"Best?... Gising na jan. Masyado nang napatagal tulog mo dyan. Hindi ka ba nagsasawa sa amoy ng hospital? Ako kasi ayoko nang nakikita kita dito nakaratay sa kama ng hospital na ito. Gising na please.."
who's that? Where am I? Bakit puro puti ang nasa paligid. Nasaan si Zee? Si Papa? Sina kuya ko? Ang mga kaibigan ko?
" Help please. Ayoko dito. "
" Hoy, babaita ka.. Gumising ka na jan.. Mag aanim na buwan ka nang tulog. Masyado ng matagal ang tulog mo jan. Miss ka na namin kaya gumising kana jan oh. Si Hailey 'to ang maganda mong best friend. Kaya gising na jan."
Hailey? Huh... Anong ibig niyong sabihin. No. Patay na' ko. Kaya imposible na naririnig ko ang boses nila ngayon.
Natutulog ba'ko? Anong sinasabi niyo jan?Hailey?Lorry?anjan ka ba? Naririnig niyo ba'ko?
" Lorry? Did you see that? Gumalaw ang kamay niya?" narinig ko ang boses ni Hailey ulit, kinakausap niya si Lorry.
"Best?Naririnig mo ba'ko? Si Lorry 'to, best." kumunot ang noo ko, ano ba ang nangyayari.
Naguguluhan ako, natutulog ba' ko? Patay na ako, di ba?. Si Zee? Sinagot ko na siya. Hindi pa nga nagsisimula ang kwento naming dalawa. Tapos matatapos na agad.
"Bess...!" tiningnan ko si Lorry nang walang reaksyon. It's been 3 days, nang na gising ako galing sa pagka-coma ko.
Ang kwento ni Lorry sakin at Hailey may nakakita daw sakin na lalaki at dinala ako dito sa hospital pero hindi nila naabutan ang lalaki.
Ang sabi ng doctor sa kanila napalakas ang pagka bagok ng ulo ko at tatlong saksak ang nangyari sakin. Isa sa paa at balikat ko. At ang huling saksak sakin ay sa tagiliran mabuti na lamang daw ay hindi umabot sa liver ko ang saksak.
Madaming dugo ang mawala sakin, kaya kinailangan ng blood transfusion. Coincidence daw na mag kapareho kami ng type ng dugo ng lalaking nakakita sakin kaya siya ang naging donor ko.
Tinahi din ang malaking sugat sa ulo ko mabuti na lamang at walang naging critical na surgery nangyari sakin. Ang sabi dahil sa dami ng dugo na mawala din sakin sa ulo, nag lead ito sa pagkacoma ko.
"Your reading that book again? I thought you hate novel." Lorry said. Yes, after ko magising tinanong ko kay Lorry ang naging ending nang librong Beauty in the Dark. Ang sabi niya sakin happy ending pero ang kinagulat ko dahil hindi si Esperanza ang bida ng kwento kundi si Cremesia.
Sinabi ko sa kanya na hihiramin ko ang libro dahil gusto kong mabasa ito. Nawiwierduhan niya akong tiningnan pero hindi niya ako tinanong kung bakit.
Happy ending nga ang naging ending nang kwento. Nagbago ang takbo ng kwento, hindi namatay si Cremesia dahil siya ang naging bida.
Pagkatapos kong magising, nalaman ko na nalaman ng papa ni Cremesia na anak niya si Esperanza. Hindi tulad ng dating kwento ni Lorry sakin na sobrang inggit ang ang naramdaman ni Cremesia. Dahil naging maayos ang pagkatanggap ni Cremesia kay Esperanza. Sa last chapter ng kwento kinasal si Esperanza at Hendrizson. May anak na si Cremesia at Zyphyr. Oo, si Zee ang naging leading man ng kwento. May isa silang anak na lalaki at sobrang kulit nito.
Ang papa ni Cremesia naman ay nag asawa ulit. Hindi na sinabi kung paano niya nakilala ang naging asawa niya. At ang dalawang kuya niya naman ay sweet parin sa kanila, ganon din kay Esperanza. Si Apex ay nanliligaw kay Miya. Tama nga ako dahil meron talaga siyang gusto sa personal maid ko.... I mean ni Cremesia. Wala naman naging nobya pa si Alex. Pinag aaralan niya parin ang pagiging susunod na Duke ng Harvestra.
Cremesia and the other royalties became best friends. Naging magkaibigan sila hanggang sa magka asawa iba.
Walang naging villain sa kwento, wala din namatay. I've really changed the novel.
"Hey, bess? Tulala ka na naman. What's wrong ba? You've been like that after you woke up from the coma." tipid na ngiti ang binigay ko kay Lorry. Nagtataka niya akong nginitian. I don't know kung ano ang dapat kong maramdaman dapat ba kong matuwa dahil nabuhay si Cremesia at nagkaroon siya nang sarili niyang happy ending.
The truth is I can't feel the happiness,. Ako dapat kasi yun eh. Ako dapat ang kasama ni Zee ngayon. Ako dapat ang ina nang anak ni Zee.
Hindi ko namalayan na nagtutuluan na pala ang luha sa mga mata ko.
"Hala, babaita. Bakit ka umiiyak? Wala naman kaming ginawang masama sayo ah.." hindi mapakaling sabi ni Hailey. Ganun din si Lorry hindi nila alam kung paano ako patahanin dahil napakalakas na ang hagulgol ko.
Hinimas at nilukumos ko ang dibdib ko sa sakit. Naramdaman ko ang paghimas ni Hailey sa likod ko.
"Bess, tama na wag ka na umiyak sorry kung may nasabi man akong mali. Please hindi kami sanay na makita kang umiyak nang ganito." pag aalo ni Lorry sakin patuloy parin ang paghimas ni Hailey sa likod. Napasinok ako. Hailey, Lorry sorry I'm trying to stop my tears but I can't. Hindi ko alam pero ang hapdi at sakin ng nararamdaman ko ngayon.
" Babaita please. Wag ka na umiyak hindi ka pa namin nakitang umiyak ng ganito." kinakabahan na sabi sakin ni Hailey.
"My heart. It's hurt.."
"Bakit? Anong masakit? Saan masakit? Dito ba banda?" hinawakan ni Lorry ang kamay ko na mahigpit na nakalukumos sa hospital gown ko sa banda kung saan ang dibdib ko.
"I should call a doctor. Wait."
"Yes please, Hailey." Lorry said to Hailey.
Naramdaman kong inalis ni Hailey ang kamay niya sa likod ko, hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan. Umiling ako sa kanya naguguluhan niya akong tiningnan pero napabuntong hininga na lamang siya at umupo sa taas nang kama ko kinuha niya ang ulo ko at nilagay sa parte ng dibdib niya.
Mas lalo akong napahagulgol sa ginawa niya. Naramdaman ko naman ang kamay ni Lorry sa likod ko hinimas niya ako doon tulad ng pagkahimas ni Hailey kanina sakin."Shhhh.. Stop crying please." sabay nilang pagpatahan sakin.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong umiyak pero ang alam ko nakatulog ako sa dibdib ni Hailey sa kakaiyak.
I'm hurting but I'm still thankful because I still have them both.
"Zee, if I just knew that our love story became like this. Maybe..... maybe I didn't waisted the time when we're still together. "
" I wish could see you again. I'm sorry 'cause I' ve left you without you knowing it. "
___________
Enjoy:)Thank you for reading and voting. I appreciate it a lot guys. Love you all.. :)
BINABASA MO ANG
Beauty In The Dark [COMPLETED]
FantasyWarning! Grammatical error. Not yet edited. When you died and woke up in the body of Villain name Cremesia Harvestra. Cremesia a spoiled daughter of duke. Nagising ka sa isang bagong mundo na hindi mo inaasahan mapupuntahan dahil lamang sa pagtulon...