CHAPTER 8

5.4K 167 1
                                    


Kasalukuyan kaming naglalakbay nina kuya papunta sa academy. Kinakabahan ako sa pag dating ko sa Academy. I hope everything will be fine.

Sa kabila nang kabang nararamdaman, nalulungkot ako sa mukha ni papa kanina nang pag alis namin.

"My princess, always be fine. If something bad happened tell your brothers, alright. At ang mas mahalaga sa lahat sulatan mo ang papa, okay?"

"Yes, papa. Always take care of yourself too." nakangiting paalam ko kay papa, nauna na sina kuya Alex sakin sa labas at dinala na ang mga bagahe namin para dalhin sa Academy.

Namangha ako sa nakitang labas nang Royale Academy.
So this is the academy where Cremesia enrolled huh.

" Princess? Hindi ka ba lalabas?" napatingin ako kina kuya Alex, nasa labas na pala sila?

"Oh my god!!! Sina Prince Alexis at Prince Apexxxxxx"

Sumakit ata ang tenga ko sa boses na yon, ang tinis ah.

"Hindi ba si Prinsesa Cremesia yan?"

"Yes, she is. Bakit niya kasama Sina Prince Alex at Prince Apex?"

"Of course because they're siblings."

"Pero hindi rin....kasi diba hindi sila close na magkakapatid? Hindi sila kailanman nag kasama sa sasakyan."

"Yes, that's true. I just realized it now."

"Kaya nga. How come na mag kasama sila now?"

Grabeng tsismis naman yan. Rinig na rinig ah. Ang mga marites talaga hindi nawawala sa paligid.
Hmm.. And they're calling my kuyas princes. Tinatawag din nila akong princess. So ibig sabihin kapag mataas pala ang katungkulan mo, you are called princess huh.

Oo nga pala. May mga tinatawag na royalty dito sa academy.
Royalty. Sila ang mga matataas ang ranggo dito sa Academy and my brothers are part of the royalty. And me? I think not. Sa kasamaan ba naman ni Cremesia talagang hindi yon belong sa any groups. And I don't think so she has a true friend here.

Dito sa Royale Academy walang mataas o mababa lahat pantay ibig sabihin kahit gaano pa kataas ang katungkulan ng pamilya mo sa labas walang halaga yon dito. Pero dahil may mga students na humahanga kina kuya dahil sa bukod sa anak sila ng maharlika, meron din silang maipapagmamalaki physically. That's why they're being respected here.

And Cremesia nope. Hindi siya nirerespeto dito pero dahil ginagamit niya ang kapangyarihan meron ang pamilya niya nagagawa niya ang lahat. Walang nagsusumbong dahil malalagot din sila.

Ang alam ko, isa sa kinagalit ni Cremesia dahil simula nang nag transfer si Esperanza sa Academy napabilang na siya agad sa royalty dahil nakilala nito Sina ladpy primrose and lady Janet, and this two ladies are one of the royalties here in academy. Nakapasok si Esperanza sa Academy dahil nakakuha siya nang full scholarship, Esperanza is very smart that's why.

Nung araw na nalaman nang  papa ni Cremesia na anak niya si Esperanza dahil sa mga mata nitong kakulay ng mata namin. Our family has the rarest eyes and of course the royal one. The Emperor I mean. Sa pagkakatanda ko iba rin ang kulay ng mata ng emperor at ganon din ang itinakdang prinsipe.

"Princess, mauuna na kami sayo. Your baggage is now in the dorm, you know where is your dorm right? It's room 162, okay. We have to go to headmaster because we need to report that we are in the academy now."
Tango lang ang sagot ko kina kuya. Napasimangot ako dahil ginulo ni kuya Alex ang buhok tsaka siya tumalikod. Kuya Apex just kissed my head bago sumunod kay kuya Alex. Napanguso lang akong tiningnan ang likod nilang papalayo.

Intense ang tingin ng mga tao dito sa Academy sakin ah. Anyway, maybe I'll got to go dorm na siguro 'cause wala naman akong gagawin dito sa labas.

I'm walking and walking sa plaza nang Academy hindi ko naman alam na ganito kalawak ang Academy, God... I' m gonna die. Pawis na pawis nako. Aish, bakit ba kasi walang magic dito. Yeah, this book is all about romance this is not really a typically fantasy book that your looking for.
I'm sure may important events dito sa Academy na hindi ko na basa. Dito na kasi sa Academy magsisimula ang kwento 'cause I know any moment from now Esperanza will show up.

"Ouch!!" sh*t, that's hurt. Damn, napaupo ako sa damuhan dahil sa lakas ng impact nang pagka bunggo sakin.

"Oh my god, she' s dead. Nabangga niya si Cremesia... Sobra pa naman yan magalit."

"Lagot..."

Aggg.... Mga tsismosa talaga tong mga to.. Ang sakit nang balakang ko. Sino naman kasi tong taong ito na di tumitingin sa dinadaanan niya. Tanga din..

Tumayo ako nang nakangiwi sa sakit. Sh*t. Mukang nasobrahan talaga pagkatumba ko.
Nakangiwi kong tiningnan ang taong nakabangga sakin. Gulat na gulat siya pagkakita sakin. Nakahawak pa nga kamay niya sa bibig niya eh. Nag kalat ang mga librong dala niya sa damuhan.
Hmmm, the girl has this amber eyes color like mine, isa lang naman ang pamilyang may kulay ng matang tulad niya at pamilya ko lang yon at isa lang din ang may babaeng may kulay amber din na mata and it's Espe- what!?? She's Esperanza the female lead.

Gulat na napatingin ako sakanya di ko na ininda ang sakit ng balakang ko. Tiningnan ko siya simula ulo hanggang tuhod, hanggang sa napunta ulit ang tingin ko sa mukha niya. Nakasuot siya ng skirt ng academy tulad ko. Above the knee ang skirt dahil ganon talaga ang uniform dito. She's in her second year like mine too. Fuck. Coincidence lang ba'to o ganito talaga ang naging pagkikita ng female lead na si Esperanza at ako ang bagong villain ng kwentong ito.

Tulad nang sabi ko hindi ko nabasa ang kwento kaya hindi ko alam ang daloy nito.
What should I do? Should I act like a villain? Wait, why would I do that eh hindi naman ako si Cremesia. Ako si Jasmine na napunta sa katawan ni Cremesia. So basically I'm not her.

Great, what should I say? Eh, dapat ba ako ang unang magsalita? Sa pagkakaalam ko hindi ako ang bumangga sa kanya ah. Wait, kung nakatingin ka sana sa kanya hindi ka sana mababangga tsaka hindi mapapaaga ang pagkikita niyong dalawa.

"I-I'm sorry, lady Cremesia. Sorry po talaga hindi ko po sinasadya. Patawad po. " napamaang naman akong nakatingin sakaya. Kada salita niya kasi ay yumuyuko siya, ganito ba talaga dito kapag humihingi ng tawag kailangan ilang ulit yumuko.

"Ah, it's f-fine?" utal na sabi ko. Tama ba yung sinabi ko. Sure ako kung si Cremesia to sisigawan niya si Esperanza at papahiyain.

"Po--?" namimilog na tingin niya sakin. Nagulat ba siya sa sinabi ko? Hindi ba dapat matuwa siya dahil hindi ako nagalit.

"Why? What's with the"po"?" taas kilay ko na tanong sakanya syempre kunyari maldita ako.

" Naku, Patawad po, lady Cremesia. Hindi ko po sinasadya. "

Eh?!!!! Anong koneksyon nang tanong ko sa sinabi niya?

__________

Please vote:) than you!

Beauty In The Dark [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon