Binuksan ni Harley ang pinto ng apartment at tumango kay Reid. Galing siyang airport. Dumiretso na kaagad siya kay Frankie dahil hindi pa rin ito nagre-reply sa kaniya.
"Gising ba?" tanong ni Reid kay Harley.
"Oo. Kakarating lang din niya. Mukhang namili ng gamit, eh," sagot ni Harley. "Sa kwarto na lang din muna ako."
Panay ang pasasalamat niya kay Harley na siyang nagbibigay ng updates tungkol kay Frankie.
Pagod siya at inaantok, pero gusto na niyang makita ang girlfriend niya. Gusto na niya itong makausap kung ano ba ang problema dahil sumaktong nasa ibang lugar siya sa panahong mukhang hindi maayos ang lahat.
Dalawang beses na kumatok si Reid, pero walang magbubukas. Sinubukan niyang ikutin ang doorknob na kaagad namang bumukas, pero madilim ang buong kwarto. Malamig, madilim, at walang tao.
Ngunit narinig niya ang tubig na nanggagaling sa banyo.
Binuksan ni Reid ang ilaw ng study table ni Frankie. Ikinangiti niyang makita ang pictures nilang nakalagay sa frame, mga notebook, mga papeles, drawing at painting materials.
Sa tuwing nakikita niyang seryosong nagdo-drawing si Frankie, amazed siya. Kahit na panay ang reklamo nito sa kursong kinuha, maganda pa rin ang kinalalabasan ng lahat.
Hawak ni Reid ang polaroid picture nila. Bago lang iyon, sa apartment ng ate niya at inalala kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa.
Reid gave himself to Frankie, and she did the same. They were each other's first, and there were no regrets. He had always been reserving himself for someone he was sure off.
Bumukas ang pinto ng banyo at nagtama ang tingin nila ni Frankie. Seryoso itong nakatingin sa kaniya habang tinutuyo ang mahabang buhok. Suot nito ang simpleng T-shirt na kulay berde at short na maluwag na may kaiklian.
Tumayo si Reid at lumapit kay Frankie para yakapin ito. Inasahan niyang yayakapin siya pabalik, pero hindi ginawa. Walang reaksyon, hindi gumalaw, at nanatiling nakatayo na para bang hinihintay siyang bumitaw.
Hinalikan niya ang pisngi ni Frankie na humiwalay sa kaniya. "Kelan ka dumating?"
"Ten minutes ago lang," ani Reid at sinundan ng tingin si Frankie. Humarap ito sa salamin at nagsuklay.
Naghintay si Reid ng sagot o paliwanag o kahit na ano, pero wala kaya siya na ang lumapit para yakapin si Frankie mula sa likuran. Tinitigan niya ito mula sa salamin at seryoso lang ang mukha na para bang hindi masayang nakita siya.
"Na-miss kita," bulong ni Reid. Hinalikan niya ang balikat ni Reid. "Musta ka nitong nakaraan?"
"Ayos naman," tipid na ngumiti si Frankie. "Ikaw, magpahinga ka na ri—"
"May nangyari ba?" Pinutol na kaagad ni Reid ang sasabihin ni Frankie. "Hindi ka nagre—"
Tumigil sa pagsuklay si Frankie. Walang sinabing kahit na ano, pero dahan-dahang lumayo sa kaniya. Pinilit ni Reid na huwag magtanong. Sinundan lang niya ng tingin si Frankie na naupo sa gilid ng kama.
"May problema ba tayo, babe?" mababa ang boses ni Reid. "Kasi kung meron, puwede naman siguro nating pag-usapan, hindi 'yong ganito na wala akong idea sa nangyayari sa 'yo. Ilang araw na 'kong tawag nang tawag, pero wala. Gusto ko lang namang agapan kung anong meron, Frankien."
"Uwi ka muna siguro, Reid," ani Frankie. Halos pabulong ang pagkakasabi ngunit sapat para marinig niya. "Mess—"
Umiling si Reid at nagpameywang. "Ayan na naman tayo sa message mo na lang ako, eh, pero kahit reaction o ano, wala. Sana kung may problema tayo, sabihin mo kaagad, Frankien, hindi 'yong malayo ako sa—"