anito at pinauna ko siya.

Tinapos ko ang inaayos ko tsaka sumunod na lumabas. Naabutan ko silang nakatingin lahat sa akin. Umupo ako sa tabi nila at tahimik lang ang mga ito.

Hindi ko napigilan ang mga luha ko at nagsibagsakan ang mga ito. Hinahagod ni Trina ang likod ko at pinapatahan ako. Samantalang nagtatanong naman si Trixie kung ano ang nangyari.

Kailan man ay wala akong itinago sa kanila. Kapag sikreto ang usapan maasahan ang mga ito. Sinabi ko sa kanila ang lahat at pansin ko sa mukha nila ang galit.

Ganito ang mga kaibigan ko alam nila kung paano ako ramayan. Naging seryoso rin sila sa mga oras na iyon. Pilit nila akong pinapatahan dahil umiiyak ako. Alam namin na nakatingin na ang lahat sa amin doon ngunit wala kaming pakialam.

"Paano na yan? Anong gagawin mo?" Tanong ni Trina. Hindi ko na ito sinagot at nanahimik na lang ako dahil ang totoo ay gusto kong mag-isip ng tama.

How dare him!

-

A/N

Please don't forget to support me by voting, commenting and following me. Thank you 😉 God bless 🙏

Fragility Unveiled: A Husband's Protective Domination [Completed]✓Where stories live. Discover now