04

4.2K 181 3
                                    

Chapter 04

Garden Walk

I realized I might not know how to use the gadgets Hale gave me. Although I know what are these things. Pero hindi pa ako nagkakaroon ng mga ito noon. Nakikita ko lang noon na mayroon ding mga ganitong gamit si Ella. And she never let me borrow her things. I was unboxing the gadgets inside my room when I heard a knock on my door. Iniwan ko muna ang ginagawa para pagbuksan si Hale. Sinalubong niya ako ng ngiti kaya napangiti na rin ako sa kanya.

"Do you like it? If there's anything more that you need you can tell me." ngiti ni Hale sa akin.

Saglit pa akong halos matulala sa mukha niya. Guwapo si Hale. Pero kapag nakangiti siya lalo na umaabot sa mga mata niya ay parang ang guwapo niya pa lalo.

Umiling ako. "Wala na akong ibang kailangan, Hale. Sobra-sobra na nga ito."

Hindi ako sanay na binibigyan ako ng kahit ano habang lumalaki ako sa mga Chavez. Even if it's my birthday I never received any gift from my father or his family. Si Nanay Pilar lang ang nakakapagbigay noon ng regalo sa akin. At naalala kong tuwang-tuwa na ako sa isang cupcake na nilagyan ni Nanay ng maliit na kandila para sa kaarawan ko.

Now that I receive gifts from Hale nakakapanibago dahil hindi nga ako sanay at halatang mamahalin pa ang bigay niya.

"Don't say that. You will become my wife. And it is my responsibility to provide for you. All you have to do is to just ask me."

Nagkatinginan kami ni Hale. Unti-unti nalang akong tumango sa sinabi niya. Ganoon siguro sa mga mag-asawa. Kinasal na dati si Hale kaya siguradong alam na niya ang responsibilidad niya sa asawa niya.

"Uh, salamat. Susubukan ko ring maging mabuting asawa sa 'yo. Magsabi ka lang ng mga dapat kong gawin para sa 'yo at sa mga bata..." I wasn't sure. Should I read more books about a married couple? Kanino ba ako pwedeng magtanong at matuto sana ng tungkol sa pag-aasawa.

"You can do whatever you want, Liz."

Nagkatinginan muli kami ni Hale. Until I think it became a little awkward.

"Oh." Hale touched his nape. "Our dinner's ready downstairs."

Tumango ako kay Hale. At susunod na sana sa kaniya palabas ng kwarto ko nang may maalala ako. "Uh, Hale," tawag ko sa kaniya. Bumaling naman siya sa akin. "Uh, hindi ba talaga kayo nag-uusap ng mga bata sa pagkain?" I also thought that maybe it could be some sort of the Salcedo family's tradition during their meals that they should eat just quietly. Pero hindi ko pa yata nakikita na nag-uusap si Hale at ang mga anak niya. When he's at home he's just in his office most of the times. At halos nasa mga kwarto lang din nila ang mga bata pagdating nila galing school.

Hale was looking at me. I bit my lip and I almost looked away. Paano kung may nasabi na pala akong masama at magalit sa akin si Hale? "Not really..." Hindi na madugtungan ni Hale ang sinabi niya.

"Sorry..." I said in a quiet voice.

I saw Hale shaking his head. "There's nothing to be sorry about. Let's eat downstairs the food might not be warm anymore."

Tumango ako at sumunod sa kanya.

Tahimik lang din muli ako habang kumakain kami ni Hale kasama ang mga bata. Nang biglang magsalita si Hale. "How's school, Gelo?" he asked his son.

My eyes widened a fraction until a secret smile stretched my lips when Gelo answered his dad's question and they started talking including Angel.

"That's good to hear. You've been doing well in your subjects at school."

"Especially Math, Dad. I always get perfect scores with our Math quizzes." kwento pa ni Gelo sa daddy niya.

"I also did good with our English class, Daddy!" Angel was smiling wide as she told Hale this.

Our Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon