Chapter 6: Replacement

31 1 0
                                    

Dumating ako sa office building ni Hugo at talagang nahirapan akong makapasok dahil sa daming paparazzi na nag-aantay sa labas pa lang. Hindi ko alam kung nag-leak ang info na ngayon ang balik ko.

Sa tulong ng mga security, maayos naman akong nakapasok kaya dumiretso ako sa opisina ng manager kong si Hugo Abesamis.

I knocked on the door then I opened it. I saw him busy talking over his phone. He looked at me at sinenyasan akong maupo.

Kahit super close kami ni Hugo, hindi pa rin mawawala ang boss-employee relationship namin. Kaya pag ganitong nasa office, ganito nya ako tratuhin same with all his employees.

Natapos na sya makipag-usap nang tumayo sya sa swivel chair nya and hugged me.

"Thank Heavens, you're back." Hugo cares for me alot. He saw me nung nagsisimula pa lang ako, andun din sya nung nakilala ko si Sean. Hindi ko lang sya boss BFF ko din sya.

"Busy ka ata ngayon?" I asked him after he hugged me.

"Oo. May bagong photographer tayo kapalit ni..." Hindi tinuloy ni Hugo ang sasabihin nya maybe because he dont know how to mention 'his' name without making me upset.

I smiled at him. "It's okay."

He smiled and cleared his throat. "As I have said, may bago tayong photographer. His portfolios were great at sya ang makakasama mo ngayon sa photoshoot para sa Livings magazine."

"Akala ko si Joel?" Joel was Sean's junior photographer. I heard he was promoted to Sean's position.

"May project ngayon si Joel sa Nasugbu. Kasama nya sila Elaine." Elaine is also one of my co-models and friends here.

I just nodded. When Hugo's secretary came in.

"Sir nasa conference room na po si sir Axel."

"Okay thanks, Mira." He said to his secretary and then he went to his table and get his phone.

"Anjan na yung bago. You should get your make-up on while I need to have some words with him before you start, okay?" Sabay na kaming lumabas ng opisina.

------

I'm enjoying my coffee sa isang sulok ng studio nang pumasok si Hugo kasunod ang secretary nya at ang isang lalaking nakasuot ng black cap, white shirt, gray denims at white converse shoes.

Busy sila sa pag-uusap then the secretary left together with the guy at dumiretso sa isang room sa studio. Lumapit naman sa akin si Hugo at kinamusta ako.

"I'm fine really." I keep on convincing him dahil nakikita ko pa din na nag-aalala sya.

Ang totoo nyan, pagpasok ko sa studio na ito kanina, parang gusto kong umuwi dahil biglang bumigat ang puso ko. Halos lahat ng memories namin ni Sean andito, saksi ang bawat sulok ng lugar na ito sa masasayang alaala namin.

Pinilit ko pang ihakbang ang paa ko papunta sa dressing room pero bago pa ako makarating don isang bagay ang nagpahinto sa akin. I saw Sean's tripod sa isang sulok. Mejo naaalikabukan na iyon at parang basta nalang itinabi.

Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Ang tanging pinapapasalamat ko lang ng mga oras na yon, ako pa lang ang tao sa studio.

Marahan kong hinawakan ang tripod at mas lalong bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko pa yata kaya bigla kong naisip. Ang daya-daya bakit kailangang iwan mo akong mag-isa. Gustong-gusto kong humagulgol ng mga oras na yon. Gusto ko muling magalit sa taong pumatay sa kanya, pero nangako ako sa sarili ko at sa alaala ni Sean na tatayo ako at magpapatuloy and with that thought pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili sakto namang dumating ang isang P.A at inabutan ako ng kape.

Rebound: bound to happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon