Chapter 26

2.3K 65 2
                                    

Third Person's Point Of View

Nagising sa Killian at tumanglaw sa kanya ang kislap ng araw. Napabangon siya at napapikit saglit para maimulat ng maayos ang mata.

"Killian! Kayson!" Napatingin siya sa kung saan ng marinig niya ang boses ng isang babae.

"Bakit po Mama?" Saba'y na saad ng dalawang bata sa magandang babae

"Wag kayong masyadong magulo at huwang kayong kung saan saan nagpu-punta. Delikado ang paligid lalo na may mga gulo nanamang nangyayari" Sabi ng magandang babae.

"Opo, Mama. Saka kapag po may nagaway kay Killian. Ili-ligtas ko po siya" Isang batang lalakeng na mas matangkad kaysa sa pangalawang bata.

"Kuya Kayson , pag may nag-away din sayo lagot sa akin" Nagtawanan silang tatlo.

"Mukhang masaya ang mag-ina ko ha!"

"Papa!" Hiyaw ng dalawang bata at niyakap ang isang napaka gwapong lalake. Napaka kisig nito at halatang ka galang galang. Ngumiti ang magandang babae at sumama sa yakap nila.

Isang magandang halimabawa ng pamilya ang nakikita ni Kade. Isang Pamilyang tinitingala ng mga Bampira noon dahil buti ng kanilang loob at magandang pagpapatakbo ng Vampire Clan.

Unti unti dumilim sa paligid ni Kade naguluhan siya kaya napatayo siya kaagad at baka may kung anong masamang mangyari ngunit nagiba lang pala ang tagpo ng pangyayari. Nakita niya ang dalawang bata na nakahiga sa tabi ng magandang babae.

"Mama , Kwentuhan mo po kami ng storya" Sabi ng kamukha ni Kade

"Osige" Napangiti ang dalawang bata at niyakap ng mahigpit ang kanilang ina.

"May Isang prinsepeng bampira ang nakatira sa magandang palasyo samantalang may isang di hamak na mamabang bampirang babae naman ang tumitingala sa kanya. Humahanga siya sa Prinsepeng ito palaging bulungan sa Vampire Clan ang pangalan niya  dahil sa pagiging makisig at laging nananalo sa mga patimpalak ng mga bampira. Maraming naghahangad na maging asawa siya. Sino ang hindi? Bukod sa pagiging mahusay sa kahit saan ay napaka gwapo pa niya" Nakangiti kwento ng magandang babae

"Mama, Kasing gwapo ba siya ni Papa?" Tanong ng batang si Kayson. Natawa ang kanya ina.

"Oo" Nakangiting pahayag ng kanilang Ina. Ngiti na parang may inaalalang pangyayari.

"Ee , Yung babae po kasing ganda niyo?" Mas lumawak ang ngiti ng ina nila

"Oo" Muling sagot niya

"Isang araw may palarong naganap. Bampira laban sa Bampira at kung sino ang mananalo siya ang tatanghalin bilang pinaka malakas na bampira sa Vampire Clan.Nanunuod lamang noon ang babae at sobrang humanga siya dahil sa rami niyang natal pati na rin ang isang sa pinaka malakas  ding bampira ng mga Calton ay natalo niya. Sobrang galing niya nakakahanga kaya ganoon nalang kabaliw ang ibang babaeng bampira sa kanya halos ibigay na nga ng ilang bampira ang mga babaeng anak nila para malahian lang ng Prinsepe. Sino ba naman kasing hindi magahahangad sa tulad niya? Maski ang dalaga'y ninanais siya."

"I hope they will end together"Komento ni Kayson

"Oo nga. A beautiful girl like mom is worth to love" Napangiti ang kanilang Ina at hinalikan ang dalawang bata sa noo.

"Isang araw habang nangangaso ang prinsepe hindi niya alam na nakasunod sa kanya ang babae. May nakatabing na balabal sa mukha nito habang nakasakay sa itim na kabayo pinapanuod lamang niya kung paano gamitin ng prinsepe ang kanya Pana para tamaan ang mga lobo sa gubat ngunit hindi inaasahan ng babae na may lobo pala na nakapaligid sa kanya tumahol ito ng nakakatakot at tinalon ang babae at nawala sa balanse kaya nahulog sa kabayo kanyang sinasakyan pero hindi niya inasahan ng may pumana sa lobo at may sumalo sa bewang niya na mga braso. Saba'y ng pagbagsak ng lobo sa harap nila ang pagtitinginan na nagbunga ng isang matinding koneksyon sa isa't isa."

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon