[ iMessage ]
01:23 AM
leybog
Hindi ko kinaya ang naabutan ko!!!!leebag
Good morning, night owls!
Anong meron?leybog
Sobrang gwapo ni Reid sa personal.
Nakita ko na siya sa kotse, pero madilim.
Nandito siya sa apartment.
Nasa kusina sila ni kieke 🤪shabog
OMG
Picture!!!leybog
Nagluluto si Reid, nag-aaral si Frankieeeshabog
Bakit siya nandiyan?leybog
Tinanong ko si Frankie
Gusto raw siyang makausap. Eh dba inignore niya nitong mga nakaraan. Kaya nagpunta. Pinagluto pa bestfriend natin tanginaaaa sana all.leebag
Frankie?
kieke
Bakit anjan si Reid?kieke
halaaa ang daming messages
gagi kaaaa harleeey nagpicture hahaha
gusto raw po magtalk lang
pagod daw sya kaya hinayaan ko naleebag
Ay bakit?
Ikaw ang pahinga???leybog
HAHAHAHAHA
OMG ginawang pahingahan ang bestfriend natin... pagod pero pinagluluto 😍
Kayo na ba???kieke
hindi uyyy
uuwi na rin siya mamaya
nagtalk lang kami sandali hahahsshabog
Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Oh my goshleybog
Sobrang gwapo niya sa personal
Teka update... nakaupo na siya sa dining table
Naghain siya ng food for them, inaya nya ako but I declined.shabog
Give us live updates!!!leybog
Ito na nga. Nakikinig ako. Mukhang wala namang pake yong dalawa. Hahahaha!
Nagsorry si Reid?!!!
Hindi raw sila ni Mitch??!!!!
Yung pictures daw ay shot galing sa movie
Gago nagexplain hahahaha!!!leebag
Gagooooleybog
Huminga nang malalim si Reid
Naktitig siya kay Kieke omg
"Galit ka?"
May pagsuyo gago
Frankie: Hindi ako galit uy!
Reid: No good morning and texts?
Frankie: /nagsmile 🤪
Reid: Namiss kita
Akkckskskfjsjjd
Tangina ano nashabog
Hindi ko na kayaleybog
Frankie: Hindi ka pa uuwi?
Reid: /umiling
Frankie: Bahala ka jan gagawa ako ng assignment
Reid: Okay lang. Alis na rin ako mamaya. Saglit na lang.leebag
HAHAHA
SHUTAAA GUSTO KO PUMUNTA JANleybog
Reid: Inihiga ang ulo sa lamesa pero nakaharap kay Frankie na nagsusulat... /humikab
Frankie: Inaantok ka na eh
Reid: Five more minutes, Frankie. /humikab
Frankie: /humikab din.
Harley: /humikab na rin