141 𐊪

13.1K 392 123
                                    

Kumportableng isinandal ni Frankie ang likod niya sa upuan ng kotse ni Reid. Siniguro na muna nitong nakasarang mabuti ang roll up door ng office. Masakit na rin kasi ang paa niya dahil maghapon siyang nakatayo.

Walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa mga susunod. Alam na ni Reid at hindi siya mapakali. Natatakot siyang magkatotoo ang sinabi ng manager nito, pero tama rin naman ang makaibigan niyang may karapatang malaman si Reid.

Inayos niya ang upuan para medyo maihiga iyon. Pumikit siya at hinaplos ang tiyan niya nang bumukas ang pinto ng driver's seat.

Pagkapasok sa kotse, kaagad na tinanggal ni Reid ang hood sa ulo at tiningnan siya nang patagilid. "Inaantok ka na?"

"Sobra," sagot ni Frankie.

"Saan ka pala nakatira ngayon?" tanong ni Reid. "Sure akong hindi na sa apartment n'yo ni Harley noon dahil nag-try akong magpunta roon."

Hindi nakasagot si Frankie dahil parang piniga ang puso niya sa pagkakasabi nito. Bukod sa mababa ang boses, alam niyang may lungkot. Buntis lang siya, hindi manhid. Isa pa, alam niya ang boses ni Reid.

"Lumipat kami medyo malapit dito. Siguro mga fifteen minutes away para hindi na 'ko mahirapan," aniya at hinaplos ang tiyan. "Hinahatid naman ako ni Risha pauwi kasi nadadaanan naman." Humikhab siya.

Tumango si Reid at nagsimula nang magmaneho. Na-miss niya itong panooring mag-drive lang. Ganoon kalala na kahit na nagmamaneho lang naman, guwapong-guwapo siya.

"Ituro mo na lang 'yong daan para maihatid na kita," sabi ni Reid nang hindi siya tinitingnan. "Para makapagpahinga ka na rin."

Muling humikhab si Frankie. "Musta ka na pala? Congratulations sa mga award mo."

"Thank you." Tipid ang sagot ni Reid na hindi pa rin tumingin sa kaniya. "Matagal ka na bang nagtatrabaho kay Risha?"

"After graduation," ani Frankie at nilingon ang daan. Medyo traffic dahil rush hour na rin. "Nag-offer naman siya kaya tinanggap ko. Sino ba naman ako para umarte, 'di ba?"

Pasimpleng nilingon ni Reid si Frankie at bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakalapat sa tiyan. Hindi niya alam ang sasabihin hanggang sa marinig ang busina mula sa likuran nila dahil umaandar na pala ang nasa unahan.

Marami siyang gustong itanong, pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula.

"Ano'ng dress pala 'yong napili for your graduation?" Iyon na ang pinakamaayos na tanong na naisip niya. "Sinuot mo ba 'yong dark yellow? Bagay sa 'yo 'yon."

Yumuko si Frankie at inayos ang upuan para dumiretso siya ng upo. "Puwede ba tayong dumaan sa may KFC? Medyo malapit na siya. Gusto ko ng mashed potato sana? Bababa na lang ako para bumili."

Tumango si Reid at ganoon ang ginawa nila. Nahihiya siyang si Frankie pa ang bibili, pero tama ito sa parteng hindi naman niya iyon magagawa. Halos araw-araw niyang pinag-iisipan ang tungkol sa sinabi nito dahil may katotoohanan iyon.

Na wala siyang magawa.

Tinawagan niya ang mga kaibigan niya tungkol sa pagkikita nila ni Frankie. Masaya ang mga ito para sa kaniya, pero siya mismo, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya.

"Okay na?" Inayos ni Reid ang paperbag na hawak ni Frankie. "Nabili mo na ba lahat?"

"Oo. Kinuhanan kita ng extra brownies. Baka mamaya kainin mo na naman 'yong sa 'kin, eh," natatawang sabi nito. "Kinuhanan din kita ng famous bowl at saka ng mushroom soup. Pareho na lang tayo. Hindi ko alam kung anong gusto mo ngayon, eh."

Tipid na ngumiti si Reid bilang sagot. Nasa parking lot pa rin sila nang magsimulang kumain si Frankie. Pumikit ito pagkahigop sa sabaw at tumigin sa kaniya.

Stay Close, Please GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon