Chapter 10

241 20 3
                                    

"B-Birthday niya?" nakokonsensiya kong tanong kay papi, yun siguro ang dahilan kung bakit niya ako tinawagan nang maaga at pinapunta sa condo nila. Hindi ko kase pinatapos yung sasabihin niya.

"Oo, nakita ko lang sa Facebook niya" sabay kinuha niya yung phone niya para ipakita sa akin yung ebidensiya.

"Hmm...ok" maikli kong pagkakasabi kay papi, kahit sa totoo lang gusto ko na kaagad humingi nang tawad kay vince kase medjo nasungitan ko siya kanina.

"Di ka invited ?" sarkastikong pagkakasabi ni papi, invited sana pero umayaw ako.

"Ikaw invited kaba? crush mo lang siguro si vince eh" kinuha niya ang unan sa sofa na pinag uupuan namin at hinampas sa akin at agad ko naman siyang tinawanan, tumawa nalang din siya kahit halata naman sa mukha niya na nainis siya.

"Crush...ano yun highschool era?" pagkakasabi niya kunyare pato eh in denial stage yern.

"So Hindi mo siya crush" tanong ko kay papi.

"Hindi kase Trotropahin, Jojowain, Aasawahin, Aanakan ko siya, period" proud niyang pagkakasabi sakin at may pa posing pa siya na parang model.

"Teka, teka may kulang, sa sinabi mo"

"Ano ?"

"Magiging kabit ka muna"

tumawa ako nang malakas para maasar siya kita ko naman ang pighati sa kanyang mukha. madami kaming naging asaran, kwentuhan, at kulitan nang bandang hapon na nag pasya na siya para umuwi at mag asikaso nang mga bagay-bagay kaya ako na naman ang naiwan mag isa.

Pumunta ako sa balcony para makita ang paglubog nang araw, naalala ko kase nung dinala ako ni vince para bumili nang bulaklak at huminto para maka kain kami nang maayus.

Naaalala ko padin yung simoy nang hangin at yung saya nang pakiramdam na kasama ko siya, siguro bukas pupunta ako sa kanya para humingi nang tawad at bigyan siya nang regalo.

tinitigan ko lang muli ang ganda nang paglubog nang araw at hinintay hanggang muling magdilim.

"Ano kayang pwedeng iregalo kay vince, parang lahat naman kase meron na siya"
napaisip tuloy ako bigla, pano kaya kung libro nalang mukhang mahilig naman siya magbasa kaso anong libro bibilhin ko? coffee tutal nung una kaming nagkita uhaw na uhaw siya sa kape? ahh alam ko na...

"*ring, *ring" mukhang may tumatawag na naman sa phone ko, kinuha ko ito para sagutin.

"Good evening! I would like to request your presence at our office today as we have some urgent meeting that need to be attended to. Thank you and I look forward to seeing you soon" pagkakasabi sa akin ng assistant ng CEO seryoso? biglaang meeting sabi ni vince kahit wag nako pumasok, nako naman.

mabilis akong nagpalit nang pormal na damit dahil ayaw ko naman na magmukha na naman akong kahiya-hiya sa harapan nila. pumunta kaagad ako sa opisina at dumeretso sa meeting room duon ko nakita si Mr. Flores at si vince kasama ang matataas pa na opisyales ng companya, mukhang sobrang halaga nito.

"Good evening everyone, and thank you for joining us today. I'm honored to be standing here today as the CEO of this organization, Over the past few years, our company has made tremendous strides, and I'm proud of the hard work and dedication that has made this possible..." pagbati ni Mr. Flores saamin, tumabi ako kay vince dahil wala naman akong ibang kakilala dito.

"Happy birthday, I'm sorry sa nagawa ko kanina" mahina kong pagkakasabi na siya lang ang makakarinig nang salitang yun.

"Thank you, mamaya muna ako batiin, let's listen first, it seems very important"
napa sangayun naman ako sa sinabi niya mukhang importante talaga kaya tumango nalang ako at nakinig din.

WAITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon