Vince
"Waiting for you was like holding onto a memory that I couldn't let go of, so please come back."
The words left my lips before I could even think about them. I knew deep down that it was a futile attempt to make her stay, but I couldn't help it. I loved her with all my heart, and I didn't want to imagine a life without her.
As she looked at me, I could see the pain in her eyes. It was like she wanted to stay, but something was holding her back. I didn't know what it was, and I didn't want to push her to tell me.
But she just shook her head, tears streaming down her face. And before I knew it, she was gone. I was left standing there in the middle, feeling like my world had just ended.
_________________________________________
"Ca-Carlo," nakita ko siya na nakatayo sa harap ng pintuan ko. Hindi ko ma-intindihan ang espresiyon ng mukha niya. Mukhang kinakabahan siya at nagmadaling pumunta dito. Kitang-kita ko ang pagkabahala at lungkot sa mga mata niya.
"Please Vince, favor naman oh, kailangan ka ni Alicia ngayon. Baka naman pwede mo siyang puntahan kahit sa huling pagkakataon lang," sabi ni Carlo sa akin na maslalo akong naguluhan. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong pumunta sa ospital para kay Alicia.
"Bakit? Ano bang nangyari sa kanya?" tanong ko sa may pagkabahala.
"Nasa ospital siya ngayon. Siguro magiging masaya siya pag nakita ka niya," tugon ni Carlo sa akin na mas lalong nagpapaintriga sa akin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako ang kailangan ni Alicia sa ospital.
Agad namang napakunot ang noo ko at wala akong nagawa kung hindi sumama kay Carlo. Hindi ko talaga siya pinapakinggan, pero masyado siyang seryoso na mas lalong nagpapaintriga sa akin.
Pagpasok ko sa ospital, agad naming pinuntahan ang kwarto ni Alicia. Doon ko siya nakita na nakahiga sa kama at parang nahihirapang huminga. Sobrang payat na rin ng katawan niya na parang hindi niya na naalagaan ang sarili niya. Sobrang layo na ng mukha niya mula nang huling makita ko siya. Wala akong magawa kung hindi ang maawa sa kalagayan niya.
Kaagad ko siyang nilapitan at agad naman siyang ngumiti sakin kita ko ang saya sa mga mata niya na mukhang natutuwa na makita ako na bumisita sa kanya.
"L-Love..." mahinang pagkakasabi ni Alicia sakin.
Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. Mahaba-haba rin kasi ang panahon mula nang huli kaming nagkita. Kitang-kita ko ang pagod at hirap sa kanyang mga mata, pero hindi pa rin nawawala ang kanyang ngiti.
"Hey, don't worry. I'm here," sabi ko habang hawak ko ang kamay niya. Ramdam ko ang napakalamig ng kanyang kamay
"Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.
"Okay lang naman ako, Vince. Konting pahinga lang, okay na ulit ako," sagot niya sabay ngiti sa akin.
Ngunit ramdam ko sa bawat pagsasalita niya na mayroong nararamdaman na hindi maganda. Bumaba ang tingin niya at napansin kong nagtago siya ng luha. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Alicia, ano ba talaga ang nangyari sa'yo?" tanong ko ng may kaba sa puso ko.
"May sakit ako, Vince," sagot niya ng may pait sa boses.
Naupo ako sa tabi ng kama at nakatingin lang sa kanya. Ramdam ko ang sakit sa kanyang mga salita at sa mga mata niya.
"Pero, Love... mukhang malala na yung sakit ko. Hindi ko alam kung gaano pa 'ko tatagal, Pero okay lang 'yun. At least, nandito ka ngayon," sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
WAITING
RomanceVince is the son of the CEO who owns a major company and comes from a wealthy family, but he struggles to interact with others. He has had a girlfriend for almost 8 years, until he met Toni. Despite his privileged background, Vince has difficulty so...