Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
10:14 AM
Manager Lou Reid, maraming nagtatanong sa akin ngayon bakit daw hindi ka active sa social media? Pati yung endorsements mo, nagtatanong na dahil may mga scheduled posts dapat na wala pa? Ano'ng nangyayari?
Reid ipost ko nalang po lahat mamaya
Manager Lou Sabi ko naman sa 'yo kami na bahala sa social media mo. Ibigay mo na lang sa amin yung logins para hindi ka namahirapan.
Reid okay na po ako na po magpost mamaya
Manager Lou May nangyayari ba, Reid? Nitong mga nakaraan din kasi hindi ka na namin ma-gets. Mas naging tahimik ka kumpara noon. May mga nakakapansin na sa TV guestings nyo pa lang. Are you even aware of all the tweets about you looking cold to Mitch? Hindi maganda, Reid.
Reid magbbasa po ako mamaya hindi po ako nagsocial media lately
Manager Lou Bakit? Trabaho mo 'yan, Reid.
Reid Miss Lou, hindi kasi ako kumportable sa mga pictures na lumalabas bakit po ba palaging nilalabas ng news ung mga pictures with mitch?
Manager Lou Promotions, Reid. Para ka namang bago sa showbiz!
Reid bakit yung mga intimate po? puwede bang hindi?
Manager Lou Ano bang nangyayari? Sandali. May girlfriend ka ba kaya ka nagkakaganiyan? Reid sinasabi ko sayo. Nagtatanong na sina boss tungkol sa inyo ni Mitch.
Reid hanggang ngayon po ba pinipilit pa rin? ayoko nga po. paulit-ulit na rin po tayo eh
Manager Lou Reid hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Kakapirma mo lang ng 5 year contract. Ang dami-dami mong project.
Reid puwede po bang magsolo nalang at walang love team?
Manager Lou Mag-usap tayo sa office, Reid.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.