Prologue

856 34 6
                                    

"Pano kung bibigyan ka ng pagkakataon? Nabumalik sa oras kung saan ka nagkamali, babalik ka ba? Oh hahayaan mo nalang ang tadhana o sitwasyon ang mismong magdikta para sayo? Bakit ang pagsisi laging nasa dulo?"

Nag-ayos ako nang sarili ko para sa pinakahihintay kong araw. Nagsuot ako ng maganda at mahabang puting damit na may ternong puting takong. Humarap ako sa salamin at tinignan ang aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko at kung handa na ba akong harapin ang araw na ito. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Nang kami ay nasa simbahan, hindi ko alam kung anong mararamdahan ng puso ko, pero isa lang ang sigurado ako: masaya ako sa naging desisyon ko. Nang makita ko siya na dahang-dahan na naglalakad sa pasilyo ng simbahan, habang nakangiti at kita ko rin sa kanyang mga mata na kumikinang nang labis habang siya ay papalapit nang papalapit sa akin, sobrang saya ng puso ko.

Hindi dahil akin siya, kundi sa taong pinili niya.

Aking nakita sa dalawa kong mga mata ang mga ngiti niyo na mas labis pa sa ating dalawa. Hindi ko na pala namamalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha. Hindi ko alam kung paano ko kinakaya na panoorin kayong dalawa habang ako'y labis na nasasaktan. Kasabay ng paghalik mo sa kanyang labi at sa inyong pag-iisang dibdib.

Hindi ko na pinatapos ang kasal at agad akong umalis sa simbahan. Hindi ko na kasi kayang makita pa silang dalawa. Agad kong pinunasan ang aking mga luha.

"Saglit," 'yan ang narinig ko nang ako'y papalabas na sa simbahan, at alam kong pamilyar ang boses na 'yon. Hindi ko na lamang siya pinansin at tuluyan na kong umalis.

Pero nagulat ako dahil sinundan niya ako at hinawakan niya ang aking kamay para ako'y pigilan.

"Saglit lang, gusto kong mag-usap tayong dalawa," seryoso niyang sinabi ang mga salitang ito habang nakatingin sa mga mata ko.

Tumingin lang din ako sa kanyang dalawang mata. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan naming dalawa.

"Ano pa bang pag-uusapan natin, tapos na rin naman lahat diba?" tugon ko sa kanya.

"Gusto ko lang humingi ng tawad, patawad kung nasaktan ka dahil sa akin." Alam ko na hihingi siya ng tawad kaya hindi na ako nabigla. Alam ko rin naman na hindi niya intensiyon na gawin 'yon.

"Hindi naman ako nasaktan kasi pinakasalan mo siya. Sa totoo lang, masaya pa nga ako eh. Nasaktan ako kasi naghintay ako sa wala." Ngumiti lang ako sa kanya at pumiglas sa kanyang pagkakahawak.

"Ang hirap lang kas—" Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya.

"Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Baka naghihintay na sa'yo yung asawa mo at mga bisita mo. Puntahan mo na sila. Congrats nga pala." Ngumiti ako sa kanya at nagmadaling umalis.

Sumakay na ako sa aking sasakyan at nagsimula nang magmaneho. At do'n  lang pumasok sa isip ko na ayon siguro ang huli naming pagkikita at hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos. Halo-halo ang naging emosyon ko at hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiproseso ang mga nangyayari. Tilang ba't hanggang ngayon ay nabibigla pa rin ako.

Pagdating ko sa Condo, agad akong pumunta sa aking k'warto. Nagpalit na ako ng aking damit at nang isasara ko na ang cabinet, may biglang nahulog na kahon. Tinignan ko ito at pagkakita ko, pamilyar ang kahon na ito. Agad ko itong binuksan at do'n ko nga nasilayan ang mga larawan at mga gamit na inilagay namin noon.

Habang tinitignan ko ito, isa-isa kong naaalala ang mga alala na ginawa namin noon. Ang lungkot lang isipin na hanggang larawan ko na lamang ito masisilayan. Sa hinaba-haba ng panahon, ang dami nang pagbabago sa aming dalawa. Ang dami nang katanungan sa isip ko na hindi masagot-sagot. Tila ba napakagulo. Hindi ko maintindihan ang lahat. Ang hirap namang maging patas. Nakakapagod din palang maghintay sa wala.
________________________________________

Dear readers, please bear with me as I work on refining the grammar and fixing any typographical errors in the story.

WAITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon