CHAPTER 18

4.9K 180 3
                                    


Bukas na ang Halloween, pero hindi parin ako maka get over sa nangyari ng isang araw.

What's happening? May nag bago ba sa kwento? Bakit ako ang nilalandi ni Prince Zyphyr o baka nag aasume lang ako. Pero sino nga ba ang hindi mag iisip nang ganito kung yung panyo na ginamit niya ay ginamit niya din sa sarili niya.

Ang akala ko rest day na namin ngayon pero I think mas lalo ata akong naiistress sa nangyayari.

Hindi ganito ang kwento. Nabago ko ba? O nabago dahil pinili kong hindi maging villain ng book.

The Prince. He's an epitome of Greek god for me. Ang gwapo niya sa malapitan o malayuan. Kahit 'nung nasa cover palang sila ng libro siya na ang una kong napansin.
Sino nga ba ang hindi, mata pa lang nakakatunaw na.

Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kawalan. Yesterday Afternoon 4 pm exactly kami natapos. Kaya maaga rin kami nakapagpahinga.

Sa sobrang walang pakialam ko sa kwento at sa bida ng librong ito hindi ko na napapansin kung ano na ang nangyayari sakanila.

Wala siya kahapon...

Shit. What am I thinking? Ano ba, Cremesia. Stop thinking about him. Isa siyang character sa librong ito kaya hindi mo siya pwedeng magustuhan...

What!?Anong magustuhan? Sinabi ko ba yon? Impossible. Hindi ako basta-basta nagkakagusto sa bago ko palang nakilala at character pa talaga ng isang kwento. Nababaliw na'ko.

Natatawa akong bumangon sa kama ko. Sana'y nakong mag isa kaya hindi ko nafe-feel na  ma-bored kahit mag isa ako dito sa dorm ko. Mas gusto ko ng tahimik hindi magulo.

May tao?

Someone's door belling. Sino kaya yun wala naman akong inaasahan na bisita ngayon ah.

The hell a bunny. No, a mascot bunny. Nagtatakang tiningnan ko siya. Meron palang mascot dito. Akala ko ba wala masyadong technology sa librong ginawa ng author na yun.

Napataas ang kilay ko dahil nagsesensyas siya na tumabi ako?Tinuro ko ang sarili ko tumango siya kaya tumabi ako sa pintuan.

Wait?! What the... Anong karapatan ng bunny na to pumasok sa dorm ko. Hiwalay ang dorm ng lalaki at babae kaya pinagbabawal talaga ang lalaki pumunta dito sa dorm namin.
Wait. Pinagbabawal? Mascot? Wag mo sabihin......

"Your highn--mmp" The fuck. Nilagay niya ang hintuturo sa labi niya habang ang kabilang kamay niya tumatakpan sa bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Inalis niya ang kamay niya at lumayo sa akin tsaka nag tago sa likod ng pintuan.

Nanliliit ang mata ko dahil may sinasabi siya.

"Close..... the..... door..." inirapan ko siya. Tss..
Sinarado ko ang pinto at ni-lock.

Nakaupo na siya ngayon sa sopa.
Wow... Mukang ako ang namumukhang bisita dito ah. Kasi ako ang naka tayo dito sa tabi ng pinto.

Nakakrus ang braso ko sa dibdib ko. Masama ang tingin ko sa kanya. I don't care if he's a Prince. Basta ang alam ko nasa dorm ko siya ngayon.

"What are you doing here, your highness?" mariing tanong ko sa kanya.

"I just want to see you." nahulog ang panga ko sa bulgar na sagot niya. Speechless na naman ako.

"Come sit here. Beside.. me."

I curled my tongue inside my mouth and slowly sit beside him.

Nangingiti siya sakin.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya ng konti.

"Your the only one who can look at me like that." umirap ako.

"Do you have juice? Or water? I'm thirsty. I can believed I've wore that bunny mascot."

Nakahilot siya sa sintido parang problemadong-problemado. Napangisi ako.

"Yeah, me too.. Sino nga bang makapasabi na ang prinsipe ng bansang ito ay nagsusuot ng nakakatawamg bagay na ito." napakagikgik ako, natawa siya sakin. Akala ko magagalit siya pero hindi.

Nakanguso akong kumuha ng juice at baso.

"I have food there. If you want to eat just tell me."

"No, I'm fine. Your room is big. And sad." you too... Malungkot ka rin. Hindi lang ang dorm ko.

"No, I'm alone. I'm used to being alone."
Nakasandig siya sa puti kong mesa. I can used for my study pero di ko pa magamit dahil di pa ko nakapasok dahil sa Halloween party na to. Nakadiin ang kaliwang kamay niya sa study table ko. I have a study table inside my bedroom too.

Nakasimpleng white t-shirt lang siya at naka trouser pants. Kahit ganon bagay parin sa kanya ang suot niya.

"Where are you yesterday? Hindi kita nakita?" bilang tanong ko.

"Did you miss me?" namula ako sa tanong niya.

"I... I ask first." Nakanguso siyang lumapit at umupo sa tabi ko.

"So you did?"

"No, of course not." mabilis kong sagot. Kahit isang metro ang layo namin sa isa't isa naamoy ko parin ang pabango niya ang bango.

"No?........ I miss you." namimilog ang mata kong tiningnan siya. Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sakin. I feel like melting.

"I.... I....don't believe you." he chuckled. Lumapit siya sakin, umiwas ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko ano mang oras ngayon matutunaw ako.

"But I do. I really do." he huskily said. Napakagat labi ako sa lapit niya. Humigpit ang hawak ko sa sopa at kung saan-saan ang tingin.

Natawa siya. Kahit hindi niya sabihin alam kong pulang-pula na'ko.

"Baby...." anjan na naman ang tawag niya sakin.

"Hey,... Look at me, please..."ang gaan ng boses niya. Para kong hinihele. Unti-unti ko siyang tiningnan. Namumula akong nagbaba ng tingin. Hinawakan niya ang panga ko na parang babasagin. Sobrang lambot ng kamay niya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Nakakalunod ang mga mata niya. Ngumiti siya sakin..... At nahulog ata ang puso ko.

"I'm here because I want to see you. And....... to ask you if you'll give me a chance to be your partner tomorrow night." napasinghap at namimilog ang mata ko sa tanong niya. Inalis niya na ang kamay niya sa panga ko pero kinuha niya ang kabilang kamay ko at pingsalikop ang kamay namin.

Tumingin ako 'doon. I feel safe. Bagay na bagay ang kamay naming dalawa. Para bang para talaga sa kanya ang kamay ko. At siya talaga ang nararapat na humawak dito. Sinakop nang malalaking kamay niya ang maliliit na kamay ko.

"Our hands perfect for each other....." he softly said and slowly kiss my hand.

Is this true?..
Am I not dreaming?...



______________
Enjoy:)

Beauty In The Dark [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon