Gustuhin man ni Reid na puntahan ang mag-ina niya sa ospital, hindi puwede dahil mag-iingat pa sila. Hindi niya tanggap ang sitwasyon, pero mas kailangan niyang harapin ang realidad para hindi lalong lumala ang issue.
Nasa condo siya at naghihintay ng news galing kay Harley. Nakapasok na raw sa delivery room si Frankien at hindi siya mapakali. Kasama niya si Brett dahil nasa ospital naman sina Samuel at Mile.
"Magiging okay lang sila," ani Brett na inabutan siya ng softdrink. "Sa condo pa rin ba kayo ni Ate Reg?"
"Sa tabi," sagot ni Reid. "Nabili ko 'yong katabing condo, pero si ate ang nakapangalan. Mas madali kasi 'yon. Gusto ko nang makita si Frankie."
Tinapik ni Brett ang balikat niya at sinabing mag-relax lang siya, pero hindi niya magawa. Gusto na niyang makita si Frankien at paulit-ulit niyang ibinubulong na sana ay maging maayos lang ang lahat.
Simula nang kumalas si Reid sa love team nila ni Mitch, marami ang nawala sa kaniya, pero hindi niya iyon inisip dahil mas naging magaan ang lahat.
Naging solo siya sa lahat ng proyektong nakuha niya. Wala pa ring alam ang iba kung bakit nangyari ang lahat at mas minabuti niyang ganoon na lang.
Wala na siyang balak siraan ang dating manager at dating reel partner. Bahala na ang madla kung ano ang iisipin ng mga ito dahil mas importante ang peace of mind niya lalo ni Frankie.
Lumabas ng condo si Reid at nagpunta siya sa balcony para huminga. Nag-message na rin siya sa ate niyang nasa Europe na nasa delivery room na si Frankie at anytime ay lalabas na ang anak nila.
Kababa pa lang ng tawag ay nag-ring muli ang phone niya at si Samuel iyon para sabihing nanganak na si Frankie. In-obserbahan na lang ang mag-ina niya bago ilipat sa kwarto.
Pumasok siya sa loob ng condo at pabagsak na naupo sa sofa. Nakatingin sa kaniya si Brett at mukhang nabasa na rin nito ang message nina Samuel sa group chat nila. Pareho silang tahimik.
Inihiga ni Reid ang ulo niya sa backrest ng sofa at mahinang humagulhol. Hindi na niya napigilan ang sarili niya dahil para na rin iyong sasabog simula pa lang nang mag-labor si Frankie.
"Gago ka, tatay ka na," natatawang sabi ni Brett. "Tangina, ikaw pala ang mauuna. Nagpustahan pa tayo noon kung sino, sabi natin si Mile kasi may girlfriend, pero pucha, ikaw pala."
Natawa si Reid na nagmamalabis ang luha. "Kay Frankien pa. Crush ko for years, tangina," aniya at umiling. Suminghot siya at pinunasan ang luha. "Lodi ko talaga 'yon."
"Magsasama na ba kayo?" tanong ni Brett.
"Oo. Napag-usapan na namin 'yon. Baka kukuha na lang kami ng helper lalo kapag wala ako," ani Reid. "Excited na 'kong makita 'yong mag-ina ko."
Sumandal si Brett at umiling. "Kapag binabalikan ko kung paano ka namin asarin sa fan mo, natatawa ako, eh. Sinong mag-aakalang sa kaniya ka nga talaga babagsak. Nakuha ka sa good morning, gago. Saka pala sa cake."
Yumuko si Reid at humalakhak. "Alam mo bang hindi nababanggit sa 'kin ni Frankie na nasa mall show ko siya once? Hindi ko rin sinasabi sa kaniya na doon ko siya unang nakita sa personal. Namukhaan ko siya dahil sa twitter niya."
"Kaka-stalk mo 'yan, gago," ani Brett at tumawa. "Pero congratulations sa baby n'yo. May inaanak na 'kong ililibre ng plane ticket."
"Bait namang ninong n'yan! Buti na lang may ninong na piloto!" Humugot si Reid nang malalim na paghinga. "Gusto ko na silang makita."
Ngumiti si Brett. "Wait lang tayo, Reid. Hindi talaga puwede, eh. I know gets naman ni Frankie at maiintindihan pa rin niya. Ang mahalaga ngayon, pero silang ligtas."
Imbes na mag-stay sa condo niya, inaya ni Reid si Brett na magpunta sa bagong condo nila ni Frankie. Ipinakita niya ang mga gamit na inayos na nila, ang kwarto para sa anak nila. Walang masyadong gamit dahil mas gusto nila ng open space.
Binuksan niya ang isa pang kwarto at nanlaki ang mga mata ni Brett sa nakita.
"Sabi ko kay Frankien, storage room 'to at bawal siyang pumasok kasi marumi pa, pero wala siyang idea na pinagawa ko 'tong studio." Binuksan niya ang blinds at malaking bintana iyon na mayroong magandang natural light. "Napapadalas kasi lately 'yong pag-drawing niya. Hindi siya nagpa-paint, pero nagdo-drawing siya.
Walang idea si Frankie na lahat ng drawing nito kahit na sa resibo lang ng grocery, tinabi niya. It was the least he could do.
Nakaharap sila sa malaking bintana nang tumunog ang phone niya. It had been three hours since the last update.
This time, it was Frankien.
—
[ iMessage ]
4:36 PM
Frankie
hi lods
thanks sa merch charot haha
pagod ako huhuReid
hi babe
i love you
im proud of youFrankien
love kita palagi huhu
love ko kayo ni rikien palagi