Tuwang-tuwa ang mga bata at kanilang mga pamilya sa mga binigay naming pagkain at tinapay sa kanila lalo na ang mga bata dahil sa mga bago nilang damit. Nakikita kong madumi at punit-punit na ang mga damit na gamit nila kaya naisipan ko talagang bigyan sila ng bago.
"Maraming-maraming salamat po, lady Cremesia. Hindi po namin akalain na mayroon kayong giniuntuang puso. Ipagpaumanhin niyo po, binibini. Ang sabi po nila ay napakasama mo pong binibini, young lady." natawa ako dahil nahihiya siyang tumingin sakin dahil sa mga sinasabi niya. Isa siya sa mga ina ng mga bata ng binibigyan namin.
" Kung ganon po ay tama po ang balitang nasagap niyo. Masama po talaga akong binibini." sabi ko naman sabay ng mapag halinang ngiti.
"Naku po. Hindi ko po sinasadyang sabihin iyon, aming binibini patawarin mo po ako. Dapat po akong maparusahan. Paumanhin, lady Cremesia." tinayo ko siya galing sa pagluhod sa paanan ko. Ayaw ko nang niluluhuran hindi naman kasi ako diyos.
"Hindi mo kailangang lumuhod, inang Aida. Dahil sa aking palagay ay tama naman ang iyong sinabi." may ngiti kong sabi sa kanya habang hawak ang dalawang balikat niya. Namuo naman ang luha sa mga mata niya.
"Ngunit sa aking palagay, young lady hindi ka masama meron kang puso na ginintuan. Ang pag hawak mo pa lang sakin na walang bahid na pandidiri ay napakalaking kahihiyan para sakin dahil sa mga masasamang sinabi ko sayo."
"Inang Aida. Ako po ay Isa lamang sa nilikha nang ating maykapal kaya sino po ako para pandirihan ka." my expression became soft dahil naiyak na siya ng tuluyan sa mga sinabi ko sa kanya.
"Kung ganon, young lady hayaan mo'po kaming magbigay galang sa iyong magkapatid, aming binibini." napangiti naman ako dahil doon.
"Oo naman. Sino naman ako para hindi tanggapin ang pagbibigay galang ng aming mga nasasakupan."
Nagtipon-tipon silang lahat sa aming harapan. Bata, matanda, lahat sila na may mga ngiti sa labi at tuwa sa mga mata.
Tumingin ako sa dalawa kong kuya, nakita ko naman ang saya sa mga mata nila. Si miya ang galak na makikita mo sa kanya. At kay Hendrizson ang bida sa kwentong ito na ngayon ay nakatingin sakin ng may paghanga."KAMI NA MGA NASASAKUPAN NG MAMAYANAN NG HARVESTRA NGAYON AY NAGBIBIGAY GALANG SA ANAK NG AMING DUKE. KAMI AY NANGANGAKO NA PAGLILINGKURAN SILA SA HIRAP AT MAGPAKAILAN MAN."
Naririnig mo ba yon, Cremesia. Niyuyukuan ka nang iyong mga mamayanan, ito ang gusto mo diba ang mahalin ka nang lahat Kung ganun nakuha mo na, Cremesia. Hiling ko na lumigaya kana kung nasaan ka man ngayon.
Nakangiti ko silang pinagmasdan lahat, nakikita ko ang mga luha ng kasiyahan sa mga mata nila. Ganito pala yong pakiramadam na mahal ka nang lahat. Ang sarap namang maramdaman, gagawin ko ang lahat upang manatili itong ganito. Hindi ko hahayaang may sumira sa mga pinaghirapan kong buoin.
"KAmahalan? Ano naman ang pinapanood mo?" tanong ng aking kanang kamay na si Hasim.
"Hasim, nakikita mo ba siya? Isa siyang binibini na nararapat lamang yukuan." may mga paghangang sambit ko.
Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang babaeng naagaw ng aking pansin. Simula nang magtagpo at magbangga kaming dalawa hindi ko na magawang mapakali. Nais kong kilalanin siya nang lubusan. Ang akala ko noon ay isa lamang siyang may mababang katungkulan dahil nakasuot siya noon nang pang alalay na damit Ngunit ngayon ko lang napag alaman na siya pala ay anak ng duke ng harvestra.
Cremesia Selene Harvestra. Ang kanyang pangalan. Nababagay lamang sa kanya. Tulad ng buwan napaka ganda niyang tanawin. May ngiti sa labi akong tumingin kay Hasim may gulat sa mga mata nito dahil sa nakita niyang muli ang mga ngiti sa aking labi.
"Kamahalan..."
Cremesia nais pakitang makilala. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking binibini.
"I'm so tired...."
Naghihikab nako pagkarating namin sa bungad ng pintuan ng aming palasyo. Yes, amin. Syempre anak ako ng duke eh.Gabi na kami na kauwi at yung si Drizson ayun pinagtabuyan ko na. Di joke lang, umuwi na siya pinauna na ni kuya apex gabi na din kasi.
Pagkapasok namin sa dining room nakaupo si papa at ang kanyang kape habang nagbabasa ng isang dokyumento na hindi ko alam kung ano."Good evening, papa." masyang bati ko sa kanya, at hinalikan siya sa pisngi nabigla siya sa ginawa ko. Ngunit ngumiti din kalaunan.
"Good evening to you too, my princess. Kamusta naman ang pamamasyal nang aking prinsesa?"
"It was amazing, papa. Nag mall kami at nanood ng palaro sa bayan." excited kong kwento sa kanya. May palaro din kasi nangyari kanina kaya sabi ko kina kuya manood muna kami bago umuwi.
Nakita ko naman ang galak sa mga mata ni ama habang nakikinig sa mga kwento ko. Nakaupo na sa kabilang mesa sina kuya Alex habang ako sa kanan ni papa. Masaya kong kinuwento kay papa ang lahat ng nangyari ngayon."That's good to know, you enjoyed with your brothers." nangingiting sabi niya habang hinihimas ang mga mahaba kong buhok.
"Of course, pa. We don't want to see our lil'sis sad." Nakangiti naman ako sa sinabi ni kuya Alex.
Ah, this is the family I dream for.
"Anyway, I just want you all to know na. You'll going back to academy after tomorrow. I want you two to protect our princess from any harm."
Academy? Ibig sabihin babalik na pala ako sa academy na pinag aaralan ni Cremesia.
Muntik ko nang makalimutan na nag aaral pala si Cremesia sa Royale Academy na pag mamay ari ng Emperor ng mundong ito. Tama. Emperor ang mataas sa mundong ito ang ama ng second lead ng beaty in the dark. Right,second lead lang nga pala ang tinakdang prinsipe. Anak na yan nang emperor pero pinakawalan parin ni Esperanza. Ang pagmamahal nga naman hindi na didiktahan."Princess?"
"Yes, pa?"
"Be safe,okay." napangiti naman ako at tumango sa kanya. Oo, nga pala makalimutan kong galit sakit ang mga students sa Royale Academy. Bully kasi itong si Cremesia eh. Kaya talagang patay ako pagpasok ko.
I'm taking a bath right now and thinking of what will happen sa pagpasok ko sa Royale Academy.
__________
BINABASA MO ANG
Beauty In The Dark [COMPLETED]
FantasíaWarning! Grammatical error. Not yet edited. When you died and woke up in the body of Villain name Cremesia Harvestra. Cremesia a spoiled daughter of duke. Nagising ka sa isang bagong mundo na hindi mo inaasahan mapupuntahan dahil lamang sa pagtulon...