34

4.4K 221 12
                                    

This story was Completed on Patreon and Patrons Facebook group. To join with 150 PHP monthly membership just please message my Facebook Author profile Rej Martinez. Thank you for your support!

Chapter 34

Grave

"I'm really very sorry about my sister, Liz..." Aria weakly said to me.

"Don't worry, I'll let Kuya Andrius and our parents know about this." She assured me. And also told me that Andreah listens to their brother, Andrius. Kaya baka tumigil na rin ito. And I hope so, too.

"Liz," She held my hand. "Sisiguraduhin ko na hindi na kayo ni Hale guguluhin pa ng kapatid ko. I'm really sorry for all the trouble."

Umiling na ako kay Aria. Sobrang guilty niya para sa kapatid. "It's all right, Aria... Tingin ko ay mabuti rin talaga na nandito ka ngayon. At nalaman mo..." I gave her a small smile.

Umiling din siya. "Hindi namin alam ng pamilya ko na gumagawa na pala ng ganitong bagay si Ate Andreah... But I assure you that we will do something about it..." She looked worried.

Kahit ako rin naman ang maging kapatid ni Andreah ay mag-aalala rin ako. So I understand Aria... I gave her a reassuring smile this time. "Hindi maganda ang gawain niya...at alam kong makakatulong ang pamilya ninyo sa kaniya. Hindi pa huli ang lahat, Aria. Kailangan lang na may gumabay sa kaniya at ma realized niya na hindi tama ang ginawa niya..."

Aria nodded.

Pagkatapos ay nagpaalam na rin siya sa akin para sumunod na rin sa sasakyan ng Kuya Andrius niya na siyang sumundo sa kanila ni Andreah dito sa restaurant na pinagkitaan namin nang tawagan ito ni Aria kanina. Nasa sasakyan na rin nila si Andreah.

I sighed.

And then I went home too after that.

Hinintay ko lang na makauwi si Hale at makakain muna kami ng dinner ng mga bata. At nang mapag-isa na kami ni Hale sa kwarto namin ay kinausap ko na rin siya tungkol kay Andreah.

"Hale, alam kong nag-usap na tayo ng tungkol sa kay Andreah..."

Nagkatinginan kami. "Liz..."

Maagap naman ang pag-iling ko sa kaniya. "I just want you to talk to her, too, Hale. I think it's best to finally close what's in between you..."

"We're done a long time ago, Liz."

Umiling ako. "I mean, baka para sa 'yo matagal nang tapos, Hale, pero para kay Andreah, maaring hindi pa..."

Hale looked away.

Pagkatapos ay sinabi ko na lang din sa kaniya ang iba pang mga nasa isip ko. All at once. So that we can move on after this. "Baka kasi...may pinangako ka pala sa kaniya noon? O mga nabitiwang salita, which she still holds on to..."

Hale shook his head. Hindi rin siya makatingin sa akin. Siguro ay nahihiya pa rin talaga sa past actions niya. But for me it's in the past now. I have accepted it already. "Malinaw ang kung ano ang mayroon kami noon, Liz. And she agreed to it. She knew that I was married... At galing pa sa kaniya na ayos lang iyon... That it won't affect anything... Because it's just all..."

"Sex?"

Tumingin sa akin si Hale. He sighed heavily.

Bahagya naman akong napangiti... And then I nodded my head.

"But I didn't promise her anything, Liz. Believe me. I never did."

Muli lang akong tumango. "Pero hindi pa rin tama ang ginawa ninyo pareho ni Andreah, Hale. Siya na pumatol pa rin sa may asawa na, at ikaw na nambabae pa rin kahit may asawa ka na. At ang pinakanaapektuhan at nasaktan sa nagawa ninyo ay si Faye..."

Our Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon