Chapter 19

214 24 4
                                    

Toni

Umalis na si Vince, kaya naghanda na'ko ng gamit para sa pagpunta namin sa airport. Mas okay sana kung sabay kaming dalawa, pero mukhang kukunin pa niya ang mga gamit niya.

Grabe, ang saya-saya ko na! Di ako makapaniwala na makakapunta na ako sa US, lalo na't pangarap ko talaga ang mag-travel sa iba't-ibang lugar sa buong mundo. Ang sarap sa pakiramdam na matutupad na 'to!

Nang dumating kami sa airport, nag-register na kami at nag-check-in ng aming mga bagahe. Dumaan kami sa security check at sumakay na sa eroplano. Napansin ko ang magandang tanawin mula sa itaas. Kitang-kita ko ang mga kahabaan ng dagat at ang iba't-ibang hugis ng mga lupa.

Kaso, dahil sa pagod ng paghahanda at byahe, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa eroplano. Ang sarap ng pakiramdam na nakatulog ako sa gitna ng biyahe.

"Toni... Toni," pagtawag sa pangalan ko, para gisingin ako.

"Hey, wake up, we're almost there," dagdag niya.

"Wake up and check out the amazing view of the city," pagkakasabi ni Vince.

Agad kong minulat ang aking mata at nagising. Tiningnan ko ang bintana. Nakita ko ang napakagandang tanawin ng lungsod.

Napapapikit ako sa antok habang nasa eroplano, pero biglang napatayo ako dahil naririnig ko ang pagpapakalma ng kapitan ng eroplano.

"Ladies and gentlemen, we are approaching Los Angeles. Please fasten your seat belts and make sure your belongings are stowed away."

Napakalaki at napakaganda ng lugar na 'to, kaya hindi ako makapaghintay na ma-experience 'to nang mas malapitan.

"Naka ngiti kana d'yan ahh," sabi ni Vince habang nakatitig sa akin.

"Siyempre naman... dream come true na 'to, 'di ba?" nakatulala lang siya sakin habbang nakatingin.

"Uy! Nakatulala kana d'yan, bababa na tayo," sabi ko sa kanya.

"Ha?" tanong niya.

"Anong 'ha'?" Hinatak ko agad ang headphones niya mula sa tenga.

"Tanggalin mo kasi yung headphones mo para marinig mo 'ko," paalala ko sa kanya.

Nang bumukas ang pinto ng eroplano, naramdaman ko agad ang napakalamig na simoy ng hangin sa Los Angeles. Hindi ko mapigilang hindi ma-excite at parang bata sa sobrang tuwa.

"Finally, nasa LA na rin tayo!" sigaw ko kay vince ng tuwang-tawa.

"Mukhang maiiyak ka na sa sobrang excitement mo," biro ni Vince.

"Oo nga eh, hindi ko mapigilang ma-overwhelm sa ganda ng LA!" sagot ko sa kanya, habbang nakangiti pa rin ng sobra.

Agad kaming bumaba sa eroplano at naglakad na papunta sa airport para makapag-check in sa hotel na pag-sstay-an namin.

Grabe, nung makarating kami sa hotel, na-amaze talaga ako sa sobrang laki ng lobby at sa mga high-tech na pasilidad na nakapalibot sa amin, teh. Agad kaming lumapit sa receptionist at nagpakilala

"Good afternoon and welcome to the Ritz-Carlton, how may I assist you?" pagkakasabi ng receptionist samin mukhang mapapalaban tayo sa spokining dollars dito ah.

"We have a reservation for two under the name Flores," sagot ni Vince. Buti na lang may kasama akong Englishero, hindi ako mahihirapan.

"Thank you very much, let me check that for you," sabi ng receptionist, sabay type sa computer.

WAITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon