22

3.7K 208 4
                                    

Read up to Chapter 39 now on my Facebook VIP group and Patreon creator page Rej Martinez. Please message my Facebook account Rej Martinez to join my VIP group for you, readers! Thank you! Stay safe and healthy everyone.

Chapter 22

Party

"You're young and beautiful. You can still find someone else..."

Tumingin ako sa lalaking kaklase. "Bakit naman ako maghahanap pa ng iba? Kasal na nga ako."

Ngumiti pa siya. "I'm just saying..."

"Mahal ko ang asawa ko at mga anak namin." dagdag ko.

Hindi ko alam kung bakit siya ngayon nasa harapan ko at nagsasalita ng ganitong bagay sa akin. May ilang araw na rin niya akong kinukulit. Kapag hindi pa siya tumigil magsasabi na rin ako kay Hale. Hindi ko gusto na ginugulo niya ako nang ganito. Siya lang ang lumapit sa akin at kumausap. I was polite at first. But I'm only here to study. Wala akong panahon para sa mga bagay na sinasabi niya.

Mukha nga rin siyang anak mayaman, at spoiled brat... Parang wala siyang pakialam sa ibang bagay...at gusto niya lang na nasusunod ang gusto niya. I just tried to ignore him more.

He chuckled. "Fine. I'm sorry... But I really like you, Lizette..." Ilang beses na rin siyang lantarang nagsasabi ng gan'yan.

"Lizette Salcedo." sabi ko at seryoso siyang tiningnan. To remind him too that I'm already married.

He nodded. "Yeah, I know your husband..." And then he smiled more. "Maybe I'll see you outside the university soon..."

Kakilala rin ba siya ni Hale? Saan, sa negosyo ba? Family friend... Siguro ay tatanungin ko na rin si Hale...

"Allan, ginigulo mo na naman ba si Mrs. Salcedo?" another brat, his friend who's unfortunately my classmate too called him.

I sighed and started putting my things inside my bag. Nag-announce na rin naman na wala na kaming class ngayon sa panghuling klase dahil hindi na makakarating ang professor namin at may emergency ito.

Allan Peralta and his equally brat friend laughed together like they're crazy. Boys. Hindi man siguro ako nakakalabas sa bahay ng mga Chavez noon, but I've read too many books and that includes about the villains. At pakiramdam ko ang mga lalaking ito ay isa sa mga kontrabida sa buhay ko. I can't be innocent and let other people take advantage of my ignorance. May utak pa rin naman ako at mabilis din matuto sa mga bagay bagay dahil gusto ko rin matuto at magkaroon ng mga kaalaman. Kaya hindi rin ako papatalo sa mga lalaking ito. Akala ba nila patuloy lang akong tatahimik sa panggugulong ginagawa nila sa akin? Hindi.

"Hey, Liz—"

Tinawag pa ako ni Allan pero tuloy-tuloy na akong lumabas ng classroom namin at pababa pa ng building. Nakahinga lang yata ako nang nakita ko na ang sasakyan ni Hale na sumundo sa akin. Napangiti ko.

Palagi na niya akong sinusundo kahit busy pa siya at hindi na lang inaasa sa driver. Simula noong nakita niya akong hinabol at kinausap din ni Allan. Medyo matagal na nga iyon. Noong una ay patingin-tingin lang siya sa akin. Siguro rin dahil may palagi pa akong nakakasamang ibang kaklase noong una. Iyong akala ko rin ay magtatagal kong magiging kaibigan. But now we don't really talk anymore. At mukhang kaibigan niya lahat ng iba pa naming mga kaklaseng babae at mukhang ayaw na rin ng mga ito na makipagkaibigan din sa akin... And it's okay. Nandito lang naman ako sa university para mag-aral. Bonus na lang kung magkakaroon din ako ng kaibigan. Minsan ang hirap din talagang intindihin ng mga tao...

At doon din nagsimulang lumalapit na sa akin si Allan sa klase namin. At first I was still polite to him since he only asked about our school stuffs. And then later on I think he got too comfortable na kung ano-ano na ang sinasabi niya sa akin. Ang akala ko nga rin noong una ay magiging kaibigan ko rin siya...

Our Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon