Chapter 2

432 27 1
                                    

"Love"

Agad na pumasok 'yung babae sa loob ng office room at lumapit kay Vince para halikan ito sa pisnge. Sa tingin ko, siya ang girlfriend ni Vince dahil obvious naman sa mga kinikilos ng babae. Pero wala naman akong pake sa relasyon ng iba. I have my own business.

Umalis na kaagad ako sa k'warto dahil ayaw ko rin namang makaabala sa kanila. Bumaba pa'ko sa cafeteria para kumuha ng mainit na tubig sa kape niya, kahit mero'n namang coffee maker sa loob ng office room namin. Umupo muna ako sa upuan malapit at naghintay nang ilang minuto para masigurado na wala na 'yung girlfriend ni Vince. Naiilang kase pag may nakakasamang ibang tao na hindi ko naman kilala.

Pero dahil malapit na rin namang mag-4 pm, dumiretso na'ko sa meeting room dahil ayaw ko nang malate ulit. Wala naman akong choice kung hindi ako 'yung pumunta sa meeting imbis na siya, dahil may kasunduan kaming dalawa. Pero sa tingin ko, pupunta at punta talaga siya dahil unang araw niya palang naman at hindi siya p'wedeng mawala rito.

Ilang minuto pa ay nagdatingan na rin ang mga tao para sa meeting. Nagulat ako nang umupo si Vince sa tabi ko. Tama nga ang hinala ko, pupunta siya.

"Where's my coffee?" tanong niya sa'kin ng nakataas ang isang kilay niya.

"Wala, mainit na tubig lang yung dala ko rito. Nasa taas 'yung kape. Mamaya muna ako utusan."

"I waited for a long time tapos wala pa rin 'yung hinihingi ko." Ikaw na nga lang 'tong nang-uutos, lakas mo pang magreklamo.

"Kalma ka lang. Hindi ka naman mamamatay pag hindi ka naka-inom ng kape." Tumawa lang siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita. Pinagtitripan siguro ako nito, balak lang pahirapan 'yung buhay ko.

Ilang saglit pa ay dumating na rin si Mr. Flores at nagsimula na ng magpaliwanag sa harapan. Sa totoo lang, nakakaantok sa mga meeting dahil nakikinig ka lang. Hindi ko na pinagtuonan ng pansin ang mga sinasabi niya at tumitingin na lang ako sa paligid.

"Miss Fowler, what's your opinion about our topic?" Nagulat ako nang bigla akong tanungin. 'Di ko inaasahan na may pa-Q and A pala 'to. Para tuloy akong kasama sa Miss Universe, nakakatense.

"T..topic... Po." Nauutal na pagkasabi ko dahil hindi naman ako nakinig kanina. Pag-recitation 'to, bagsak na'ko.

"Yes, regarding the issue of the company that we need to improve the poor customer service, what do you think is a good thing for us to do? Please stand up." Nakaka-nosebleed to, sis. Bakit pa kasi ako 'yung tinanong? Pero buti na lang nag-explain siya, naintindihan ko nang kaunti.

Tumayo ako nang dahan-dahan. Pagkalingon ko kay Vince, naka-ngiti siya at parang sinu-subukan pang pigilan yung tawa niya. Hayst, kainis talaga siya. Kala niya siguro hindi ako makakasagot sa tanong ng tatay niya. Watch and learn.

"Uhmm... I think we can improve it by focusing on our customers' needs and preferences. This means regular gathering and acting on customers' feedback can help us improve the customers' experiences." Oh pak, 'di ba naka-sagot kahit 'di nakikinig? Gano'n maka-perfect sa recitation, charot. Ngiti-ngiti pa 'yung katabi ko dito, oh ano ka ngayon.

"Impressive, Miss Fowler. I think we can use that strategy. Anyone else can share their own opinion?"

"Yun na 'yun." Sabi sa'kin ni Vince na parang nangmamaliit. Nagtaas siya ng kamay at tumayo.

"Effective communication encompasses the ability to lucidly impart knowledge to patrons, as well as attentively listen and grasp their qualms. This includes the proficiency of distilling intricate data for effortless customer comprehension and addressing queries and concerns in a punctual and apt fashion." Ano raw? Sentence pa ba talaga 'yun? Iniintindi ko sa utak ko kung ano 'yung mga sinasabi niya. Sa tingin ko, nagpapakitang-gilas talaga siya. Hahayaan ko na lang dahil first time niya palang naman at anak naman siya ng CEO. Hahayaan ko na lang na maging si Jollibee siya, na bida-bida.

WAITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon