Chapter 5: My cousin Trisha

32 2 5
                                    

Sa walong bwan na pagluluksa ko sa pagkawala ni Sean, naramdaman ko ang suporta ng pamilya ko. Noong mga unang bwan lumuluwas si mamay dito para alagaan ako, ipagluto, ipaglinis ng bahay at nakakapaglambing ulit ako sa kanya tulad dati. Pampered ako kay Mamay kaya naman kahit papaano guminginhawa ang nararamdaman ko.

After few months naging busy na ulit si Mamay dahil may mini grocery at bookstore sya sa probinsya namin sa Zambales. Pasukan na non at kailangan nya na ulit balikan ang negosyo.

Nakakalungkot man mawalay ulit kay Mamay pero hindi ko sya pinigilan. After few weeks simula nang umalis si Mamay bigla naman dumating si Trisha.

"Grabe couz, ang dami palang iniwang pagkain sayo ni Mamay pero di mo naman kinakain. Yung totoo nagdidiet ka sa payat mong yan?"

Naririnig ko mula sa kusina si Trisha. She said that she will prepare dinner for us, pero nalimutan kong madami nga palang stock sa ref na pagkain na niluto ni Mamay bago sya umuwi. Hindi ko nga nakain ang mga iyon kasi nung umalis si Mamay, balik na naman ako sa pagmumukmok sa kwarto o sa pagtingin sa mga album namin ni Sean nung buhay pa sya.

Busy sa pagprepare si Trisha nang bumaba ako. Nilalagay nya yung pagkain sa tray siguro dadalhin  nya sa kwarto ko. Nagulat pa sya dahil nakita nya akong nakatayo sa likod nya.

"Grabe couz, daig mo pa mumu! Nakakagulat ka naman! Bukod sa para kang pusa maglakad dyan ang payat at ang putla mo na!"

Tinignan ko ang sarili ko sa repleksyon. May salamin kasing divider ang sala at kitchen ko.

Tama nga si Trisha, pumayat at pumutla nga ako.

"Magpaaraw ka naman. Daig mo pa bampira eh." Sabi nya habang binabalik nya ang pagkain na nasa tray sa lamesa.

Natawa ako sa mga sinasabi nya.

"Kanina mumu ngayon bampira mamaya nyan kamukha ko na pati ung ninuno natin" I joked. Pero imbis na tumawa napalingon si Trisha sa akin na parang nakakita ng alien.

"Did you just laugh?!" Amazed na tanong nya.

"I did?" I asked her back tapos umarte ako na kunwari may inaalala.

Bigla naman tumakbo papunta sa akin si Trisha at niyakap ako ng mahigpit.

"Iiiiiiihhhh! Couz! You're back! Nabuhay ka na ulit!! I'm so happy!!" Tili nito habang nakayakap na tumatalon-talon.

"Couz di ako makahinga!" Reklamo ko pero I'm hugging her back.

I need this, I thought. Kelangan kong pang mabuhay. Sean will always be a big part of me and I know if he sees me feeling so down, he won't like it. Kung hindi man nabuo ang pangarap namin ni Sean together, maybe I can build it with his memories. At alam kong mas magiging masaya sya don. Whereever he is now.

-----

That afternoon, I called Hugo at sabi kong papasok na ako. I'm not ready enough to face media but for me to be able to achieve Sean and I's dream, kelangan kong bumalik.

Hindi naman ako tinutulan ni Hugo naging masaya pa nga sya. Another person that I made happy today, I thought. Kasama non ang pag-aalala pa din nya sa akin. But I assured them na okay na ako. Sana. Iiwas lang muna ako sa mga interviews. Hindi ko pa din kasi kayang pag-usapan. Masakit pa din.

Kinaumagahan, I prepared my self para sa unang araw na pagpasok ko ulit bilang modelo. I cleaned up myself, visit the salon and had a facial yesterday. Puhunan ko ang mukha at katawan ko sa trabaho, kaya kahit na half-heartedly okay na ako kailangan ko itong alagaan.

Pagbaba ko sa kitchen, I saw Trisha preparing my breakfast. Swerte ko talaga sa pinsan ko. Minsan nga iniisip ko anak nya na din ako.

"Good morning beautiful. Breakfast is ready. Pero bago yon..." She bring a glass of my favorite tomato-cucumber juice to me. " Inumin mo muna ito to make you more pretty..." I smiled and took the glass from her hand then drink it straight. After that I licked the upper part of my lips like a child. Nagkatinginan kami ni Trisha at sabay kaming natawa.

We were having a nice breakfast nang magsalita si Trisha.

"Masaya talaga ako, okay ka na." She's smiling while looking at her plate.

"That does mean you're happy because pwede ka nang bumalik sa Zambales para makita mo na si Bimbo?" I teased her. She laughed.

"Baliw! Oo namimiss ko na ang machong asawa ko hindi nayon mawawala. Syempre miss ko na din ang mga inakay ko. Pero I mean it, na masaya ako kasi talagang okay ka na. Hindi ka na zombie. Tao ka na ulit!" Asar pa nya sa akin.

"Hahaha naging zombie ba ako? Ganun siguro talaga pag kalahating part mo ang nawala..." Bigla kaming tumahimik na dalawa after kong sabihin yon. Naiisip ko na naman sya. Haayys..

I sighed and tap my face "Uh-uhm. Kelangan ko nang umalis at dadaaanan ko pa si Hugo sa office nya." I stand up and kiss my cousin on cheeks.

"Sure kang kaya mo mag-drive? Ipagdrive na kita kaya?" I shook my head and lovingly hug her.

"I'm so lucky, I have you and Mamay. Thank you couz for everything. I owe you and Mamay alot." I said to her while hugging her. Nakita kong medyo naluha ang mga mata nya.

"Yon naman ang silbi ng pamilya di ba? Ang magdamayan pag may problema at ang syang magtatayo kapag nadapa ang isa. Yan ang natutunan ko sa inyo ni Mamay nung kinupkop nyo ako." She hugged me then she sighed. "Hmp! Tama na nga drama! Di ako bagay jan."

"Eh san ka bagay?" I teased her again after she released me from a tight hug.

"X-rated." Bulong nya at sabay kaming tumawa ng malakas.

A/N: Di ko po talaga favorite ang tomato-cucumber juice. Lalo na ang cucumber. Hahaha. Pakainin mo na ako ng sangkaterbang kamatis wag lang pipino! Sorry sa pipino lovers jan

Rebound: bound to happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon