This story was already Completed in my Patreon creator page Rej Martinez or join my Patrons private Facebook group if nahihirapan po sa Patreon. For 150 PHP monthly membership read up to the latest chapters in my ongoing stories and read exclusive stories there. Just message my Facebook account Rej Martinez to join my private group. Thank you for your support!
Chapter 30
Depend
"Hale, please answer..." I also became worried for Hale. I was waiting for him to pick up his phone.
Nasa tainga ko ang phone ko at binalingan din sina Angel at Gelo na nandoon sa kwarto namin ni Hale kasama ko. Kanina pa umalis si Hale at hindi namin alam kung saan siya nagpunta. Pagkatapos lang ng sagutan nila ni Gelo kanina ay bigla na lang umalis si Hale sa bahay. And now I'm worried.
"Hindi pa rin ba sumasagot?" Pumasok si Manang Lucille ng kwarto at kasunod niya sina Yaya Celsa at isa pang matagal na ring kasambahay sa Casa Salcedo.
Tumango ako. Binaba ko na lang din muna ang phone ko at hindi rin naman sinasagot ni Hale ang tawag ko... Nag-aalala pa rin talaga ako. Of course, Hale's my husband and after what happened here earlier and not knowing where he's at right now makes me worried, too.
"Sige, kami na muna ang bahala sa mga bata... Magpahinga ka na rin muna... Uuwi naman iyon dito mamaya si Sir Hale..." Manang tried to reassure me.
Tumango lang ako pero hindi pa rin nabawasan ang pag-aalala ko. Aminadong aminado na ako ngayon na may mali rin ako... Bumaling ako sa mga bata. "Angel, Gelo, sumama na muna kayo kay Yaya Celsa. May pasok pa kayo bukas sa school. Magpahinga na kayo, and it's getting late..." I told the kids.
"How about you, Mommy...?" Angel worriedly asked me.
Ngumiti pa rin naman ako sa anak ko. "I'll be fine, sweetheart. Ako na lang ang maghihintay sa Daddy ninyo na makauwi...okay?" Tumingin din ako kay Gelo na tahimik.
"Huwag na po kayo mag-away ni Daddy..." mahinang sinabi ni Angel.
Nagkatinginan kami at nakita ko ang pamamasa ng mga mata niya sa nagbabadyang luha... And before she could cry I brought her to my chest and hugged her. "Shush...it's all right..."
"It's Daddy's fault..."
Tumingin ako kay Gelo habang yakap ko si Angel.
"Tama na, Gelo." Si Manang na ang sumaway sa kaniya. Pagkatapos ay tinawag na rin nito si Angel. "Tara na, Angel. Sa kwarto na kayo ninyo ng kapatid mo at magpapahinga na rin ang Mommy ninyo."
Pagkatapos ay sumama na rin naman ang mga bata sa mga kasambahay. I was left alone sa tahimik na naming kwarto ni Hale... Nakaramdam ako ng kalungkutan. Tumulo ang luha ko nang mapag-isa at humawak ako sa dibdib ko.
It must be the exhaustion that brought me to the bed. Ilang beses ko pang sinubukan tawagan si Hale hanggang sa namatay na lang ang phone ko. At nakatulog na rin ako sa kama sa pagod...
When I woke up the morning after, I was still alone in our bed. Agad akong napabalikwas at bumangon nang maalala ko si Hale at para hanapin siya. Nakatayo na ako sa gitna ng kwarto namin ng bumukas ang pinto ng bathroom at lumabas doon si Hale.
Nagkatinginan agad kami. He just looked away and busied himself drying his dark hair with the smaller towel. Isang puting tuwalya lang din ang nakapalibot sa baywang niya. Nilampasan niya lang din ako. I also turned my body to follow him. "Hale, saan ka kagabi? Ano'ng oras kang umuwi?" sunod ko sa kaniya.
"You were already asleep when I came home..." he just answered. At bahagya ding kumunot ang noo niya na parang hindi rin siya sigurado sa sinagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Our Married Life
RomanceThinking about how her future probably would end up, Lizette proposed a marriage of convenience to the esteemed businessman, Hale Salcedo. Liz is a love child and when her birth mother died of sickness she lived with her father and its family. Now...