"What do you mean" pagtataka kong tanong sa kanya habang nagdadrive.
"FLASH BACK"
Hindi ko alam pero sinasayang ko lang ang oras ko sa mga walang kwentang bagay sa mundo, nakakatawa lang kase madami akong ambisyon at gustong gawin sa buhay pero kahit isa wala akong natatapos gawin. nag simula lang akong maglakad habang bilog ang buwan at lumabas para maka langhap ng sariwang hangin, napapagod lang kase ako sa mga problemang hindi matapos-tapos. -Vince
"BAKIT BA NANGYAYARI SAKIN TO!"
Narinig ko ang sigaw na yun na para bang napakalaki ang galit niya sa mundo, sinubukan kong puntahan ang tinig na yun, nakita ko mismo sa aking harap na may nakatayong babae sa railing ng tulay at humahagulgol ng iyak , na para bang handa na siyang tumalon dito.
"ang ganda ng gabi ngayon ahh nakakabighani para bang may gustong sabihin sayo ang mundo, hindi ba?" pagkakasabi ko sa kanya.
"Ha?" Napalingon siya sakin. Kita ko sa kanyang mga mata ang sakit na nararamdaman niya.
"Masyado nang madilim ngayon hindi kapa ba uuwi?" mahinahon kong pagkakasabi sa kanya.
"Ano bang pakialam mo! hindi naman kita kilala" saad nito habang handa na siya sa kanyang pagtalon.
"Teka lang, nagtataka lang ako kung bakit ka nandito?" ani ko sa kanya para pigilan siya sa gagawin niya.
"Bakit ba masyado kang nangangaelam, Hindi mo ba nakikita tatalon ako ohh" hindi ko alam kung naiinis naba siya sakin at mas pinapalala ko lang ang sitwasyon.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya para mapagusapan ang problema.
"Kase sawa nako sa problema, wala din naman saysay kung mabubuhay pako diba? lahat ng tingin sakin ng tao, ako yung masama pagod nako maghintay sa himala" sabay punas sa kanyang luha
"Anong himala ba kasi yung hinihintay mo?" tanong ko sa kanya...para malaman ang ibig niya sabihin.
"naghihintay ako na balang araw magiging maayus na ang lahat, nadarating na yung hinihintay ko, yung taong..." Sabay buntong hininga nito, Hindi niya tinapos ang kanyang sasabihin at ito nama'y pinagtaka ko.
"Taong?" Tanong ko sa kanya para dugtungan ang kanyang sasabihin, Hindi ko alam kung naiinis naba siya sakin kase masyado nakong madaming tinatanong sa kanya.
"Hindi mo na kailangan malaman, Hindi mo din naman maiintindihan, gusto ko nang tapusin yung buhay ko, pero mukhang ayaw talaga ng mundo, ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin, nakakatawa lang kase parang parehas kami nang gustong gawin.
"Parehas lang tayo, gusto ko din makatakas sa mga problema kaya ito nasa labas ako, para makahinga, alam mo yang problema na yan mawawala din yan, malay mo bukas ayus kana ulit? magiging ok ka din" sinabi ko yun para kahit papaano mapagaan ko ang pakiramdam niya.
"Hindi kaba napapagod?" Tanong niya sakin, kung alam niya lang sobra, sobrang pagod nako pero kailangan kong lumaban.
"Napapagod din ako syempre, lahat naman siguro ng tao, dumadating sa punto na napapagod din sila, magpahinga ka lang pag-pagod ka, tapos bumangon ka ulit pero wag kang susuko" sa puntong to mas nilapitan ko siya at umupo sa railing kung saan siya malapit nakatayo.
"Ikaw, hindi kaba napapagod sa pagtayo d'yan?" tanong ko sa kanya, dahan-dahan siyang lumapit sakin at tinabihan ako para umupo sa railing.
"Sino kaba? Anong pangalan mo" tanong niya sakin nang may pagtataka siguro napapaisip nasiya kung bakit ba ko masyadong nag alala eh hindi niya naman ako kakilala.
BINABASA MO ANG
WAITING
RomanceVince is the son of the CEO who owns a major company and comes from a wealthy family, but he struggles to interact with others. He has had a girlfriend for almost 8 years, until he met Toni. Despite his privileged background, Vince has difficulty so...