Chapter 5

339 23 3
                                    

Toni

"*Beep *Beep *Beep" tunog ng alarm clock ko umaga na pala hindi pako natutulog kakakdrama ko to pero atleast
hindi nako malalate ngayong araw.

Bumangon nako sa kama at niligpit kona ang pinaghigaan ko pagkatapos ay  naligo nako para mamaya babyahe nalang ako, magsisimula na naman ang araw hayst sana lang talaga walang stress mamaya sa trabaho.

Pagkatapos ko maligo nag luto nako ng pagkain para sa breakfast dahil mamayang hapon pupunta din dito yung ate ko, hindi ako marunong magluto pero sinusubukan ko dahil medjo boring nagpapatugtog ako habang nagluluto.

"Wagkanang mawalaaaa...Wagkanang mawalaaaaa...ngaayooon dadalhin kita saming bahay di tayo mag aaway...aalis tayo sa tunay naaaa mundo, what if dumating greatest white mo" pagsabay ko sa kanta na wala sa tono.

"anong greatest, greatest white"

"AY ANAK NG TIPAKLONG" nagulat kong pagkakasabi, hindi ko inaasahan na mapapaaga ang pag punta ni ate mari dito, natatawa pa siya sakin kase nagulat ako.

"Ano bayang pinaggagawa mo" pagkakasabi niya habang tumatawa.

"Ano bayan Ateeeeee, nagluluto nga ako ng umagahan eh" naiinis kong pagkasabi ganda-ganda ng pagkanta ko dito eh.

"Alam mo sa sobrang ganda ng boses mo wag muna ulitin ahh baka mabingi ako" wow sarcasm, lumapit siya sakin at bumeso at kinuha niya pa ang turner na nasa kamay ko hay epal talaga.

"Yun kaya yung uso ngayon yung wala ka sa tono" pangdedepensa ko sa aking sarili.

"Umupo ka nalang dyan ako na bahala dito, baka masunog mo pa yung buong condo pag ikaw nag luto" ganon ba talaga ako kalala mag luto alam ko lang naman pag ako nag luto sobrang tabang, sobrang alat minsa o kaya laging sunog pero di pa naman ako nakasunog ng bahay, muntikan lang.

umupo nalang ako sa dining at hinintay si ate na matapos sa pagluluto nag check muna ako ng social media ko at nag scroll-scroll sa facebook para may magawa ako, biglang pumasok sa isip ko si vince nagtataka tuloy ako kung anong nangyari dun tatanungin ko nga siya mamaya, teka bakit ba ko concern dun bahala na nga.

lumapit na si ate mari at nilagay na ang mga pagkain sa dining table, naamoy ko palang nalalasahan kona na masarap, buti nalang kahit papaano may ate ako na magaling magluto.

"Kamusta trabaho" tanong niya kaagad sakin.

"Ayus lang, bagong COO tapos anak pa ng may ari ng companya" pagkakasabi ko sa ate ko habang kumukuha nako ng pagkain sa lamesa.

"Oh edi ayus kung ganon" nakangiti niyang pagkakasabi, anong ayus dun dami-dami ngang pinapagawa manipulative nga eh.

kumain nalang ako at wala nang sinabi para maaga ako maka punta sa office ngayon.

"Bakit kase ayaw mo pa magkaroon ng boyfriend wala tuloy nag aalaga sayo" muntik nako mabulunan sa sinabi niya, jusko manliligaw nga wala jowa pa.

"Ate kaya ko naman alagaan yung sarili ko dadating din ang tamang panahon para dyan mag hintay ka lang" proud pako sa sinabi ko eh parang hindi naman ako magkaka jowa hay self nakakaloka.

"eh baka gurang nako wala ka pading boyfriend" ayy pak nahulaan mo, perfect ka dyan.

"Slay teh, wala nga mamatay akong dalaga" natawa nalang siya sakin at ipinag patuloy na lang namin ang pagkain.

ilang oras pa ang lumipas naghanda nako para umalis.

"Wala ka nabang nakalimutan, may tubig kana ba nasayo na ba ang wallet at susi mo?" pagkakasabi sakin ni ate na parang siya ang magulang ko, lagi niya akong inaalala at kung minsan bumibisita pa siya para kamustahin kung ayus lang ba ako, masuwerte ako kase may ate akong laging nandyan para sa akin.

WAITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon