Chapter 12: Unwanted Visitor

27 1 3
                                    

"Oh ano couz, kaw na bahala dito ah. Nagluto na ako ng almusal. Kumain ka na." Inaantok na nakaupo lang ako sa may dinning hall at nakikinig kay Trisha na hindi magka-ugaga kung ano ang uunahin nitong gawin. Nagmamadali kasi itong umalis dahil biglaan daw nagkasakit si Trixie na panganay nyang anak. Luluwas sya ngayon pa-Zambales.

Tumango lang ako dahil talagang inaantok pa ako. Naramdaman kong hinalikan ako sa ulo ni Trisha pagkatapos ay umalis na ito. Ako naman yumukyok sa lamesa dahil sa antok.

Ilang minuto din ako sa ganong posisyon nang marinig kong may kumakatok sa front door. Inis na kinamot ko ang baba ko habang nakapikit. Grr istorbo!

Padabog akong pumunta sa may pintuan at binuksan ang pinto.

"Hi there gorgeous." Isang halimaw lang naman ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Halimaw na dahilan kaya hindi ako nakatulog kagabi.

He's leaning on the door frame while holding a boquet of fresh white tulips.

"Ikaw?! Anong ginagawa mo dito?! Paano mo nalaman ang bahay ko!?" Inis na tanong ko sa kanya. Feeling ko lahat ng antok ko nawala at napalitan ng bwisit.

"Resources dear... Resources..." He smirked again kaya lalo akong nainis.

"Anong kelangan mo?!" Grrr

"You see, you declined me yesterday for dinner, so I thought maybe you can agree now with breakfast?" Grrr gustong gusto kong burahin ang ngisi sa mukha nya.

"Sure! When hell freezes over!" Sabi sabay bagsak ng pinto pasara.

"Hey- awww!" Narinig kong napasigaw sya sa labas kaya mabilis kong binuksan ang pinto then I saw him crouching on the floor while holding his hand.

"OMO! I'm sorry! Bakit mo kasi nilagay don yung kamay mo?" I sat beside him. "Let me see..." Pilit kong kinukuha ang kamay nya sa pagkakahawak nya.

"Ugh! Damn!" Mahinang usal nya, hurt painted on his face. I checked on his hand and saw na namumula nga iyon.

"Come inside. Gagamutin ko ito." Inakay ko sya sa loob pagkatapos kong kunin ung boquet na nalaglag nya siguro kanina.

Pinaupo ko sya sa may couch tapos nilapag ko yung flowers sa center table.

"Wait lang. Kunin ko lang ung med kit ko sa kwarto ha." I rushed to my room and get the med kit. Pagbalik ko he's still holding his hand, pero hindi na sya nakangiwi masyado. Maybe the pain lessened.

"Masakit pa? Here may ointment ako dito. Lagyan natin para di mamaga." I touch his hand again pero bigla ko itong nabitawan kasi parang nakuryente ako. Napatingin sya sa akin, ganon din ako sa kanya. Our faces our inches apart.

"U-uhh.. Eto ointment ikaw na maglagay." Inabot ko ung ointment because I suddenly felt uncomfortable.

"Ikaw kaya nakadisgrasya sa kamay ko tapos di mo gagamutin?" Napatingin uli ako sa kanya. His brow raised upward.

"Oh eh di akin na!" Bigla kong hinablot uli ung kamay nya kahit nakuryente ulit ako.

"A-aray! Dahan-dahan!" Mabilis kong nilagay ung ointment at pabalyang binalik yung kamay nya.

"Oh tapos na. Pwede ka nang umalis." I looked away from him.

"Papaalisin mo na agad ako? I haven't eaten breakfast yet. I'm hungry." He complained while holding his tummy. Parang bata!

"Is it my fault? Maraming drive thru jan."

"I see. Talagang galit ka nga. Okay, sorry sa panggugulo." Tumayo na sya. At nakayukong lumakad papunta sa pinto. Bigla naman akong naawa sa hitsura nya.

"W-wait! Sige, payag na ako. One breakfast won't hurt right?" Pagbabakasakali kong tanong pero wala pa man bigla na agad syang humarap sa akin with a huge smile on his face.

"Really?!" Then lumapit sya akin at biglang hinila yung kamay ko papunta sa kitchen.

"I smelled some bacon and pancakes awhile ago when we got in." He's smiling wide nung naupo sya sa table and start digging on 'my' breakfast.

"Say aahh..."

"Huh?" Napalingon ako sa kanya nung bigla syang nagsalita tapos bigla nyang sinubo ung bite size na pancake sa akin gamit nung tinidor na sinubo na nya.

"This is the best breakfast ever that I had in my life." He said and the he smiled again. Sweetly.

Rebound: bound to happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon