38

4.4K 219 10
                                    

Join my Patrons now to read more chapters of my ongoing stories! And read first stories that are not yet published here in Wattpad. :) To join message my Facebook Author profile Rej Martinez. Thank you for the support!

Chapter 38

Father

"Papa..."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. I visited him in prison. Sinamahan ako ni Hale pero hiniling ko sa kaniya na ako lang muna mag-isa ang haharap kay Papa.

"Lizette..." he called.

Siguro ay dala lang din ng pagbubuntis ko kaya parang nagiging emosyonal din ako ngayon habang kaharap si Papa. Umupo ako doon sa harap niya at sa gitna namin ay ang mesa. Nilapag ko rin doon ang pagkain na dala ko para sa kaniya. "K-Kumain na po ba kayo, Papa?" I asked him.

Nagkatinginan kami. Marahan siyang umiling. Anong oras na... Hindi pa ba siya dinadalaw nina Tita Olga? "Kung ganoon po...may dala rin po akong pagkain para sa inyo. Pwede po kayong kumain na muna..."

Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa labi ni Papa. "Salamat, anak..."

Bahagya akong natigilan at parang may mainit na kamay ang humawak sa puso ko... Nanatili ang tingin ko kay Papa habang inabala na niya ang sarili sa mga pagkaing dala ko. Mukhang lumiit o pumayat din siya kung ikukumpara sa huling nakita ko siya...

Tinulungan ko na rin si Papa sa paglabas at pag-ayos doon ng mga pagkain para makakain na siya.

"Ikaw ba ang nagluto nito?" He smiled. And his smile looked genuine despite the wrinkles that are now showing at the sides of his eyes. And despite looking exhausted, too...

Tumango ako. Nagluluto sina Manang kanina sa bahay nang maisipan kong ipagluluto ko na si Papa. Kaya luto ko rin itong mga dinala kong pagkain ngayon dito sa kaniya.

"Kumusta po kayo dito, Papa? Maayos naman po ba ang trato nila dito sa inyo..." I knew that life in prison isn't all right. Expected na rin siguro natin iyon. And it made me worried too for my father.

Ngumiti lang si Papa sa akin. "Ayos lang ako dito, Liz." He gave me a reassuring smile.

Unti-unti na lang din akong tumango and let him eat his food.

"Hale, can you please help make sure that my father will just be all right while he's in prison?" Nasa loob na kami ng sasakyan ni Hale at pauwi na galing sa pagbisita kay Papa nang hingin ko ito sa kaniya.

And my husband just agreed and promised that my father will be fine while he's still in prison. I smiled and was grateful for his kindness to me and my family...

"Thank you, Hale."

Mula sa pagmamaneho ay sinulyapan niya ako at nginitian. "Anything for my pregnant wife..." He smiled.

Napatawa na lang din ako. Nagiging demanding din kasi ako sa asawa ko lalo at naglilihi na at kung ano ano'ng pagkain ang hinahanap ko at gustong kainin. And Hale was just ever patient with me.

Pagkatapos ay pinuntahan ko rin sina Tita Olga. Wala na sila sa dating mansyon ng mga Chavez dahil naibenta na rin iyon dagdag pambayad ng mga utang ng pamilya. They just now lives in a humble apartment. Walang trabaho si Tita Olga but Ella started working for herself and her mother. Pinatuloy naman ako ni Tita Olga sa tirahan nila.

"Kumusta po kayo, tita..."

She sighed heavily. "Wala si Ella rito at nasa trabaho pa." aniya lang.

"Saan po pala nagtatrabaho si Ella?"

"Nag-a-assistant siya ng isang kilalang designer..."

Tumango ako. Mabuting trabaho na rin iyon. And when I thought that my half-sister was just all about shopping before, mahilig din pala siya sa fashion at pagdedisenyo ng mga gowns... I can only hope and pray that she'll succeed in life, too. Hindi pa naman huli ang lahat para magbago...

Our Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon