Mahinang natawa is Risha habang nakatingin sa kaniya. "Ikaw, ang hirap mong pakainin. Ang selan mo na nga sa pagkain, medyo demanding ka pa. Pasalamat ka talaga mahal kita."
Kumportableng naupo si Frankie sa sofa at hinaplos niyang muli ang tiyan niya. Malapit na siyang mag-seven months, ilang araw na lang. Madalas na siyang hirap, pero ini-enjoy na lang niya kaysa mag-isipa pa siya.
Mayroong kumatok sa pinto na pinagbukas ng pinto ni Risha at pumasok doon si Mang Colas, ang cleaner ng building. "Ma'am may tao po sa labas. Naghihintay po."
Nagkatinginan sina Risha at Frankie dahil wala naman na silang inaasahang appointment. Naunang lumabas si Risha bago sumunod si Frankie hawak ang melon milkshake na in-order pa niya sa GrabFood dahil matindi ang cravings niya.
"Sha, an—"
Natigilan si Frankie sa pagsasalita nang magtama ang tingin nila ni Reid. Nakapamulsa itong nakatingin sa mga picture na naka-display. Suot nito ang hood sa ulo at casual lang na nakatingin sa kaniya bago bumaba ang tingin sa tiyan niya.
"R-Reid." Tipid na ngumiti si Frankie at ibinaba ang baso sa lamesa niya. Kalmado siya, pero hindi ang puso niya. "Anong ginagawa mo rito?"
"Frankien, sa office muna ba ako o mag-stay ako rito?" bulong ni Risha.
Ngumiti si Frankie at hinawakan ang kamay ni Risha. "Sige lang, ako na rito."
Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng lamesa at nakatingin lang kay Reid. Tumingala ito at ipinikit ang mga mata bago patagilid na ibinalik ang tingin sa kaniya. Dama ni Frankie ang bilis ng tibok ng puso niya.
Halos anim na buwan na ang nakaraan simula nang huli silang magkita, pero alam niya sa sarili niyang hindi nawala kahit na sandali kung ano ang pagmamahal na mayroon siya kay Reid.
"Magpapakasal ka na ba?" pagbibiro ni Frankie at kinuha ang isang pamphlet. "Maganda ang packages namin."
"Bakit? Ready ka na bang magpakasal?" tanong ni Reid sa kaniya at ngumiti. "Kung ikaw ang bride, book the earliest."
Ngumiti si Frankie na natuloy sa pagtawa. "Grabe namang mang-warshock 'yan! Hindi pa ako archit—"
Hindi naituloy ni Frankie ang sasabihin nang maglakad si Reid papalapit sa kaniya. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa tiyan niya at basta na lang inilapat ang palad roon nang walang sinasabing kahit ano. Naghihintay siya ng tanong, pero wala.
Nanatiling nakasuot ang hood sa ulo ni Reid, pero dahil may katangkaran ito kumpara sa kaniya, kita niya ang mukha nito dahil nakatingala siya. Nakatutok ang titig nito sa tiyan niya at hinaplos pa iyon gamit ang hinlalaki.
Yumuko si Frankie para tingnan ang palad ni Reid na nakalapat sa tiyan niya nang bumagsak ang isang butil ng luha sa manggas ng hoodie nitong kulay maroon.
"Hoy, hala!" Naalarma si Frankie. Naramdaman na rin niya ang pag-iinit ng mga mata niya dahil hindi na niya alam ang sasabihin. "P-Paano mo pala ako nahanap?"
"Nasa Manila ka lang," sagot ni Reid na suminghot. "May nakakita sa 'yo."
Naningkit ang mga mata ni Frankie. Malabo na ang paningin niya dahil sa luha, pero pinilit niyang matawa. "Wala kasi akong pang-abroad tulad nung mga nasa movie o stories sa books na aalis ng bansa tapos doon manganganak," humalakhak si Frankie. "Hindi tayo rich kid for today's video."
Mahinang natawa si Reid. Nakahawak pa rin ang kamay nito sa tiyan niya.
"Baka pala may makakita sa 'yo rito, hindi safe. Madalas kasing may pumasok dito. Baka pag-isipan ka nilang may nab—"
"Meron naman talaga, 'di ba?" Pinutol ni Reid ang sasabihin niya. "Hindi mo naman itatangging anak natin, 'di ba?"
Tumalikod si Frankie at naglakad papunta sa lamesa niya. Naupo siya roon at binalikan ng tingin si Reid na nakatayo kung saan niya iniwan. Malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.
"Frankien."
"Alam mo, the less you know, the better," ani Frankie at ngumiti. "Hindi ko na maitatanggi, nandito ka na. Sure naman akong hindi ka bobo sa math, pero mas mabuti sigurong . . ." Huminto siya dahil naramdaman niya ang pagsipa anak niya.
Papansin. Palibhasa narinig yata boses ng tatay.
"Mas okay sigurong malayo kami? Kasi maraming masisira, eh. Alam kong madamot 'yong vibes, pero it is what it is. Unexpected naman kasi 'tong bagets na 'to, pero love ko naman siya palagi," malapad na ngumiti si Frankien.
"Love rin kita palagi, eh," sagot ni Reid. "Nababasa mo ba 'yong messages ko?"
Tamad na tumango si Frankie. "Oo."
"Bakit hindi ka nag-reply? Bakit hindi mo 'ko sinabihan tungkol dito?" tanong ni Reid. "Kahit man lang sana ito, Frankien."
Yumuko si Frankie at ikinagulat niyang lumuhod si Reid sa harapan niya. Maingat nitong isinubsob ang mukha sa tiyan niya at hinalikan iyon. Hindi niya makita ang reaksyon ng mukha dahil nakatakip ng hoodie at mukhang hindi niya gugustuhing makita pa iyon.
Lumabas mula sa office nila si Risha na nakatingin sa kanila. Nagpaalam na itong unang aalis dahil susunduin ng asawa. Tumango lang siya bilang sagot.
"Bago ka makipaghiwalay, alam mo na ba?" mababa ang boses ni Reid.
"One month pa bago ko nalaman," sagot ni Frankie. "Sasabihin ko dapat, eh, kaso natakot ako. Congratu—"
"Don't." Diin ni Reid.
Bumagsak ang luha ni Frankie. "Okay na rin. At least marami kang nagawa nitong mga nakaraan. Imagine mo na lang kung alam mong buntis ako, eh 'di ikaw pa nagpunas ng suka ko sa kwarto. Kadiri kaya," tumawa siya. "Tapos ikaw ang tatawagan ko kapag may gusto akong kainin. Kawawa ka naman. Puyat ka tapos mangungulit ako. Okay na rin na wala kang alam. Kinaya ko naman. Ako pa ba? Frankienstein lang malakas."
"Mas gusto ko 'yon kesa walang ikaw." Sinalubong ni Reid ang tingin niya. "Ang boring ng buhay nung wala ka, Frankien."
"Ito naman! Mahal na mahal mo naman ako! Hindi ka maka-move on!" Humikbi si Frankie. "Pero kasi mas madali 'yong ganito. Tama 'yong sabi ng mana—" Tumigil siya sa pagsasalita nang ma-realize ang sinabi niya.
Kumunot ang noo ni Reid. "A-Anong sinabi ng manager ko?"
Umiling si Frankie at ngumiti. "Wala."
"Kinausap ka niya?" May diin ang bawat salita sa mababang boses ni Reid. "Frankien. Ano'ng sinabi niya sa 'yo?"
"Na ako ang magiging downfall mo." Yumuko si Reid. "B-Bilang fan mo, ayokong mawala ka sa trabahong mahal mo. Kaya bilang girlfriend, pinili ko na lang na gumora kaso nag-iwan ka ng baby kaloka ka. Grabeng fan service naman 'yon!"
Reid smiled and breathed.
"Naging okay naman ako. Kasama ko naman sina Harley kaya walang naging problema, marami nga lang akong utang sa kanila, pero okay lang naman daw na next time ko na bayaran," Frankie smiled widely. "Baka naman gusto mo 'ko share-an sa utang? Charooot!"
Yumuko si Reid at mahinang natawa. "Uwi ka na lang sa 'kin."
T H E X W H Y S