Chapter 6

285 23 0
                                    

hinanda kona ang sarili ko para sa mangyayari sakin ngayong araw naglakad nako papunta sa office room, huminga ako nang malalim at bubuksan kona ang pinto.

"ok self i ready na natin ang check list"
humanda nang mapahiya check ✓
humanda nang magpaliwag sa kanya ✓
ihanda ang sarili na masaktan ✓
at last but not the least humanda na para ma sisante check na check ✓

binuksan kona ang pinto at pumasok sa loob.

"I need you later, come with me to buy a present" agad na bungad niya sakin.

"huh...a-ako?" tanong ko nang may pagtataka at nauutal.

"yes, samahan mo kong bumili ng regalo" tumingin lang siya sakin at parang naninigurado kung sasama ba ko.

"Ahh...sige sasamahan kita, teka hindi ka ba galit sakin sa sinabi ko kanina" ngumiti lang siya at walang sinabi, ganon ba talaga siya pag may ayaw siyang sagutin na tanong.

"why would I get mad?" pagkakasabi niya sakin, teka nga totoo ba yung chismis ni papi, fake news naman ata eh nagmumuka tuloy akong ewan dito.

"Ahh wala may kumakalat lang kase na rumor, tsaka nakita kase kitang parang kakatapos lang umiyak sa bench kahapon, about nga pala dun..." hayst bakit ko ba sinasabi to, bakit bako interesado.

"Hmm...about dun wala yun, kasama din namin yung isa naming kaibigan ni Alicia nag bonding lang kami, tsaka napuwing lang ako" kaibigan lang naman pala eh, kasalan to ni papi lahat o baka kaya nagsisinungaling lang siya na kaibigan yung kasama, hay ewan ayoko na makealam.

"sorry napangunahan pa kita, hoy teka nga lang anong sabi mo? walang reportings at biro lang lahat" agad na pumasok sa isip ko yung sinabi niya kanina, tumingin siya sakin nang naguguilty at parang bata na nakagawa nang kasalanan, well ayus lang naman yun pero dahil manipulative siya mang giguilt trip ako.

"I'm sorry, I just tested if you will really do everything i ordered but i dont mean it" humingi siya nang tawad sakin pero di rin naman niya kasalan yun kase ginawa ko talaga lahat nang inutos niya, well maybe part of it is part of my job.

ok nadin yun para quits na kami, hindi nako nag salita at tinuloy nalang namin ang trabaho namin, iisipin niya siguro na galit ako sa kanya, tama lang yan maguilty ka lang, hapon na at kakatapos lang nang lunch namin pero nag duduty padin ako, gusto ko kase na matapos muna lahat ng gagawin ko bago ako mag pahinga.

"Kanina kapa dyan ayaw mo paba kumain"  pagkakasabi sakin ni Vince,

"Mamaya na mabilis nalang to unti nalang" seryoso kong pagkakasabi dahil naka focus ako sa ginagawa ko.

"do you wanna take rest" lumapit siya sakin at inabot ang isang kamay niya.

anong pakulo yung gagawin nito may pa abot-abot pa nang kamay, tumingin lang ako sa kanyang mga mata at para kaming nag-uusap sa isip namin. nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang kamay ko at hinila ako palabas sa office room, mabilis siya tumakbo at dahil hawak niya ang kamay ko wala akong nagawa kung hindi ang sumabay sa bilis niya.

"teka lang! matatapilok ako sayo, may hinahabol ka ba" tinawanan niya lang ako at mas mabilis siyang tumakbo papuntang elevator, buti nalang talaga hindi ako nadapa dahil kung hindi dadagdag na naman yun sa nakakahiyang moments ko.

Sumakay kami sa elevator na hingal na hingal.

"whoaaah! that was fun" nagawa niya pang tumawa sa kalokohan niya, para siyang bata na ginagawa ang lahat nang maisipan niyang gawin.

"no it's not, ang hirap kayang tumakbo nang naka heels, teka saan ba tayo pupunta" pagkontra ko sa kasiyahan niya.

"Para bumili ng regalo sabi mo sasamahan mo ko diba" talaga ba bibili lang nang regalo kailangan pang tumakbo.

WAITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon