147 𐊪

13K 337 29
                                    

Panay ang tingin ni Frankie kay Reid habang tuwang-tuwa naman si Reggie, ang ate nito, na ipakita sa kanila ang mga nabiling damit para sa baby nila. Mas marami pa nga itong nabili kaysa sa kanila mismong dalawa.

"Ang gaganda, right?" tumingin si Reggie kay Frankie. "I'm sorry, ha? Sobrang excited lang talaga ako. Hindi ko na baby si Reid ngayon. That baby is my new baby na."

Ngumiti si Frankie. "Thank you po sa lahat ng binili mong damit," aniya at nilingon si Reid na nakangiti. Kumportable itong nakasandal sa sofa samantalang siya, hindi mapakali.

"Also, 'wag ka na sanang mailang sa 'kin, ha? Ako lang 'to," anito at malapad na ngumiti. "Dito lang kayo ni Reid, walang problema. Hindi rin naman kasi ako magtatagal. Two days lang ako. Bumisita lang talaga ako rito para makilala kita personally," dagdag nito.

"Two day ka lang po rito?" nagtatakang tanong ni Frankie.

Tumango si Reggie. "Yup. May shoot kasi kami sa mga susunod pa, eh. Also, mayroong rehearsals for runway. Hindi na 'ko model ngayon, pero mas gusto kong maging makeup artist na lang."

Kilala ni Frankie ang ate ni Reid dahil minsan itong sumikat na commercial model. Fake fan siya ni Reid kung wala siyang idea kung sino ang ate nito lalo na at nagkasama rin ang dalawa sa commercials noon.

Mabait ang pakikitungo nito sa kaniya at hindi niya inasahan ang isang kahong gamit ng magiging anak nila ni Reid. Nang malaman daw kasi nito na buntis siya, kaagad itong namili para sa kanila.

"Are you guys living together na ba?" tanong ni Reggie.

Umiling si Reid. "No. Frankie's staying with her friend, and I mostly visit na lang."

"Visit? Sa apartment ka na nga natutulog, eh," pagbibiro ni Frankie. "Basta po ang sabi ko sa kanya, mag-iingat. Baka mamaya may mga marites na naman, eh medyo mainit pa 'yong issue."

"Tama rin naman," Reggie agreed. "Basta if you guys need a place to stay na alam n'yong safer para sa inyong dalawa, you can stay here. Hindi ko naman nagagamit 'tong condo ko."

Nagpasalamat si Frankie sa ate ni Reid. Bukod sa gamit ng baby, marami ring maternity dresses para sa kaniya. Bumili pa ito ng special na unan para sa buntis, mga pagkain galing sa US, at kung ano-ano pa.

Hapon nang magpaalam si Reid na aalis sandali dahil mayroong meeting kasama ang bagong manager nito. Isang buwan na, pero maingay pa rin ang issue at naglalabasan ang theories sa kung ano ang nangyari, pero mas lamang ang parteng mayroong nabuntis.

Totoo rin naman talaga, pero mas pinili nilang manahimik.

"To be honest," basag ni Reggie sa katahimikan habang nanonood sila ng TV. "Hindi ako nanoood lately, hindi rin ako nagbabasa ng news online. Grabe mga words, nakakaloka! Hindi ko ma-take 'yong ibang sinasabi nila tungkol sa kapatid ko kahit na mga wala naman silang alam."

"Ako rin po," pag-aamin ni Frankie. "Ate, 'wag mong sasabihin, ha? Sa totoo lang po, nagbabasa ako lately ng mga post tungkol kay Reid. Sinabihan niya ako na 'wag na, pero hindi ko maiwasan. H-Hindi ko maiwasang hindi i-search 'yong pangalan niya."

Humarap sa kaniya si Reggie at gandang-ganda siya sa mukha nito. Bukod pa roon ay matangkad. Mahaba ang legs, payat, at saktong model, pero mas gustong maging makeup artist.

"Frankie, the lesser we know, the better. Alam kong curious ka sa kung ano ba ang sinasabi ng iba, pero mas madalas na masayang wala tayong alam, eh," ngumiti si Reggie. "Masasaktan lang tayo kasi hindi naman nag-iisip 'yong iba tungkol sa sasabihin nila. As long as hindi sila nasasaktan, itutuloy nila kung ano 'yon."

Yumuko si Frankie at nilaro ang gilid ng unan na ibinigay sa kaniya ni Reggie. "Hindi ko maiwasan po, eh. Grabe 'yong curiousity ko, pero nakaka-stress siya."

Stay Close, Please GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon