Chapter 27

2.2K 59 2
                                    

(New Face of Cassandra On TOP)

Dedicated To: estantek14 - Thank you for reading this story :*

Third Person's POV

Unti unting napamulat si Kade. Isang magandang tanawin ng dagat ang bumungad sa kanya

"Alam mo na ang lahat"

Napatingin siya sa katabi niya. Nakita niya si Miyaka

"Ako si Killian"Hindi makapaniwalangs sabi ni Kade.

"IKaw nga , at ikaw ang makakatulong para mailigtas mga Bampira. pati si Sandra"

masaya siya na maililigtas ang mga Bampira pero nakakalungkot na hindi na muli siyang mabubuhay.

"Bakit mas pinili mong mamatay?"takang tanong ni Kade

"Mas pipiliin kong mamatay ang tulad ko kaysa sa maraming bampira naman ang madamay ,

Mas mahalaga ang nakakarami kaysa sa tulad kong isa lang , Killian"

"Pero mahal mo siya"

Ngumiti si Miyaka at pumatak ang mga luha niya

"Siguro nga mahal ko siya pero hindi iyon basehan para itapon ang responsibilidad ko

binigay sa akin tong napaka laking bagay na to para gawin hindi para itapon lang dahil

sa pansarili kong kagustuhan , Killian"

Tumango si Kade. naninibago pa rin siyang tawagin Killian.

"Malapit kanang magising sa realidad , Killian at matagal ka nang hindi nagi-gising"

napatingin si Kade kay Miyaka.

"anong ibig mong sabihing matagal na ako hindi nagi-gising? Hindi ba isang araw lang?"

Napangiti si Miyaka

"Killian , Iba ang lugar na napuntahan mo sa lugar na pinanggalingan mo kaya kailangan

mo nang magising agad para i-ayos ang lahat ng gulo na nangyayari sa realidad"

Tumango si Kade

"Paki sabi sa kanya na magkikita rin kami , Hindi man kami para sa ngayon pero may

tamang panahon para magtagpo ulit ang landas namin.at kung hindi man niya mahintay ang

panahon na iyon may taong papalit sa akin sa puso niya. at paki sabi na mahal na mahal ko siya"

Nako-konsensya si Kade kasi dalawang tao ang sinaktan niya

"Killian wag ka nang magisip ng kung ano"Tumayo si Miyaka at nilahad ang kamay niya

"Kailangan mo nang umalis , baka mahuli ang lahat"

unti unting inabot ni Kade ang kamay niya at lumiwanag ang paligid.

---------

"Kumikilos siya"

Unti unting dumilat si Kade at mukha ni Kayson ang una niyang nakita.

Mukhang mas nagmukhang matured si Kayson ngayon kaysa nuong unang kita ni kade sa kanya.

"Pagkatapos ng Isa't kalahating taon nagising ka rin , Kade"Napatingin siya sa nagsalita

ito ay si Hallace. Isa't kalahating taon? Ganun siya katagal natulog?

"Naaalala mo na ba lahat , Kade?"Napatingin siya sa isang babae.

"Ako si Mischelle"sabi pa nito

"Oo naaalala kona at alam ko na kung sino ako"

Napa baling siya kay Kayson.

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon