Sandra's Point Of View
"Nabalitaan mo ba dyan daw sa may kanto ng San Martin may bata daw na namatay! Nakakatakot!"
"Oo nga e! Naubusan daw ng dugo"
"They said it was made by unknown creature! Nakakatakot talaga! Baka nae-envade na tayo ng mga nilalang na kakaiba na hindi natin nalalaman!"
Napasandal naman ako sa upuan ko. Anong nagawa ko? Nakapatay ako ng tao. Natatakot ako sa sarili ko. Paano kung may nakakita?
Paano kung may nakakuha ng katibayan na ako ang may sala? My hands is trembling while I remember those bloods in my bare hands kaya dali dali akong umalis at iniwan ang katawan ng bata.
"Sandra, Hindi nakita hahayaan na umuwi magisa. Buti nalang nakauwi kana nung mga oras na yon kaya naging ligtas ka" Sabi ni Kade sa akin.
Kade, Ikaw ang hindi ligtas sa akin. Sa oras na sumpungin nanaman ako ng gutom ko maaring mapatay kita. Maaring may mapatay ako sa pamilya mo.
Maaring may mapatay ako sa pamilya mo sa harapan mo mismo. Napayuko nalang ako.
I never wish to be like this. Never. Kailangan ko lang ay simpleng buhay Kasama si Kade iyon lang.
"Sandra? Kanina ko pa pansin ang pagkamutla mo. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Kade sa akin
Tumango naman ako.
"Maayos ako, Kade. Na..natatakot lang ako sa sinasabing aswang na p..pumatay d..daw ng Bata" Kinakabahan kong sabi kay Kade. Ang hirap pala ang magsinungaling.
"Wag ka nang matakot, Sandra. Kung lumabas man yun sa harap natin. Pro-protektahan kita" Nakangiting sabi niya sa akin.
Dapat protekhan mo ang sarili mo laban sa akin Kade. Dapat matakot ka sa akin. Kasi nakakatakot ako. Pumapatay ako..
Akala ko talagang kaya kong maging normal pero normal pa ba ang pumatay ng tao?
Hindi diba?
Kailangan ko nang mahanap sila Kayson. Kailangan matapos na ang kahibangan ko na maging tao kasi imposibleng mangyari iyon.
Isang kabaliwan ang nais ko.
Bigla naman akong nawala sa pagiisip ko ng hawakan ni Kade ang isang kamay ko.
"Nagaalala ako sayo. Nitong nakaraan nagiging matamlay ka. May problema ba?" Tanong niya sa akin. Hindi naman ako sumagot.
"Baka iniisip mo nanaman ang pamilya mo na iniwan ka?" Tanong niya.
Hindi na talaga nila talaga matandaan sila Kayson ang alam ni Kade ang pamilya ko ang nagiwan sa akin. Nang umalis sila'y para nabura na din ang ala ala nila dito.
"H-hindi.. Iniisip ko lang yung quiz. Oo tama! Iyong sa Math mahirap kasi iyon" Sabi ko
"Kaya mo naman iyon. Kasama mo naman ako" Sabi niya. Napangiti nalang ako.
Hanggang kailan kita magkakasama, Kade?
Third Person's Point Of View
Habang natutulog ng mahimbing si Sanda. Sa kabilang Kwarto naman kung saan nakahiga at nagbabasa ng libro ang Ama ni Kade na si Duffy.
Ang Libro na to ay ang ' The Vampire's Secret ' na isinulat pa gamit ang kamay ng Dating pinaka malakas na bampira na Si Isaac Xavier.
Hindi mawala ang ngisi sa mukha ni Duffy habang binabasa ang pahinang ito.
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
VampireA love can heal each darkness of a person. ⒸAll Right Reserve 2014 √ Completed