Chapter 19 Joy and Tears

17 0 0
                                    

Tahimik lang kami ni Axel na nakaupo sa sofa. He's playing with my hair as I rest my head on his broad shoulder.

Akala ko kanina, aalis na sya pero hinila lang nya ako sa sofa and cuddled me, giving me warmth na kahit alam kong mali ay napakasarap sa pakiramdam.

I felt like I'm being unfair with him sa mga nangyari at mangyayari. He asked me to let him to show me how much he cares and loves me, at wala akong maisagot sa kanya doon. Hindi din naman sya naghanap ng sagot. Ang tanging sabi nya lang ay hindi nya ako mamadaliin at maghihintay sya which made me smile.

Ang isa pa sinabi nya ang 3 words na hindi ko ini-expect na marinig sa kanya. Yes, I've heard it from Sean a lot of times, ngunit bakit kakaiba ang naramdaman ko nang si Axel ang magsabi?

"You're thinking about it again." Napalingon ako sa kanya nang bigla syang magsalita.

"I already told you, I'm not gonna force you to feel the same intensity as I am feeling. I'm willing to wait until you're ready."

"Pero, Isn't it unfair on your part?" I asked habang absent mindedly ay nagdodrawing ako ng patterns sa dibdib nya.

"No, it isn't and please stop what your doing right now..." Hinuli nya ang kamay kong nasa dibdib nya at hinalikan ang mga iyon. "I told you I'm waiting and I want to be true to that so don't tempt me please, you little temptress..." He smiled as he kissed my forehead. Namula naman ako nang maintindihan ko kung anong ibig nyang sabihin.

"Basta, namnamin mo na lang kung paano ako maglalambing sayo okay?" Sabi nya sabay kindat sa akin. Natatawa naman akong hinampas sya sa dibdib.

____________________________

Dumaan ang ilang araw na busy ako para sa preparations ng CamSur event. Tinutulungan ko si Hugo sa mga paper works samantalang busy naman si Axel sa portfolios nya. Maliban kasi sa big event sa CamSur ay may mga maliliit pang photoshoots na kailangang gawin. Pero kahit ganoon ay hindi nawawalan ng oras sa akin si Axel. He always bring me to our not so common dates gaya ng dati. Nandyan ang maglalakad kami along Roxas Boulevard sa may sea shore, kakain ng mga turo-turo at hihintayin ang paglubog ng araw. Everyday naman pag dumadaan sya sa office ni Hugo at matyempuhan nya ako'y kung hindi isang stem ng long stem rose ay mini stuff toys or box of chocolates specifically big bang chocolates na paborito ko ang binibigay nya. Meron din time na pinuno nya ng flowers at balloons ang office ni Hugo para sa akin. Sinabihan tuloy kami ni Hugo na pagagawan nya ako ng sarili kong office para dun daw magkalat si Axel.

Tuwing sunday naman, every morning sinusundo nya ako para sabay kaming magsimba, which is isang side na hindi ko ineexpect kay Axel - ang pagiging religious. Sabi nya noon ay hindi sya paladasal na tao. May mga oras na bumibisita sya sa simbahan pero hindi linggo-linggo. Pero ngayon daw ay gusto daw nyang magpasalamat dahil ibinigay daw ako ng taas sa buhay nya. OA man pakinggan pero hindi ko maiwasang kiligin doon. Simple gestures but overly sweet.

Ngayon, ay balak ko syang sopresahin ng masarap na dinner. Gusto ko sana syang ipagluto ng paborito nya pagkain which is beef caldereta. I want to make it special since gusto kong bumawi sa mga suprises nya sa akin nitong mga nagdaang araw. I even called my mother to asked how to cook the dish.

Kaya heto ako ngayon, doing my grocerries. Inilista ko kasi lahat ng ingridients na sinabi ni Mama para sa Caldereta para wala akong makalimutan. Nang masiguro kong nabili ko na ang lahat ng ingridients, ay dumiretso ako sa winery ng super market para bumili ng isang bote ng Chardonnay wine. Nang masatisfied na ako sa mga pinamili ko ay dumiretso na ako palabas ng parking.

I was busy loading my grocerries sa trunk ng kotse nang may marinig akong boses ng lalaki na tila nakikipagusap sa cellphone.

"I told you Helena, may binili lang ako sa grocerry. Yes, I'll be there in fifteen." May kalakasang sabi nito sa phone.

Napatigil ako nang marinig ko ang boses nya. Bigla akong tila kinilabutan at kahit malamig naman sa parking area ng supermarket ay tumulo ang mga pawis ko.

I tried to calm my self even I was breathing heavily and pulses are rising. Pwedeng kaboses lang pilit kong pagkalma sa sarili ko pero kahit ilang beses kong sabihin ito na tila mantra ay may malakas na pwersang nagsasabi sa aking lingunin ang nasabing lalaki.

I gather all my strength and will as I turn my head towards his direction at the same time na pagpasok niya sa sasakyan may kalayuan sa akin. I had a glimpse of his physique and that moment I know my eyes and mind aren't playing games with me.

Naka-alis na ang sasakyan nya kaya naman mabilis akong gumawa ng desisyon. Agad akong sumakay ng kotse at minaneho iyon pasunod dito.

AN: keep voting. Leave comments. And share to others... Pleaaaaaasssseee!

Maawa na kayo sa frustrated na writer.. Hehehe

Rebound: bound to happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon