155 𐊪

13.4K 328 138
                                    

Hindi inaasahan nina Reid at Frankie na magkakasundo ang mga kaibigan nila. Kasama nina Lee at Risha ang mga asawa nilang nakasundo rin ng mga kaibigan ni Reid.

Life of the party si Harley dahil hindi natatapos ang kuwento. Kausap nito ang girlfriend ni Mile na parehong magaling magluto. Nilalaro naman nina Lee at Risha si Rikien.

Halos hindi nila mahawaka ang anak nila dahil pinagpasahan ng mga kaibigan nila. Si Mile naman ay gumawa ng mini shoot para dito.

"Grabe ang gulo," mahinang sabi ni Frankie habang inaayos ang pagkain nila. "Pero ang cute kasi magka-vibes friends natin. Hindi mahirap pagsamahin kung sakali mang mayroon tayong ganitong dinner."

"I agree," sagot naman ni Reid. "Para next time, isang party na lang tapos isang preparation at isang gastos. Tipid na masaya."

Mahinang natawa si Frankie at sinubuan ng nachos si Reid na naghihiwa ng kamatis.

Na-advance ang party nilang dapat ay next week pa dahil aalis si Reid sa isang linggo para simulan ang shooting nito sa California. Nalungkot si Frankie, pero kasama naman iyon sa trabaho nito at makakasama niya si Harley na titira sa condo habang wala silang kasama.

Ganoon naman ang setup nila madalas. One call away naman si Harley dahil freelancer naman ito kaya anytime na tawagan niya, pupunta. Her bestfriend became a food and lifestyle blogger. Bagay kasi masyadong makuda at maraming side comments.

Samantalang napansin ni Reid ang biglang pagtahimik ni Frankie. Kahit hindi ito vocal sa tungkol sa pag-alis niya, nararamdaman niya ang lungkot.

"Tahimik naman," bulong ni Reid. "Uuwi ako kapag break."

"Gagi sayang sa ticker." Sumandal si Frankie sa counter at huminga nang malalim. "Huwag mo 'kong pagpapalit doon sa artistang foreigner, ha? Dapat ako lang."

Reid chuckled and gazed at Frankie. "Ikaw pa ba? Lakas mo kaya sa 'kin. Love kita kaya imposible 'yon."

"What if 'wag kang mag-promise para 'pag may nangyari, hindi masyadong masakit?" Pabiro ang pagkakasabi ni Frankie, pero alam ni Reid na seryoso iyon. "Siyempre hindi naman natin alam 'yong susunod. Basta may tiwala naman ako sa 'yo."

Reid leaned to kiss Frankien's cheek. Valid ang nararamdaman nito at hindi niya pangungunahan iyon. Sa dami ng mga nangyayaring issue sa entertainment industry, hindi maiiwasang mag-isip nang ganoon ang girlfriend niya.

Dinala ni Frankie ang pagkain sa lamesa kung saan nakapalibot ang mga kaibigan nila. Malaki ang pasasalamat nila sa mga ito at lahat ay mayroong naitulong sa kanilang dalawa lalo sa parteng pagtatago.

Sa ilang buwan, walang nakakalabas tungkol sa kung sino ang mag-ina niya. Mayroong mga speculations, pero walang proof.

Maraming theory, maraming post, at blind item, pero walang nakukuhang impormasyon ang kahit na sino tungkol sa kung sino ang babae sa buhay niya. Malaking factor na mayroon silang tiwala sa mga nakapaligid sa kanila.

Marami pa ring negatibong salita galing sa iba, pero natutunan na nilang huwag iyong pansinin.

Reid was lucky that Frankie knew the art of dedma—her words.

Malaking bagay na mayroong idea si Frankie sa kung ano ang nangyayari sa showbiz dahil naiintindihan nito ang trabaho niya. Hindi lang niya malimot ang pag-iyak nito nang ikuwento niya ang tungkol sa mga harassment na naranasan niya sa iba't ibang tao na hindi pinakinggan dahil lalaki siya.

Nakita niya rin minsan na nagbasa si Frankie tungkol sa kaparehong issue at ikinalungkot nila ang mga haha reacts sa posts na dapat sana ay seryosong issue.

Stay Close, Please GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon