31

4.3K 222 17
                                    

Hi, readers! Merry Christmas! Thank you for your support for me and my stories!

Chapter 31

Work

I started working at Allan Peralta's family business. Dito lang sa Vigan at nakakasama ko rin si Aria sa trabaho. It was actually nice and fulfilling. Maganda na may iba na rin akong ginagawa ngayon at nagagamit ko pa ang mga napag-aralan ko noon sa eskwela.

At okay na rin kami ni Allan. Mabait naman siya sa akin habang nagtatrabaho ako sa company nila. Doon din siya nagtrabaho sa kompanya ng parents niya after we graduated. Palagi pa nga kaming nagkakasabay nina Aria sa trabaho at mukhang sa mababang posisyon lang din muna pinagsimula si Allan ng daddy niya kahit company nila ito. At mukhang ayos lang din naman kay Allan. Mukhang nagbago na nga talaga siya. Hindi na ganoon ka spoiled gaya noong dati na nag-aaral pa kami sa university.

It's good for him.

Pagkatapos ng trabaho ko ay pinasundo rin ako sa driver gaya ng nakasanayan ko na rin. Hatid-sundo ako ng driver sa trabaho. Parang gaya lang din noong nag-aaral pa ako. Pero ayos na rin at hindi ko na poproblemahin ang transportation sa pagpunta sa trabaho at pag-alis sa bahay.

"Hi, Mommy!" Sinalubong pa ako ni Angel pagkadating ko sa bahay namin.

I smiled to my sweet, sweet child. "Hi, Angel! Kumusta ang school? Kumain na ba kayo ng kambal mo?" Inabot ko sa isang nag-abang din na kasambahay ang bag ko at blazer na rin. "Thank you." I smiled to our house helper who also smiled to me. Pagkatapos ay tumalikod na rin ito para dalhin ang gamit ko.

I turned my attention back to Angel.

"Okay naman po, Mommy. Gelo's also doing good at school. We will let you and Daddy see our class cards soon." She smiled. "How about you, Mommy? How's work?"

I smiled. "Okay naman, anak. Medyo nakakapagod lang pero kaya naman."

She even looked a little worried. Lalo siyang gumaganda habang nagdadalaga na. Gelo also mentioned it to us that his sister was getting more and more attention from boys their age at school. Hindi naman na nakapagtataka iyon dahil magandang bata rin talaga si Angel at hindi malabong may magsimula nang manligaw... Pero pinapaalalahanan lang namin na bata pa siya at mas mabuting focus lang muna sa pag-aaral. At sinabi rin naman sa amin ni Angel na wala pa doon ang isipan niya. Which is good, I think. "Maybe Daddy's right that you should just stop working?" she said.

I sighed. Pagkatapos ay bahagya ko rin inayos ang buhok niya na bahagyang nagulo. "Angel, ganoon talaga kapag nagtatrabaho ka. Hindi maiiwasan na mapagod ka rin. Pero hindi ibig-sabihin noon na titigil at huwag ka na lang magtrabaho. Mommy also likes working so it's fine." I smiled to her.

Ngumiti na rin muli si Angel. At tumango.

I smiled. "Nasaan nga pala si Gelo?"

"He's still upstairs. Pababa na rin po siya."

I nodded. At nang makababa nga si Gelo ay kumain na rin muna kami ng dinner. Kahit hindi pa rin ako nakakapagpalit ng damit galing sa trabaho. Baka ma late na rin kasi ang dinner ng mga bata kung aakyat pa muna ako at magbibihis. Hinintay pa nila akong dumating bago sila kumain.

While Hale was away for work kaya hindi siya namin kasama sa pagkain ngayon.

"Ganiyan talaga ang buhay na may asawa... Hindi na siguro talaga maiiwasan ang mga pag-aaway minsan...at konting tampuhan."

