CHAPTER 15

4.8K 156 0
                                    


"Esperanza Mosque ang bidang babae sa beauty in the dark. Lumaki siya bilang anak ng commoner, sa kabila nang mahirap na buhay kontento siya sa lahat ng meron siya. Kompleto ang kanyang pamilya. Ang kanyang ama na si Caiser Mosque ay itunuring siya bilang tunay nitong kadugo, hindi niya alam na hindi niya tunay na ama ang kanyang kinalakihan ngunit kahit ganon paman malapit siya sa kanyang ama at nakababatang kapatid na lalaki. "

" Ang kanyang ina na si Elenna Mosque ay talagang mahal na mahal niya. Masaya silang mamuhay bilang mahirap na mamayan. Kontento si Esperanza sa kanyang kinalakihan dahil kahit mahirap sila lahat ng ninanais niya ay nakukuha niya, ang kanyang ama ay nagtatrabaho bilang kawal sa Imperial Palace umuuwi ito kapag gabi, hindi gaano kataas ang ranggo ng kanyang ama ngunit kahit ganon sapat na ang gintong sweldo nito para sa kanilang pamumuhay."

" Nagbebenta naman sa bayan ang kanyang ina ng mga ulam at kakanin, simple lang ang pangarap ni Esperanza ang maahon ang kaniyang pamilya sa hirap, nais niya ring mapatayuan ng Restaurant ang kaniyang ina. Pinangako niya sa kanyang ina na balang araw magiging maayos din ang kanilang buhay. "

" Talagang napaka bait ni Esperanza. Hindi siya kailanman nag nais maging sakim, ang pamilya niya ang mahalaga sa lahat para sa kanya. "

"Sobrang saya ng kaniyang pamilya nang malaman na inimbitahan siya ng Royale Academy para mag aral dito kahit na alam niya purong mga mayayaman ang mga mag aaral pilit siyang nakibagay para sa pamilya niya. Kahit na minsan na lang ang pagkikita nila ng pamilya niya masaya parin siya dahil alam niya balang araw matutupad niya na ang pinangako niya sa kanyang ina at ama. "

" Wala sa plano niya ang magkaroon ng lalaking mamahalin, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil nakilala niya si Hendrizson na anak ng isang konde, ganun lang din ang kaniyang gulat ng malaman niyang isang itinakdang prinsipe pala ang natulungan niya ng may binili siya sa bayan ng Harvestra dukedom, si Prinsipe Zyphyrian ang tagapagmana ng trono, ang susunod na emperor. "

" Madami siyang naging kaibigan sa Academy masaya siyang magkaroon ng mga kaibigan sa kabila ng pagiging commoner niya."

"Ngunit gaano man siya kasaya meron parin taong maiinggit sa kanya, at yun ay si Lady Cremesia anak ng isang Duke pumapangalawa sa Emperor."

" Nasubok din siya ng tadhana ng malaman niyang iniibig siya ng tatlong lalaki, maraming naiinggit sa kanya mas lalo na si Lady Cremesia. Araw araw siya nitong pinapahirapan at hangga't maari wala siyang pinagsasabihan sa pinaggagawa sa kanya ni Lady Cremesia kasama ang mga istudyanteng naiinggit sa kanya. Ika nga nila walang sekreto na hindi nabubunyag nalaman nina Hendrizson ang pinaggagawa ni Cremesia sa kanya, dahil nga sa babae si Cremesia nais niyang hayaan na lamang."

" Hanggang sa isang araw nalaman na lamang niya na mag kapatid pala silang dalawa ni Cremesia, sobrang laki ng rebelasyon ang nalaman niya. Napansin niya din na mas lalong nagalit sa kanya si Cremesia."

"Ginagawa niya ang lahat para makasundo ito ngunit talagang napakatigas ng puso nito. Ginagawa niya din ang lahat para maging maayos na si Cremesia at ang kanilang ama pati narin ang kanilang mga kuya, ngunit palaging nagiging masama ang kinahihinatnan ng plano niya. "

"Kaya ang akala ni Cremesia Ginagawa niya ang bagay na yon para ipamukha dito na mas matimbang siya kesa dito.
Lubha din siyang nasaktan nang marinig niya ang lahat ng hinanakit nito, wala ang mga paghihirap na dinanas niya dito kesa sa dinanas nito. Masaya siyang lumaki na buo ang pamilya samatalang ito lumaki na hindi naramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya. "

"Nabigla siyang malaman nang isang araw pagkatapos nitong aminin ang sakit na nararamdaman, uminom ito nang lason  at nagpakamatay. Happy ending man ang naging buhay niya labis parin ang pagsisisi niya sa nangyari sa ate niya, isang taon ang tanda ni Cremesia sa kanya. Labis ang kanyang pagsisisi dahil hindi niya manlang naparamdam dito kung gaano ito kahalaga sa kanya. "

Beauty In The Dark [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon