“Si Adrienne po ang idol ko”
“Grabe ang ganda talaga ng rehistro ng mukha nya sa pictures.”
“Sikat na sikat na sya. Parang Tyra Banks lang ng Pinas!
My life is perfect, they say.
I got everyone wants in life. A pretty face and alluring body that suits my job as a ramp and magazine model. I can go wherever I want to be. Be with socialites and high class people. I also have my loving family. Si Mamay and my cousin Trisha whom I treat as my ate/bunso since kapag mag-isip s’ya when it comes sa business o usapang pamilya ate na ate any asta n’ya. Pero nagging isip-bata din s’ya pag-dating kay Bimbo na asawa n’ya for four years. Plus, I have Sean.
(phone ringing Sean calling)
Speaking of which. Tumatawag ngayon ang over supportive kong fiancé.
“Hi Honey!” masigla kong sagot sa tawag n’ya
“Hi! Ang energetic yata natin ngayon ah?”
“Tumawag ka eh. Pero nakaka-inis ka pa din ha!”
“Oh bakit naman?” Taka niyang tanong.
“Narinig ko kay Hugo na mauuna ka daw tumulak ng Paris. Akala ko ba sabay tayo?”
Bumuntong hininga ito bago sumagot.
“Hon, alam mo naman ang schedule mo at schedule ko ay magkaiba. You’re a model and I’m a photographer. As much as I want us to come together sa Paris, may kailangan ka pang tapusing project d’yan. You don’t want to be accused as a no-show model right?” mahabang sagot nito.
“I know I know… Pero nakakafrustrate lang talaga.”
I heard him chuckle over the phone.
“Wag ka nang mafrustrate. We wil definitely see each other there. Ano ba naman ang 3 days? I promise, after ng photoshoot natin doon, iikutin natin ang Paris then we’ll talk about the wedding.”
That promise I was excitedly looking at never came. Akala ko hindi kayang bumali ng pangako ni Sean. Akala ko ito na yung break namin sa hectic na schedule namin, meaning more time for each other. Akala ko yun na yung time na pag-uusapan namin ang kasal. But it all went to the drain, kasi lahat ng iyon nauwi sa akala ko lang.
A/N: Ibang-iba ito sa nauna kong gawa. It's like starting anew. Though, yung draft nasa isip ko pa din. Iniisip ko lang to make it better since bata pa ako nung sinulat ko ang former version. I hope magustuhan nyo itong version na ito.