Chapter 32

2K 46 2
                                    

Dedicated To: itsqueendemeter - Thank you for reading ;)

Third Person's Point Of View

Lahat ng Bampira sa Calton Mansion ay naghahanda na. Maaring sa Takdang 

Kabilugan ng buwan ay sumugod na ang mga Vampire Hunter's. Blood Moon kasi sa panahon nayon , 

dahil kapag Blood Moon Maaring mabawasan ang lakas ng mga Bampira

dahil mawawala ang Sinag ng buwan na nagpapalakas sa kanila.

Napatigil sa paghahanda ang lahat ng makita si Killian na bumalik na.

Pansin ang malungkot na aura dito.

Tumigil si Killian sa sulok lahat ay nagaantay sa kanyang gagawin.

Tahimik na nagmamasid ang lahat kay Killian Hanggang sa isang malakas 

na pwersa sa pag suntok ang binigay ni Killian sa Pader.

Humangin ng malakas at lahat ng Bampira ay tinangay at 

napaupo sa sahig  pader ay nagkaroon ng Malaking bitak

Lahat ng Bampira ay humanga sa kung anong meron kay Killian

Ngunit nagulat ang lahat sa liwanag na bumabalot kay Killian ito ang liwanag noon 

ng makipag laban siya

laban sa mga tauhan ni Duffy na sina Asul , Yuro , at Freyr.

Malakas na Suntok na may Pwersa muli ang binigay ni Killian sa Pader at tuluyan na tong natibag.

Malakas na sumigaw si Killian at napaluhod.

Walang ni isa ang pumigil sa kanya dahil sa takot.

Babantang sumutok muli sa panibagong pader si Killian ng pigilan siya..

"Killian Tumigil ka" Marahan ngunit may autoridad na pahayag ni Vladimir ang namumuno sa Vampire Clan

Napatingin si Killian kay Vladimir. Dito Pinakita niya ang mukha niya na may luha.

Labis ang sakit sa kanya dahil hindi niya kayang mabalik sa dati ang pinaka mamahal niyang si Sandra.

Gusto niyang mabalik ito at Ipakita na parehas sila ng pinanggalingan at tunay na nararapat sa isa't isa pero wala siyang nagawa

"Si Cassandra , Wala naba tayong gagawin para sa kanya! Diba may paraan? Bakit ako? Nagbalik ang memorya ko! May paraan pa para sa kanya!" Sigaw ni Killian sa paghihinagpis

"Sumunod ka sakin , Killian" Utos ni Vladimir kay Killian

Ginawa ito ni Killian at parehas silang pumasok sa isang kwarto na wala ni isang laman.

"Anong gagawin ko dito?" Basag na boses na saad ni Vladimir

Hinarap ni Vladimir si Killian at tinuro ang puso nito.

"Iyan ang magiging daan sa kanyang ala ala , Killian" Muling tumulo ang luha ni Killian

"Ginawa kona! Pinaramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya pero wala!" Sigaw ni Killian sobrang sakit

sa kanya na wala nang paraan para kay Cassandra.

Hindi kumibo si Vladimir...

Marahan niyang hinawakana ng puso ni Killian.

"Na sayo ang ala ala niya" saad nito

Nakaramdam ng antok si Killian. At agad na bumagsak ang kanyang talukap

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon