Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
9:12 PM
Lee Frankien Sabi ni Harley, hindi ka pa raw lumalabas ng room. Okay ka lang ba? Message mo ako kapag oks ka na.
9:56 PM
Frankie leeee kakagising ko lang haha bagsak ako paguwi, eh okay lang akooo. whyyy
Lee Yung totoo...
Frankie hahaha hoy okay nga lang
Lee Nagkakausap pa ba kayo ni Reid? Di ba may coffee date kayo ngayon?
Frankie nagpass muna akoo sumakit yung ulo ko sa exam kanina hahahaha
Lee Sa exam ba talaga o sa news na naman?
Frankie hahahaha sa exam!
Lee Frankien ha
Frankie hahahahaha parang gusto ko na lsng maging fan na hindi napapansin, je... mas nahuhulog ako eh nagkakausap kami mahigt one week na kaso ayon nga hahahaha
Lee Anong ayon nga?
Frankie nafafall ako lalo gagi hahaha hirap hindi mafall lalo love na love ko yon eh kaso masasaktan akooo hahahaha
Lee Akala ko ba gusto mong maging nonshowbiz girlfriend? Hahahaha Di ba nag practice ka na nga?
Frankie ngayon ko naramdamang ang selosa ko pala parang hindi puwedeng artista ang boyfriend hahah nahuhurt akooo eh di ko pa jowa yon hahaha
Lee Anong plano mo? Ighost mo ba? Sabihan mo na lang. Magpaalam ka nang maayos. Kung selosa ka, Frankien, hindi nga kayo puwede. Sa nature ng work niya, hindi ka puwedeng magselos.
Frankie kaya nga eh hahahaha hindi pala ako pwede hahahaha balik nalang ako sa pagiging fan haha
Lee Naiirita ako sa haha mo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.