Chapter 23

172 20 2
                                    

Toni

Grabe yung tension kanina, hindi ako makapaniwala na ganon pala yung nanay ni Vince. Nakakatakot, mukhang sa mga magulang palang niya wala na kong pag-asa. Pero ayus lang, pag gusto may paraan, pag-ayaw may dahilan kaya ko 'to char. Landi ko, kaka-break palang ng tao eh tapos mukhang may problema pa siya sa nanay niya...

"Ano, ok ka lang?" tanong ko sa kanya habang hawak ang kanyang kamay. Pero hindi siya nag-salita at tahimik lang.

"Hayaan mo na 'yan, malay mo ma-realize din ng mom mo yung nagawa niya. 'Wag kang sad boy, nandito tayo sa LA. Kailangan mong maging masaya," sabi ko sa kanya para kahit papaano ay mapagaan ang loob niya. Wow, for the comforter kahit hindi ko naman talaga alam yung mga pinag-sasabi ko dito.

"Kiss nalang kita para maging happy ka," sabi ko sa kanya sabay nguso sa harap niya.

"Enough with the nonsense, you don't make me feel better," high blood siya ngayon. Sabagay, sino ba naman ang hindi maihi-high blood dun sa nanay niya. Gusto ko nang sabunutan kanina.

"Eto naman masyadong seryoso sa buhay. Buti ka nga may mom ka pa eh, pwede pa naman siguro kayong mag-bati. Mahal ka nun, imposibleng hindi," pagpapagaan ko sa kalooban niya, kahit halata naman na ginag-aslight ko lang siya.

"Wag ka nang mag-alala, gusto mo bang balikan natin arat sampalin natin para mabawasan yung bigat ng pakiramdam mo?" agad naman siyang napataas ng kilay sa akin.

"Joke...lang pinapatawa lang kita alam ko naman na corny ako eh" hayst hirap ko talagang maging seryoso kausap.

Hay, bahala na nga lang siya sa buhay niya kung gusto niya laging maging malungkot. Pinapasaya na nga eh para sabayan niya lang yung trip ko sa buhay.

Pero nagulat ako nang biglang bumuhos yung malakas na ulan. Ang ganda ng weather kanina, ang lungkot kasi ni Vince eh, pati tuloy yung ulap ngayon umiiyak na.

"Do you have an umbrella?" Bakit ako yung tinanong? Mukha ba akong may umbrella.

"Sana meron," hinubad niya yung jacket na suot-suot niya para ipangtaklob sa aming dalawa.

"We don't have a choice." Pagkakasabi niya sa akin. Okay lang naman, hindi naman ako maarte tulad niya.

"Ok lang yan, maganda naman yung ulan at least may masisilungan tayo" sagot ko sa kanya habang nagsisiksikan kami sa ilalim ng kanyang jacket.

"Kung alam ko lang sana na may ulan, nagdala sana ako ng dalawang payong" sabi niya na halatang nanghihinayang.

"Ok lang yun, mas masaya naman na magkasama tayo sa ilalim ng isang jacket" sabi ko naman na nakangiti sa kanya.

Naglakad kami sa ilalim ng malakas na ulan, hindi alam kung saan pupunta.

"I'm glad that the rain is beautiful, it makes me happy," he said.

"Ikaw gusto mo, ang weird" pagkakasabi ko sa kanya.

"Tara, gusto mo bang tumigil muna tayo para maghintay na humina yung ulan?" Tanong ko sa kanya, nag-aalala na baka magkasakit kami.

"Nah, let's just keep walking. I kind of like the rain," sagot niya na may ngiti sa mukha.

Lumakad pa kami ng ilang minuto hanggang sa nakita namin ang isang maliit na café.

"Perfect timing," sabi niya na may ngiti sa labi habang kinakalabit ako para pasukin namin ang café.

Pumasok na kami sa café at nagpahinga muna sa tabi ng pintuan.

WAITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon