Seryosong nakatingin si Frankie sa monitor ng laptop niya habang nanonood ng movie. Nakatulog na si Reid at nakayakap ito sa baywang niya na ginagawa ring unan ang tiyan niya. Wala siyang tigil sa paghaplos ng buhok nito.
Dalawang linggo silang hindi nagkita dahil nagpunta ito sa Davao para sa shooting ng pelikula at kaagad na dumiretso sa apartment niya pagdating galing sa airport.
Araw-araw silang magkausap sa messages, pero hanggang doon na lang. Bukod sa nag-iingat ito para hindi makahalata ang iba kapag nag-usap sila sa phone, halos buong maghapon din itong nagtatrabaho.
Pagod si Frankie dahil siya rin mismo ay galing sa office, pero hinayaan niyang matulog si Reid.
Halos tatlong buwan na ang relasyon nila at wala silang ginawa kung hindi ang magtago. Sa tatlong buwan, hindi sila lumalabas nang magkasama. Sa apartment lang puwede at mas gusto na rin iyon ni Frankie.
May mga pagkakataong inaaya siya ni Reid na umalis, pero umaayaw siya. Ayaw niyang mag-risk dahil baka mayroong makakita at ikasira pa ng career nito ang relasyon nilang dalawa.
Nang humimbing ang tulog ni Reid, maingat na bumangon si Frankie para ligpitin ang mga pinagkainan nila. Naabutan niya si Harley na nasa kusina at kumakain habang nanonod ng video.
"Umalis na ba si Reid?" tanong ni Harley.
"Natutulog na siya," sagot naman ni Frankie. Sumandal siya sa counter at hinarap ang kaibigan. "Tinanong niya 'ko kanina, Ley. Medyo nagsinungaling ako."
Pinatay ni Harley ang pinanood at seryosong tumingin sa kaniya. "Ano ba 'yong tanong?"
"Kung nahihirapan ba ako sa sitwasyon namin, kung nagseselos ba ako, o kung ano 'yong tingin kong nararamdaman ko sa mga nangyayari nitong nakaraan," mahinang tumawa si Frankie. "Ang hirap palang maging non-showbiz girlfriend, mare. Patibayan ng puso."
Hindi sumagot si Harley na nanatiling nakatingin sa kaniya.
"Medyo nahihirapan ako, pero kaya ko pa naman. Ginusto ko 'to, eh. Sa selos, normal naman sigurong maramdaman ko 'yon, pero nilalabanan ko naman kasi may assurance naman. Palagi naman niyang sinasabi o inuunahan niya 'pag may kailangan akong malaman," pagpapatuloy ni Frankie. "Mahal ko, eh."
Nag-cross arms si Harley at ngumiti. "Kita ko naman na mahal n'yo isa't-isa, eh. Kulang na lang ngang magkapalit kayo ng mukha sa sobrang pagmamahal. Pero ang tanong ko lang sa 'yo, masaya ka pa ba?"
"Oo naman," mahinang sambit ni Frankie. "Masaya ako, sobra. Siguro may mga pagkakataong nag-o-overthink ako, pero mas lamang naman 'yong masaya."
"Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, happiness lang, ha?" paalala ni Harley. "Tulad nung palagi naming sinasabi sa 'yo, guard your heart. Kung ano man ang mangyari sa mga susunod, nandito lang kami."
Ngumiti si Frankie at tumango. Malaki ang pasasalamat niya sa mga kaibigan niya dahil suportado siya sa kahit na ano, pero hindi nagkukulang sa paalala.
Pagpasok niya sa kwarto, nakaupo si Reid sa gilid ng kama at nakayuko. Tumingin ito sa kaniya ngunit napansin niya ang lungkot sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.
"Tulog ka lang," ani Frankie at lumapit para ayusin ang nagulong buhok nito.
"Ayokong nagsisinungaling ka, Frankien." Mababa ang boses ni Reid. Hinawakan nito ang kamay niya at maingat siyang hinila papalapit para yakapin sa baywang. "Hindi ko naman sinasadyang marinig. Hinanap kita, pero narinig ko 'yong mga sinabi mo. Frankie naman, eh."
Mahinang natawa si Frankie at naupo sa tabi ni Reid. Humikhab siya at nahawa ito dahilan para matawa silang dalawa. Inihiga niya ang ulo sa balikat nito at pinagsaklop ang kamay nilang dalawa.
"Sorry," bulong niya. "Ayoko rin naman kasing mag-isip ka kaya hangga't kaya ko, itatago ko na lang. Kaya ko pa naman."
"Paano kung hindi mo na kaya? Isusuko mo?" tanong ni Reid. Hinaplos nito ang kamay niya gamit ang hinlalaki. "Puwede bang 'wag? I n-need you to stay close to me, Frankien."
Ipinikit niya ang mga mata at alam niyang may bigat sa dibdib niya. Sinabi niya iyon kay Reid na hinalikan siya sa tuktok ng ulo. Palaging may assurance na hindi sila sigurado sa mangyayari sa mga susnod, pero hangga't kaya, ilalaban.
Kulay dark green ang neon lights sa kwarto ni Frankie at hindi iyon masyadong maliwanag. Pareho silang nakahiga at diretsong nakatingin sa kisame. Tahimik at hinahayaan ang pelikulang nakabukas sa laptop, pero hindi nila pinanonood.
"Tumawag si mama sa 'kin kaninang hapon." Kinagat ni Frankie ang ibabang labi dahil iniisip kung sasabihin ba niya. "Grabe 'yong pressure, babe. Ine-expect nilang cum laude ako sa graduation dahil si Kuya raw. Feeling ko kasi hindi ako aabot, eh."
Tahimik lang si Reid na nilingon si Frankie. Seryoso itong nakatitig sa kisame.
"Alam mo ba kung may choice lang ako, gusto kong maging pre-school teacher," ngumiti si Frankie at nilingon si Reid na nakatitig sa kaniya. "Gusto ko talagang maging teacher, pero ayaw nila. Sa limang taon, wala silang alam sa pagod ko sa pag-aaral. Buti na lang talaga andiyan ka, eh."
Nagsalubong ang kilay ni Reid. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Distracted ako sa inis dahil sa pag-fangirl ko sa 'yo." Tumagilid si Frankie para harapin si Reid. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Naging motivation ko kaya na magtapos talaga para kapag nagkakilala na tayo, hindi ako fan lang. Dapat architect mo na fan para flex!"
Malakas na natawa si Reid at ipinalibot ang braso sa baywang ni Frankie. Hinalikan niya ang pisngi nito habang nagkukuwento tungkol sa pag-aaral.
"May tanong ako," pagputol ni Reid. "Never kang nagtanong about sa exes ko, kasi alam mo na?"
Tumango si Frankie. "Si Shana, 'yong artistang lumipat sa kabilang network kaya kayo nag-break? Si Iana, 'yong artista rin na iba na ang love team? At sak—"
"Silang dalawa lang ang naging girlfriend ko. Si Ash, for marketing. Si Mitch, pinipilit nila ngayon," ani Reid. "Tapos ikaw na."
"Si Anton, 'yong ex ko, anak siya ng kaibigang doctor ni papa. Alam ko nasa med school na rin 'yon. Dalawang taon na akong walang balita," kwento ni Frankie. "Hirap na hirap ako noon sa relasyon namin kasi ang controlling niya."
Tumigil sa pagsasalita si Frankie at seryosong nakatingin kay Reid na nagulat nang bigla itong humalakhak.
"Ano'ng nakakatawa?" pinisil ni Reid ang pisngi ni Frankie.
"Naalala kong bago kami mag-break, pinapili niya 'ko," natawa si Frankie. "Siya raw ba o ikaw? Itatapon ko raw lahat tungkol sa 'yo. Aba siyempre pinili kita! Ano siya, sinusuwerte?"
Mas humigpit pa ang yakap ni Reid kay Frankie at isinubsob pa ang mukha sa leeg niya. Malalim siyang huminga at nagpatuloy sa pagkukuwento tungkol sa nakaraan.
"Dumating na kami sa point na pinakikialaman na niya lahat sa 'kin. Pinipilit niya 'kong mag-aral kahit na ayoko. Isa 'yon sa napansin kong pagkakaiba n'yo ni Anton. Hindi ko naman intensyon na mag-compare."
Nag-angat ng tingin si Reid at sinalubong ang tingin ni Frankie bago hinalikan ito sa tungki ng ilong at sa gilid ng labi.
"Nagagalit siya kapag sinasabi kong tinatamad ako or gusto ko magpahinga," pagpapatuloy ni Frankie. "Ikaw, papadalhan mo 'ko ng food! Sasabihin mo pang mag-sleep na lang ako."
Frankie felt better when Reid didn't say a word and just kissed her forehead. Sinuklay pa nito ang buhok niya gamit na mas lalong naging dahilan para yakapin niya ito nang mahigpit na mahigit.
Pangarap lang niya noon ang matrato nang tama, bonus pang si Reid iyon.
Sandali.
Parang baliktad.
Pangarap niya si Reid, bonus lang ang matrato nang tama.
Hindi charot.
T H E X W H Y S