Nag-uusap kami ni Manang sa kusina habang nagliligpit din ang mga kasambahay doon. Pinauna ko nang pinaakyat sina Gelo at Angel sa mga kwarto nila para makapagpahinga na rin at maaga pa uli sila bukas sa pagpasok sa eskwela. Ako rin naman ay may pasok din sa trabaho. Pero napag-uusapan na rin namin ni Manang si Hale na wala rito ngayon sa bahay at nasa Manila para sa business niya.

Dapat nga ay lumipat na lang din muna ang pamilya namin sa Manila... But Hale let me work here in Vigan. And told me that it's all right... Kaya ngayon ganito na ang setup namin. He's often in Manila to work while I stay here in Vigan with the kids. Suggestion ko rin sa kaniya na sa kompanya nina Allan dito sa Vigan magtrabaho dahil doon din naman si Aria.

"Tingin ko nga po, Manang, ay may tampo pa rin sa akin si Hale..." I let out a sigh. Pagkatapos ay sumimsim na lang ako sa pinahanda kong tea sa kasambahay.

"Kulang lang siguro kayo sa pag-uusap..." Manang said.

Nagkatinginan kami. Ngumiti siya sa akin. "Mahalaga ang pag-uusap sa mag-asawa. Para maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan..."

Unti-unti akong tumango sa sinabi ni Manang.

I am glad that she's here. Pareho kami ni Hale na walang parents na mahihingan ng advice... Kaya mabuti rin talaga na nandito lang din si Manang para sa amin. I smiled.

I will talk to Hale again once he's home to us. Our past conversations was not enough, obviously.

Allan and I became close because of work. I realized na mabait din naman pala talaga siya. Medyo may pagka spoiled brat lang talaga siya noong nag-aaral pa kami. And now he's become better.

"Bye!" Paalam ko na sa mga katrabaho ko kanila Aria at Allan pagkatapos ng working hours namin sa company nila. "See you again tomorrow!"

"See you tomorrow, Liz!" Aria smiled at me.

Ngumiti rin ako sa kaibigan bago pumasok na sa loob ng elevator pababa sa basement kung saan naghihintay ang sundo ko. While Aria have to stay dahil may hindi pa raw siya natatapos sa trabaho niya at balak na lang mag-overtime din ngayon para matapos na rin daw niya.

Nakalabas na ako ng elevator at nasa basement na nang marinig kong tinawag ako ni Allan. Agad ko naman siyang nilingon. Hinabol niya pala ako dito. "Oh. Bakit? May nakalimutan ba ako...o ano?" Salubong ko sa kaniya.

Allan stood in front of me. His thin lips were in a straight line when he pursed his lips. "I have something to tell you."

"What is it?" I gave him my attention. Akala ko ay para sa trabaho.

"Matagal na ito, Liz. At lalo ko lang napatunayan na gusto talaga kita nang dito ka na nagtatrabaho sa company namin at nagkakasama tayo halos araw-araw." he straightforwardly said to me.

Nanatili ang tingin ko kay Allan. My lips parted a bit. Did he just...confessed? To me? "Allan..." Ngumiti pa ako na para bang binibiro niya lang ako. But he looked serious. Nakagat ko ang labi. "Allan, alam mong may asawa at pamilya ako."

His shoulders fell. And he looked down. "I know..." mahina niyang sagot.

While I sighed. "Mahal ko ang pamilya ko."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Do you love your husband?"

My eyes widened a fraction. "Of course." Walang pagdadalawang-isip ko naman na sagot.

He let out a slow sigh. "All right..." he said.

I don't know what he was expecting. Pero sana ngayon ay lalo nang malinaw sa kaniya na pamilyado akong tao at hindi ko talaga masusuklian ang pagtingin niya.

Tiningnan ko siya nang bumalik na siya sa lift at nawala na doon sa basement parking ng building nila. I also turned my back after. At natigilan din ako at nagulat nang makita ko si Hale doon! Na nakatayo na rin sa harapan ko ngayon.

"Hale..."

Our Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon