"Patawad po, lady Cremesia. Hindi ko po sinasadya!!" Inis na inis ang makikita sa mukha ko, nasabuyan kasi nang juice ang aking mamahaling damit. Nasa cafeteria kami ngayon binabalak ko sanang kumain nang tahimik pero muka talaga nilalapitan ako nang kamalasan. Hindi ako naka uniform ngayon naksuot ako nang bago kong biling damit kaka-shopping ko lang kasi at tingnan mo nga naman kung ano ang nang yari. Aggg... B*tch."Alam mo ba kung gaano ka expanded ang bili ko sa damit na binuhusan mo lang." lito ang matang tumingin siya sakin. Pansin ko din ang mga pigil na tawa nang mga tao sa paligid namin. Sinamaan ko sila nang tingin.
"Anong nakakatawa?!!" nanggalaiti kong tanong,natahimik naman silang lahat at nagpatuloy sa pagkain nila.
Matalim naman ang binigay ko na tingin sa babaeng nakabuhos nang juice sa damit ko. This loser...
"Pa-paumanhin po, lady Cremesia ngunit.... Ba-baka expensive ang nais mo pong sabihin." mas lalo naman akong nainis sa sinabi niya. Ang kapal naman nang babaeng to para itama ako.
"Parehas lang iyon." nanginig siya sa takot sa matalim kong sigaw sakanya.
"Ngayon bayaran mo ang damit na binuhusan mo nang putang*nang juice na yan."
"Ng-ngunit lady Cremesia, hindi ko po sinasadya ang nangyari, Patawad po. Lalabhan ko na lamang po,please pawarin mo po ako."
"Ang kapal naman nang mukha mo para sabihing lalabhan mo ang damit ko. Edi naging basura na ito katulad mo na amoy basura. "
Nakita ko naman ang pagkuyom nang kamay niya, huh!Alam kong hindi niya kayang sumagot sa pamamahiya ko sa kanya. Tss.. Basura nga naman. Dapat malaman nila kung sino ang binabangga nila, anak ako nang Duke nang bansang ito kaya dapat lamang akong respetuhin at yukuan nang lahat."Pwede ko namang palampasin ang ginawa mo ngayon ngunit meron akong dalawang kondisyon." nabuhayan naman ang mga mata niyang tumingin sakin ngunit napayuko din agad. Napagtanto niya sigurong ayoko nang tinitingnan sa mukha.
"A-ano po, lady Cremesia? Sabihin mo po at gagawin ko." natawa naman ako nang konti, excited lang.
"Eto lang naman..." dalawang lagapak nang sampal ang binigay ko sa kanya, kaliwa at kanan. Nagulat siya sa ginawa ko, napasinghap naman ang lahat sa nakita nila...
"Syempre kulang pa iyang kabayaran. Ang sampal na binigay ko sayo ay ang una kong kondisyon ang pangalawa naman gusto kong lumuhod ka at halikan mo ang paa ko. Or kung ayaw mo naman yung inaapakan ko ngayon. Pwede rin." Nagulat siya sa sinabi ko ganun din ang mga nakarinig sa paligid namin. Tinaasan ko naman siya nang kilay. Nilagay ko sa dibdib ko ang dalawa kong kamay...
" Ano pang hinihintay mo gawin mo na, nais mong patawarin kita hindi ba? Patatawarin lang kita kung susundin mo ang gusto ko."
Napangisi ako nang nagsisimula na siyang lumuhod sa harapan ko....Hmm...aww. Ang mga tulad niyo mas mababa sakin dapat lang na sambahin ako.
Malapit niya na sanang halikan ang paa ko ngunit..." What the hell!? Lady Cremesia. Ano na naman ang iyong ginagawa?" tingnan mo nga naman andito na naman ang pakialamera nang buhay ko. Primrose and Janet...
Napairap ako dahil tinutulungan na nilang tumayo ang babae.
"At kayo naman bakit kayo nakikialam sa pinaggagawa ko?" matalim ang tingin ko sa kanila ganon din naman sila sakin...
"You are insane, lady Cremesia.. Nabuhusan lang nang juice ang damit mo pinapalaki mo na. Sinampal mo na nga siya nang dalawang beses papaluhurin mo pa ang mas mabigat pa ipapahalik mo sa paa. Ano ka diyos? How dare you do that to her?!" umirap lang ako sa kanya. She's Janet isa sa pakialamera nang buhay ko. Mas lalo naman akong Napairap nang makita si Primrose tinatanong na yung babae kung okay lang ba siya. Tumango lang naman ito.
" So what? Napakamahal nang off shoulder na dress ko tapos bubuhusan niya lang nang tubig. Kung hindi ba naman siya tanga at hindi tumitingin sa dinadaanan niya. Malas niya dahil ako ang Nabuhusan niya." mas lalo naman tumalim ang tingin sakin ni Janet sa sinabi ko. Inirapan ko lang siya.
