Chapter 16: I wanna make you smile

39 1 0
                                    

"We will be having a big event under Forever young brand. And it's a summer fashion theme plus it will be held sa Cam Sur." Masayang balita sa akin ni Hugo habang pinapakita nya yung portfolio ng Forever Young.

"Gusto nila ikaw ang magsusuot ng main design. While Elaine and others will also be there." Tinuro ni Hugo ang isang purple colored na may pagkacamouflage style bikini na picture. Simple lang ang design pero maaaccentuate talaga nito ang hubog mo dahil sa magandang cut nung bikini.

"Aside from Elaine's group sino pa ang sasama?" I'm excited with the said event hence it's my first out of town after Sean's incident. Namimiss ko na din mag-gala after ng event. Ugali kasi namin specially pag sila Elaine ang kasama ko ang mag bar hop pagkatapos ng trabaho.

"Joel and Axel will also be there. They need to get some pictures para sa portfolio natin."

So, makakasama di pala si Axel. Bigla akong napangiti. After kasi nung sinabi nyang mag-aantay sya ay naging ease na kahit papano ang turingan namin. Nakakapagbiro na kami sa isa't-isa. And having him as a friend isn't a bad idea after all. Pero hindi ko pa din maikwento sa kanya si Sean at hindi naman sya namimilit.

"I can see a hint of smile in your face after I mentioned someone's name." Napatingin ako kay Hugo na nakatingin naman sa akin. He's teasing me because he caught me smiling after hearing Axel's name. I blushed nung nahuli nya ako.

"So, mukhang okay na kayo ni Axel ah?"

"Okay naman kami dahil okay naman pala sya. First impression really wont last." Sabi ko.

"Well, it's good to know that somebody's putting a smile on your face. Matagal na din simula nang makita ko yan." He said then he holds my hand.

"Don't be too hard on yourself, Rienne. Wag mong pigilan ang sarili mong sumaya dahil lang natatakot kang makalimutan sya. Hindi naman ibig sabihin na binuksan mo muli ang sarili mo ay papalitan mo na sya."

I smiled at him dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Maaring tama sya pero natatakot ako. Natatakot akong magtiwala sa puso ko dahil hindi pa ito handa ulit. Ayokong magpabigla-bigla. Axel has a very powerful charisma na kahit sino o ako hindi yon kayang labanan. Magkatampuhan lang kami ni Axel o hindi ko lang sya makita ng isang araw hinahanap-hanap ko na ang presensya nya. And that isn't healthy for me. Ayokong gamitin si Axel para lang punan ang pangungulila ko kay Sean. Axel is too nice to be a rebound.

"Anyway, kung wala ka nang tanong, mukhang may naghahanap sayo sa labas." Hugo said at napalingon naman ako sa may pintuan. I saw Axel standing few steps behind me. Mukhang kakapasok palang niya.

"Good afternoon Mr. Abesamis. Mind if I borrow Rienne from you?" Natawa naman ako sa kanya dahil parang lang syang nagpapaalam kay Hugo na tatay ko.

"Ofcourse not. Tapos na din kami mag-usap. You can have her in your heart's contentment. Just be sure to bring her back before midnight." Biro naman sa kanya ni Hugo. Napatawa kaming tatlo sa kalokohan nila.

Lumapit sa akin si Axel. Kinuha nya ang bag ko at sinukbit sa balikat nya. Inalalayan naman nya ako patayo. "So paano Tita, aalis na kami at magpapa-parlor pa kami ni Mards." Umacting na bakla si Axel habang suot nya ung bag ko. Tawa kami ng tawa ni Hugo. Kumuha ako ng tissue at binato sa kanya.

"Ang sagwa di bagay sayo!" Tumatawang sabi ko sa kanya. Tumawa naman ulit sya.

Lumabas na kami ng office ni Hugo. Nakakapit ako sa braso nya dahil hindi pa rin humuhupa ang tawa ko.

"Baliw ka talaga!" Mahina kong hinampas yung braso nya na kinakapitan ko. Paglabas kasi namin kekembot kembot pa sya na akala mo talaga bakla.

"Uy nananakit ka na ah! Hindi pa tayo sinasaktan mo na ako." Alam kong binibiro nya na naman ako kaya kinurot ko sya sa tagiliran. "Uhmmmm... Siraulo ka talaga." Hinuli naman nya ung kamay kong pinangkukurot ko sa kanya. Pilit ko namang iniiwas yon at sa kakaiwas ko napatalikod ako sa kanya at nahawakan nya yung pareho kong kamay. He put my fingers between his habang parang nakayakap sya. His head leaning on my shoulder. I can feel his breath fanning my face.

"Gusto ko lang na nakikita kang nakatawa. Oo cute ka pag nakasimangot pero mas sumasaya ang mundo pag nakangiti ka." He said. I felt my blood rushing to my cheeks at alam kong singpula ako ng kamatis ngayon.

"Hmp! Ewan ko sayo. Dami mong alam!" Pilit akong humihiwalay sa kanya pero niyakap naman nya ako patalikod. He tighten his hug and I can feel his body heat. I can't pinpoint if I feel comfortable or not.

"Let's stay like this for awhile." Sabi nya. His head resting on my shoulders.

"Axel..." Yun lang nasabi ko. Huminga sya ng malalim at saka lumayo pero hindi nya binibitiwan ang isang kamay ko.

"Tara na nga. Kain na lang tayo." Sabi nya saka nagpatuloy sa paglalakad. Nitong mga nakaraan kasi napapadalas na ang pagkain namin sa labas. Yung last na kain namin, dinala nya ako sa tindahan ng tusok-tusok. Pinakain nya ako ng 5 sticks ng fishball, 2 sticks ng kikiam at 6 na sticks ng isaw at laman. Dahilan nya para maging tao naman daw ako paminsan-minsan. Tawa lang ang sinagot ko sa kanya.

Rebound: bound to happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon