142 𐊪

12.8K 372 177
                                    

Nakita ni Reid ang naging nangyari sa kanila ni Frankie sa ilang pelikula at libro na mayroong kaparehong situwasyon. Na sikat ang isa, aalis ang isa para hindi makaapekto sa kasikatan, na magsasakripisyo ang isa para hindi maging sagabal. It was a never ending cliche cycle.

Ang inakala niyang naririnig lang sa kapwa niya artista ay drama lang at hindi totoo, nangyari sa kaniya.

Some would really do things just to get whatever they wanted. May parteng hindi na siya nagulat na magagawa iyon ng manager niya. Wala naman itong idea tungkol kay Frankie—oo, alam na may girlfriend siya—kaya alam niya kung paano.

Habang mahimbing na natutulog si Frankie, nakatingin lang si Reid sa mukha nito habang hinahaplos niya ang buhok nitong mas maikli kumpara noong magkasama sila. Nagkapisngi, pero hindi masyado dahil ganoon pa rin ang katawan.

Nakaluhod si Reid sa gilid ng kama at nakatitig kay Frankie. Nag-iinit ang mga mata niya dahil nalungkot siya sa parteng wala siya sa panahong kailangan siya. Mas inisip pa nito ang kapakanan niya.

Reid composed himself and kissed Frankien's forehead. Tinawagan niya ang ate niya para sabihing nasa condo nito sila pati na rin ang tungkol sa pagbubuntis ni Frankie. Ikinangiti niyang tumili ito at sinabing uuwi kaagad pagkatapos ng shoot.

It was three in the morning and he couldn't sleep. Kausap niya sa group chat ang mga kaibigan niya tungkol sa plano niya dahil hindi siya natutuwa. Mayroong galit sa dibdib niya at ilalabas niya iyon. Gusto lang muna niyang siguruhing magiging maayos ang sitwasyon.

Samuel's father was a lawyer. Kahit madaling araw, pumayag ang mga itong makausap siya via video call. Nagtanong siya sa mga puwedeng gawin, pero solid ang kontrata niya sa network. Nakahanap lang sila ng ibang paraan na puwede nilang gawin kung sakali man.

Wala siyang ideya sa mga susunod, alam niyang magkakaroon ng problema, pero sisiguruhin niyang magiging maayos ang lahat para sa mag-ina niya.

Umaga na sila natapos sa usapan at maingat siyang tumabi kay Frankie. Nakayakap ito sa unan na sinusuportahan ang may kalakihang tiyan.

Sa tuwing tinititigan niya si Frankie, nag-iinit ang mga mata niya. Mahal niya ito at sa ilang buwang hindi sila nagkita, si Frankie pa rin ang gusto niya. The tables had turned and he wouldn't change it for anything. 



"Thank you sa paghatid," ani Frankie bago bumaba ng kotse niya. Hinatid niya ito sa apartment na tinitirhan kasama si Harley dahil kailangan pang pumasok. 

Maingat na hinila ni Reid si Frankie at niyakap nang mahigpit na mahigpit. "Puwede ba ulit kitang puntahan? Magre-reply ka na ba sa messages ko? Kakausapin mo na ba ulit ako?" 

"Oo." Yumakap pabalik si Frankie. "Magre-reply na 'ko. Dami mong good morning texts, eh. Ang cute!" 

Hindi muna bumitaw si Reid sa pagkakayakap. Hinalikan pa niya ang gilid ng noo ni Frankie at bago ito bumaba sa sasakyan niya, hinawakan niya ang kamay nito para na rin haplusin ang tiyan. 

"Love kita palagi, Frankien." Bumaba ang tingin niya sa tiyan nito. "Kayong dalawa na. Love ko kayo palagi." 

"Love kita palagi," sagot ni Frankie. "Sige na. Paiiyakin mo na naman ako. Bawal akong umiyak, nakakachaka raw ng baby 'yon. Pasok na muna ako. Maliligo pa 'ko." 

Akmang bubuksan ni Frankie ang pinto ng sasakyan nang muli nya itong pigilan. "Frankien?" 

"Grabe, nahiya ka pang hindi isama 'yong Louvelle!" Frankie scrunched her nose and laughed. 

Stay Close, Please GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon