"9:42 am, hayst, late na naman siya," pagkakasabi ni papi pagkatapos niyang tumingin sa oras ng relo niya. Hinihintay niya kasi si Toni dahil patapos na ang meeting nila."Excuse me po, padaan po, sorry, sorry," nagmamadaling na'kong lumakad at gusto ko nang tumakbo pero ang hirap dahil sa takong ko. Hindi ako p'wedeng mahuli sa trabaho.
Mabilis akong pumunta sa elevator at nag-antay nang ilang segundo para makaakyat na'ko sa meeting room. Pinagdarasal at nagbabakasakali na lang ako na hindi pa'ko nahuhuli sa meeting dahil kung hindi, malalagot ako nang wala sa oras.
Saktong pagbukas ng pinto ng elevator, diretso na kong naglakad at dahil sa pagmamadali ko, hindi ko napansin na may tao na palang nasaharapan ko. Hindi ko sinasadyang makabangga siya. Nakakahiya lang dahil may hawak siyang kape at natapon ko 'yon sa kanyang puting long sleeve, na nag-iwan ng mantsa. Nahulog din ang mga paper works ko at dali-dali kong pinulot ang mga ito.
"Grrrr! Wala na bang mas malas pa sa araw na 'to?"
"Ayos lang 'yan, tulungan na kitang pulutin 'yung mga gamit mo," nagulat ako dahil imbis na magalit siya sa'kin o mainis dahil natapunan ko siya ng kape sa kanyang damit, sa halip ay tinulungan niya pa'kong ayusin ang aking mga gamit.
"I'm really sorry, nagmamadali kasi ako. Pasensiya ka na, hindi ko alam kung paano ko maayos 'yung damit mo," nahihiya kong sabihin sa kanya.
"Ayos lang, don't worry, may blazer ako. 'Yon nalang siguro yung gagamitin ko para matakpan 'to."
"Nako, pasensiya ka na talaga. Uhmm... babawi na lang ako. Bye," dali-dali na'kong umalis para pumunta agad sa meeting room.
"Wait, miss, naiwan mo 'yung phone mo at itong paper works mo." Hindi ko na rinig ang kanyang sinabi dahil medyo malayo-layo na'ko.
Binuksan ko na ang pinto ng meeting room at pumasok na'ko rito.
"Miss Fowler, you're late again at ano 'yang bang itsura mo? Fix yourself," inis na reaksiyon sa'kin ng CEO. Hindi na rin naman bago sa'kin ang mga gano'ng klaseng bagay dahil lagi naman akong nasesermonan.
"I'm sorry, Mr. Flores, for being late," humingi agad ako ng tawad. Clumsy kasi ako at lagi na lang gumagawa ng mga nakakahiyang bagay. Minsan iniisip ko na lang na baka malas talaga akong tao.
"Go ahead and sit down," turo niya sa'kin papunta sa kalapit na upuan ni papi. Umupo na'ko sa upuan na tinuro niya at tinabihan si papi.
"Ano bang nangyari sa'yo? Para kang nakipagsabakan sa gera. Lagi mo na lang pinapahiya 'yung sarili mo," pagkakasabi sa'kin ni papi.
"Eh, traffic kaya natagalan, nalate tuloy ako."
"Patapos na 'yung meeting, ngayon ka lang nakapunta."
"Hayaan muna, babawi na lang ako. Chika mo na lang sa'kin kung anong pinag-usapan niyo kanina."
"Before the meeting ends, I have something important to tell you. I want to introduce our new chief operating officer, none other than my son, Vince Flores," pagpapakilala ni Mr. Flores sa kanyang anak at agad namang pumalakpak ang mga tao sa loob ng meeting room.
Pumasok ang anak ng CEO sa pinto pero wala akong pake dahil alam kong may bagong magboboss-bossan na naman. Pero nagulat ako nang makita ko ang kanyang mukha. Siya yung lalaking nakabangga ko kanina. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Dahan-dahan siyang lumapit papunta sa'kin at ito naman ang dahilan ng pagkakaba ko.
"Miss, if I'm not mistaken, this belongs to you," sinabi niya ang mga iyon nang nakatingin sa mga mata ko. Ibinabalik niya ang mga gamit na nahulog ko kanina. Sa mga panahong 'yon, hindi ko na kinakaya ang mga kahihiyang ginagawa ko at gusto ko nang magpalamon sa lupa.
BINABASA MO ANG
WAITING
Любовные романыVince is the son of the CEO who owns a major company and comes from a wealthy family, but he struggles to interact with others. He has had a girlfriend for almost 8 years, until he met Toni. Despite his privileged background, Vince has difficulty so...