Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
3:58 PM
kieke kinkabahan talaga ako hindi ko alam isusuot ko magdress ba ko? sabi naman niya kahit anong comfy coffee date naman ano ba sinusuot sa coffee date huhu
shabog Chill ka lang kasi! Wear the usual! Kung saan ka comfy. Kesa naman mag-dress to impress ka tapos hindi naman ikaw yon Just wear your usual dress.
leybog Sabi ko nga rin eh Saka gabi yon. Dapat hindi siya sexy hahahaha Baka kung saan mapunta yung coffee date. Kakalma tayo for today Magsweatshirt ka nalang tapos pants haha Cute mo kaya don
leybog True! Artistang palaging gising Tapos arkitek na hindi natutulog kasi daming plates Perfect yan... hindi sila magkabilang mundo
kieke salamat sa support ha grabe na nga yung kaba ko eh
leybog Hindi halata. Nandito ako sa pinto ng kwarto ni kieke Ang kalat! Parang lahat ng damit sa closet, nilabas
kieke eh kasi namn huhu
leebag Basta wag kang mag-dress Kung okay ka, magsweater ka since gabi.
shabog Right! Alam naming hindi ka sanay sa nightout Kaya since hindi naman bar ang pupuntahan nyo, wear something nice Agree ako sa sweatshirt or t-shirt lang. Basta comfy ka
leybog Ako na bahala sa kaniya Excited din ako! Matutupad na yung pangarap ni kieke Bat ako naiiyak hahaha
shabog Hahaha videocall lang naging personal pa Deserve! Hahaha!
kieke kapag naging awkward mamaya magchat ako dito sa gc ha nahihiya ako huhuhuhuhuuhu
leybog Gaga! Sige lang. Kapag need mong sunduin, tawagan mo kami.
leebag True! Tapos tayo nalang magcoffee kapag hindi ka naging happy Pero excited din ako. First time mo siyang makikita ng personal as in malapit, right?
leybog Busy si baklang maghanap ng damit Oo, first time niya. Madalas siyang nasa crowd hahahah Para akong nanay na naiiyak hahaha
shabog Gago same. Akala ko ako lang. Para tayong nanay ni kieke. Dalaga na yung baby natin. Nakikipagdate na
leebag At least yung date nya ngayon, gusto talaga niya Hahahaha!
leybog Waiting game tayo later ha Kapag nag-SOS 'tong si kieke, sunduin natin Baka mamaya paiyakin nung Reid na yon Babayagan ko talaga yon
kieke hoy grabeee
leybog Gago ang sama ng tingin sa akin hahahaha BRB. Matutulog na muna ako.
leebag Ingat ka later, kieke Message mo kami ha
shabog Yuuup! If anything's wrong, SOS kaagad. Love youuuu
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.