Sabay na nilingon nina Reid at Frankie si Harley nang magpaalam na ito sa kanila dahil inaantok na raw. Naiwan silang dalawa habang kumakain ng nilutong instant noodle ni Reid.
Tumingin si Frankie sa orasan at nilingon si Reid. "Alas tres na, hindi ka pa uuwi?"
"Matutulog ka na ba?" balik na tanong ni Reid. "Kung matutulog ka na, uuwi na 'ko."
Umiling si Frankie at binalikan ng tingin ang laptop niyang mayroong notes. "May gagawin pa 'ko, eh. Baka hindi na rin ako matutulog kasi may class ako mamayang eight."
Sumandal si Reid sa dining chair nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Hindi rin niya iniwas ang tingin kahit na mabilis na ang tibok ng puso niya. Inaantok na siya, pero marami pa siyang gagawin. Kung tutuusin, puwede na siyang matulog, pero nasa apartment pa nila ito.
"Iyong totoo," basag ni Frankie sa katahimikan. "B-Bakit ka nandito, Reid?"
"Hindi ko rin alam," umiling si Reid at yumuko bago ngumiti. "Wala kasing tweets, messages, and dms, eh. Nakaka-miss."
Natawa si Frankie at nag-cross arms. "Nami-miss mo 'ko? Hoy, iba na 'yan, ha? 'Di bale, sasaluhin kita," pagbibiro niya.
Reid warmly smiled. "Huwag mo naman akong i-ghost. If it's about Mitc—"
"Ayoko nang mahulog lalo, eh," aniya na pumutol sa sasabihin ni Reid. "Saka alam mo, to be honest, naisip kong parang gusto ko na lang bumalik sa dati. Iyong may excitement 'pag may news, walang pakialam kapag nali-link ka sa iba, at wala tayong communication."
Gustong matawa ni Frankie nang magsalubong ang kilay ni Reid kasabay ng pagnguso nito na para bang hindi nagustuhan ang sinabi niya, pero pinigilan niya. Nanatili siyang seryoso, pero may ngiti.
"Nakaka-miss 'yong gigising akong mag-good morning sa 'yo," ngumiti si Frankie. "Iyong hindi mo pa 'ko kilala."
"H-Hindi mo ba gusto 'yong sitwasyon ngayon?" tanong ni Reid.
Tumaas ang dalawang balikat ni Frankie. Sumimsim siya ng kapeng tinimpla ni Reid para sa kanilang dalawa. "Parang nawala 'yong excitement 'tapos mas lumala 'yong selos," natawa siya. "Dati kasi kahit magselos ako, okay lang. Sure naman akong hindi mo 'ko mapapansin. Ngayon naman, unexpected, nandito ka sa apartment namin. Confused ako, eh."
Reid bit his lower lip, and Frankie smiled.
"Basta kapag hindi ako nagme-message, 'wag kang mag-message, ha? Ayokong nase-seen ka. Baka busy ako, hindi ako makapag-reply, tapos ma-seen kita!" Inayos ni Frankie ang buhok niya. "Wait mo lang akong mag-message, ganoon. Ako nahihiyang nase-seen kita, eh."
Iniba ni Frankie ang topic at pinag-usapan na lang nila ang tungkol bagong trabaho ni Reid, pero napansin niyang tahimik ito at sasagot lang sa bawat tanong niya. Seryoso itong nakasandal at nakapatong ang isang kamay sa lamesa.
"Ang serious naman!" pagbibiro ni Frankie. "Akala ko ba pagod ka? Kaya mo bang mag-drive? Patawag mo na lang kaya 'yong driver mo para sundu—"
"I can still drive," Reid faintly smiled and stood up. "Alis na rin ako. Matulog ka na rin. Lumalaki na 'yong eyebags mo."
Ngumuso si Frankie na kinamot ang mga mata niya. "Ingat ka sa pag-drive."
Hinatid niya si Reid hanggang sa sasakyan nito. Nagpaalaman sila, pero hindi tulad noong unang beses na pareho silang nakangiti.
Kumaway siya at hindi pumasok sa apartment hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.
Kaagad siyang humiga at binasa ang messages ng mga kaibigan niya. Humalakhak siya nang mabasa ang live updates ni Harley dahil word by word ay ginawa nito.
At habang nakatingin sa stolen photo ni Reid mula kay Harley, naluha siya. Bumagsak ang luha sa magkabilang mga mata niya.
Sa picture, seryosong nakatingin si Reid sa kaniya habang busya siyang nakatingin sa laptop.
Halos anim na taon na siyang fan girl ni Reid. Gabi-gabi niyang ini-imagine kung paano siya kapag nakita niya ito sa personal, pero sobra-sobra pa ang ibinigay ng universe sa kaniya.
Na-imagine na rin niya ang sariling non-showbiz girlfriend, pero hindi niya inasahan sa mismong sarili na selosa siya at tama si Je . . . hindi siya puwedeng magkaroon ng kasintahang nasa industriya tulad ni Reid.
Nagtakha siya sa sarili niya dahil noon naman, okay lang sa kaniya kahit sinong i-ship kay Reid. Mayroon pa nga itong naging girlfriend na artista, pero hindi siya nasaktan. Aware naman na siya noon pa sa love team nigo kay Mitch.
Ngunit nagbago iyon nang makausap niya talaga si Reid na minsan pang nauunang mag-message sa kaniya.
Nagkaroon na ng selos ang lahat.
Dalawang linggo na lang, birthday na ni Reid.
At sa unang pagkakataon, wala siyang maisip na design ng cake na ibibigay niya. Bigla siyang naging blangko na hindi na alam ang gagawin.
T H E X W H Y S