" You are really a bitch, Cremesia. You don't deserve a respect from us. "Matalim na sabi niya at umalis kasama sina Primrose at yung babaeng basura. Tsss... Pare-parehas silang basura.
" Lady Cremesia? Ano pa ang iyong tinitingnan jan? Magsisimula na po ang meeting. " nagulat ako sa tanong ni Esperanza sakin. Nakatingin silang lahat sakin, napansin ko naman ang pasimpleng irap ni Janet sakin. Tss...what the h*ck that memories I have right now is from Cremesia. Napakasama nga talaga niyang babae. Mapagmataas.
Tiningnan ko ang mga royalties kompleto ang lahat. Hindi pala wala dito ang tinakdang prinsipe.
Ang nandito lang si Primrose anak ng marques, At Janet na anak ng Conde. Nandirito rin ang male leads, dahil sa anak ng baron si Daniel Croydon at siya din ang students Council president kaya napasama siya sa royalties, ako lang naman ang hindi naging royalty kahit na anak ako nang Duke di siguro nila makaya ang ugali ko. Hayynako, Cremesia..... Andito ang lahat pati sina kuya ko.
Pero
ang second lead lang ang wala. Ang itinakdang prinsipe."Hey lil'sis, come here dito ka maupo sa tabi ko." ngumiti ako kay kuya Alex at pumunta sakanya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero ang ganda nang kwarto nila, para itong penthouse na may iba't ibang kwarto. It has a chandelier too.. Mga antique na vase, and it's shining... Kung sa labas ay ordinaryong pinto lang pagkapasok mo ay hindi ka makakapaniwala sa ganda nito.
There' are seven royalties pero marami parin ang bakanteng kwarto dito. At kapansin-pansin din ang ang kwarto na may gintong pintuan, nakakahiyang hawakan dahil sa ganda nito ito ang bukod tanging mapapansin mo dahil bukod sa maganda nitong disenyong dragon, mararamdaman mo din ang aura nito na walang pwedeng pumasok kung hindi karadapat lamang at nagmamay-ari sa kwartong ito.
"That's the imperial Prince's room, lil'sis." napasinghap naman ako sa sinabi ni kuya Alex. Oo nga naman hindi pwedeng ordinaryo lamang na kwarto ang ibibigay sa prinsipe dapat talagang maayos ito, dahil insulto sa Imperial Palace kung hindi maayos ang pag patuloy nang Royale Academy sa prinsipe.
At ang isang dahilan kaya pinangalanang Royale Academy ang Academy dahil ang mga Ministro ang nag mamay - ari nito. Yes, may mga prime minister din dito sa mundong ito. Ibig sabihin ng Royale Academy tanging mga nobles at Royal blood lamang ang pwedeng mag aral at pumasok dito ngunit hindi rin pinag babawalang pumasok ang mga hindi dugong bughaw tulad ni Esperanza alam ko na kapatid ko siya sa ama ngunit nakapasok siya dito dahil sa anking talino niya. Ibig sabihin kung may talino at husay ka pwede kang mag aral dito ngunit yon ay kung may imbitasyon ka galing sa Academy.
Ang mga Prime minister at ministers sila ang tagapayo ng mga mataas tulad ng emperor, Duke at iba pang nobles.
Hindi pwedeng mag desisyon ang emperor at iba kung hindi ito alam ng mga ministers. Ang mga Ministro din ang nagsasabi na kung kailan kailangan nang magpakasal nang isang noble.
Halimbawa na lamang ang tinakdang prinsipe may karapatan siyang pumili nang mapapangasawa niya ngunit dapat malaman at makilala muna ito nang mga ministers kung ang babaeng napili nang itinakdang prinsipe ay wala sa noble lady hindi ito maaring maging empress, ngunit maari niya itong gawing concubine iyon kung nakahanap na ang mga Ministro na maging empress nang tinakdang prinsipe.
Kaya naman kung ikaw ang babaeng nais nang prinsipe wala kang magagawa kung hindi sumang ayon ang mga Ministro, ganon kalupit ang pagmamahal dito sa kwentong ito.
______
Hanggang diyan na lang muna ipapakila ko na lang sa susunod na CHAPTER ang mga royalties...Thank you for reading.
Please vote:)
BINABASA MO ANG
Beauty In The Dark [COMPLETED]
FantasyWarning! Grammatical error. Not yet edited. When you died and woke up in the body of Villain name Cremesia Harvestra. Cremesia a spoiled daughter of duke. Nagising ka sa isang bagong mundo na hindi mo inaasahan mapupuntahan dahil lamang sa pagtulon...